Sorry sa grammatical and spelling errors! Sorry din kasi maikli lang 'to. Marami kasi akong quiz kaya hinahapit ko lang 'to. Sorry kung sabaw para sa inyo.
Maraming salamat sa patuloy na nagbabasa at bumuboto sa story ko! Sana magcomment kayo about sa ideas nyo. Feel free to message me din. THANKYOU! GODBLESS US ALL! :) -Ainelabs
**
Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko at sa cellphone ko na kanina pa tunog ng tunog. Una kong tinignan si Bryan, sinapo ko ang noo niya at nakahinga naman ako ng maluwag nung nawala na yung lagnat nya.
Mukhang okay na din siya, hindi na siya maputla. Pero ang higpit higpit pa din ng yakap niya sakin. Para namang tatakasan ko siya..
Inabot ko ang phone ko na istorbo sa bed side table at sinagot ang kung sino mang tumatawag. “Hello.” aga-aga e. Wala namang pasok ngayon. Tss.
“Hello?! Ateng?! Naku! Nakakaloka ka! Nasan ka na ba?! 30 minutes ka na namin hinihintay dito sa set.” HA? Anong meron ngayon? Si Jona nga pala yung natawag. Handler ko.
“Ano bang meron ngayon?” tinatamad pa din na sagot ko. Pinipilit ko talagang hinaan yung boses ko para hindi magising si Bryan.
“Ohmydee Ateng! You forgot! Ngayon ang photoshoot mo for F&H! Sabi ko na nga ba dapat dinaanan na kita kanina e!”
DAMN! OO NGA PALA! Nakalimutan ko shet! Dahan-dahan akong bumangon. “Sige Jona, m-magsshowe r lang ako ng mabilis. Pasensya na kakagising ko lang. Pakisabi din sa kanila pasensya na, sorry talaga.”
“Oo na ateng. Bilisan mo na!” sabay patay sa phone. Patayo palang ako when I heard Bryan’s rasping voice.
“Where are you going?” patay! Nahuli nanaman ako sa akto. -_-
Lumingon ako at nginitian sya.. Yung matamis na ngiti para payagan nya ako. “Hi Bryiee. Goodmorning!”
“Goodmorning.. Sinong kausap mo sa phone? Saan ka pupunta?” daig nya pa ang NBI kung makapagtanong.. pero gusto ko pa din yung ginagawa niya. Wala ba akong pwedeng ayawan sayo?
“A-Ah kasi Bry, ano, may photoshoot ako for F&H. 30mins na akong late so kailangan ko ng magmadali.”
Mukha na siguro akong naiihi sa reaksyon ko ngayon. Nakakahiya sa mga crew! Kanina pa sila naghihintay sakin..
Kumunot ang noo nya at dahan-dahan umupo.. “ Photoshoot?? No, baby. Let’s just stay here.”
Gusto kong magpapadyak-padyak. NO! Hindi pwede! Kailangan ko talaga pumunta dun. “Pero Bry! No... Hindi pwede! I—I mean.. Kailangan ko yun eh, nakapirma ako sa kontrata.”
“Okay. Sasama ako.” tumayo na siya at naglakad palapit sakin.
“Hindi pwede! Magtatanong sila tungkol satin Bry! Tsaka hindi ka pa nga okay e. Magpahinga ka nalang muna.”
Ang hirap naman kumbinsihin ng gwapong nilalang na ito. Mas lalo akong mala-late e. “Siguro naman ay mga professional ang tao dun diba? They will not meddle in our personal lives don’t worry wala silang pakealam. Bilisan mo na at maghanda ka na. Magdrive-thru nalang tayo.. Wag mo na ako kontrahin lalo kang matatagalan.” tapos he smiled and kiss my forehead. “I love you, baby. Goodmorning. I love your morning face. Thankyou for taking care of me kanina.”
Batukan nyo ako pleaseee! Hindi ako sanay na ganito sya ka-sweet! Sa sobrang lapit nya sakin natakot akong magsalita kasi baka mabaho ang hininga ko.. hindi pa ako nagttoothbrush, pero siya wala man lang mabaho sa katawan! Shet!
BINABASA MO ANG
Be Mine
Romance"Ang tagal kong naghintay sa babaeng akala ko mahal ko talaga.. Ang tagal kong nagdusa.. Darating pa kaya siya? Yung taong para sa akin talaga? Para kasing imposible na.." Kitang kita ko yung paghihirap sa mga mata niya.. Kung kaya ko lang pawiin...