Chapter 7- Jealous? OR NOT?

1.3K 26 4
                                    

Sorry po sa mga grammatical and spelling errors. :))

BRYAN’S POV

Hinatid ko na muna si Laine sa bahay nila. Okay na siya. Ngayon ko lang ata nalaman na may asthma siya. Feeling ko tuloy hindi sapat yung sinasabing pagmamahal ko sa kanya kasi parang hindi ko pa talaga siya kilala. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Mahal ko siya at hindi ko din naman kakayanin na mawala siya sakin ulit.

Mga 11pm na nung naisipan ko umuwi. Hinintay ko lang siya makatulog, niyaya niya pa kasi ako manuod ng movie at dun na din ako pinagdinner ng parents niya. -_- Nakakapagtaka si Laine ngayon. Ang pagkakatanda ko kasi sobrang bestfriends sila ni Steffie, pero bakit ganito? Nag-away ba sila? O dahil naging kami? Nakakaguilty tuloy.

Balak ko na talaga dumiretso pauwi dahil pagod na din ako at ang dami ng nangyari ngayong araw pero kanina ko pa iniisip kung kamusta na si Steffie. Malilintikan sakin to si Alvin at Kevin e. Hindi man lang ako binalitaan kung kamusta na siya. Hays! Mababaliw na ako. Hindi ako alam kng ano ang dapat isipin ko. -_- Baka bigla akong iwan ni Laine kapag nalaman niya na dinalaw ko si Steffie. WHAT TO DO!? Aish!!

Hindi pa ako nakakapagisip ng matino pero nakita ko nalang ang sarili kong nagddrive papunta sa ospital kung nasaan si Steff. Buti nalang nasa kotse ko pa ang shades ko, hindi ako sigurado kung wala na bang reporters dun.

Nang makarating ako sa parking lot ng ospital, nagmamadali akong bumaba. Kinakabahan din ako na may makakitang reporter sakin, hindi ako takot sa tsismis pero takot akong malaman ni Laine na bumalik ako dito. Buti nalang tinext sakin ni Mama yung room number ni Steff. Pero pagkabukas ko palang ng pinto niya, nabwisit na agad ako sa naabutan ko.

Nakita ko lang naman si Koreanong hilaw na nakahalik sa noo ni Steff habang natutulog.

Hindi ko na din napigilan ang sarili ko na magsalita, “Anong ginagawa mo?” at napalingon naman siya na halatang gulat.

“Harris, ikaw pala.” At hindi ko maintindihan kung bakit parang nakita ko siya na nagsmirk “Magpapaalam na ako kay Steff. May shooting pa ako e.. Hmm. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?”

Naaangasan talaga ako sa lalaking to e. Kala mo kung sinong pogi e maputi lang naman siya. Bwiset!

“Ako ang nagdala sa kanya dito.” Nakita kong parang nagalit siya. “Titignan ko lang kung okay na siya.”

“Okay na siya. Makakaalis ka na.” biglang sabi niya na ikinainit talaga ng ulo ko.

“Anong karapatan mo sabihin sakin yan?” akala mo naman girlfriend niya si Steff. “Wala kang karapatan na paalisin ako-“

“Meron. Boyfriend niya ako. Kaya makakaalis ka na. Ayokong makita kang lumalapit pa sa girlfriend ko.”

ANO? B-boyfriend? Si Steff at Seo na? Kailan pa? Wala pa ngang isang linggo ang klase sila na agad? Panong naging sila??

“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko Harris? Umalis ka na.”

PESTE!

Umalis nalang ako kesa makasapak ng tao ng wala sa oras. Nararamdaman ko na kumukulo talaga ang dugo ko. Gusto ko basagin ang mukha ng hilaw na yun.

BWISIT! BWISIT! BWISIT!!!

NAKAKAINIS TALAGA AKALA MO NAMAN KUNG UMASTA BINILI NIYA NA YUNG STEFF NA YUN! Nabubwisit din ako kay Steff. May pa ‘too late. Too late I already fall in love with you’ pa siya e sasagutin niya din pala yung hilaw na yun. Shit lang talaga! Akala ko ba ako ang gusto nun? Bakit ang bilis maging sila?

Ang sarap tumambay at mag-inom. Maalis man lang ang init ng ulo ko. Psh. Tatawagan ko na nga lang si Alvin.

“Hmm” Ang potek. Halatang nagising ko lang e.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon