Dedicated sa pinakaunang author na nagpaiyak at nagpatawa sakin. The best talaga yung Girlfriend for hire at Officialy his girlfriend. :)
Sorry sa grammatical and spelling errors! :)
Comment and vote naman dyan. :)
Sana magustuhan nyo :) Godbless. -Ainelabs
************************************************
STEFF’S POV
“Arggghhh! Bakit ba ang ingay nyo?” naiirita na ako sa mga taong ‘to. Mali talagang dito ako sa school nag-aral e. Natulugan ko kasi ang pagaaral kagabi kaya naghahapit ako ngayon. Next week ay exams na namin, ayokong maging alila ni Bryan kaya naman kailangang mataasan ko siya.
Nakita ko kung paano umangat ang gilid ng labi ni Bryan. “Why so serious, Steff?” naningkit ang mga mata kong tumingin sa kanya.
“Pasimuno ka kaya nagiingay ‘tong mga ‘to dito e! Dun nga kayo sa labas maglaro!” kasalukuyan kasi silang naglalaro ng UNO cards. Lunch break ngayon kaya walang magawa ang mga baliw na ‘to.
Humalakhak siya. “Probably your time of the month huh?” dahil ako ay slow-ever-buffering-and-forever-processing ay hindi ko agad naintindihan ang sinasabi niya hanggang sa magtawanan sila Cecille.
“No Fafa Bry, kung meron siya ngayon ay wala sana sa school yan dahil paniguradong kakailanganin niyang gumapang palabas ng bahay.” balewalang sabi ni Jm habang nakatingin sa cards niya.
Nag-init ang pisngi ko at ibinato ang notebook na hawak ko kay Bryan. “Manyak ka talaga kahit kailan! Ewan ko sayo!”
“AWWW SWEEEEEEET!”- sabay sabay na sabi ng mga tulalang girls na fans samin ni Bryan. Like seriously?! Halos magwrestling na kami dito ay sweet pa din para sa kanila?
Grabe. Ano bang nangyayari sa mundo ngayon?
Ilang weeks na din ang lumipas. Umalis si Laine ng bansa and I think that is the best decision for now, inilayo muna siya ng pamilya nya sa kontrobersya, naniniwala silang makakalimutan din ng mga tao ang eskandalong nangyari. Naging maayos naman ang lahat, nagkaayos ang mga pamilya namin. Naayos na din ang negosyo nila..
Humingi siya ng tawad sa aming dalawa ni Bryan at syempre tinanggap namin yun. Sa ngayon ay wala pa naman kaming nagiging problema.. meron pala, yun ay ang araw-araw na pambbwisit sakin ng maarteng lalaki na ‘to.
BINABASA MO ANG
Be Mine
Romance"Ang tagal kong naghintay sa babaeng akala ko mahal ko talaga.. Ang tagal kong nagdusa.. Darating pa kaya siya? Yung taong para sa akin talaga? Para kasing imposible na.." Kitang kita ko yung paghihirap sa mga mata niya.. Kung kaya ko lang pawiin...