Chapter 4- His Love

1.4K 26 5
                                    

STEFF’S POV

Oo mahal ko siya pero hindi naman ako ganun ka-tanga para hindi magalit sa kanya dahil sa ginawa niya. Masakit kaya sobra yung balakang ko pati yung puso ko. At hindi ako masochist para matuwa kapag sinasaktan niya.

“Magstretching muna kayo. Magshower lang ako at magpapalit ng damit. Bilisan nyo lang, paglabas ko diretso na tayo. We have to work for new routines kasi 15 schools ang makakalaban natin dun. Hindi biro yun, and inaasahan nila tayo dahil tayo ang champion last year. So makakaasa ba ako ng cooperation sa inyo?” yung team na to parang pamilya ko na din. Lahat kami mahal namin ang ginagawa namin kaya alam kong mahalaga din to para sa kanila at gagawin nila lahat para manalo. Ganun din naman ako, bahala na lang ang balakang ko. Tsk.

“YES CAPTAIN!”

Dumiretso na ako sa shower room. Tsaka ko nakita yung sa may bandang legs ko may pasa. Aww. -_- Sobrang halata. Parang ube agad yung kulay. Ganito ba kalala yung pagkabagsak ko? Leshe kasing tangkad niya e. Ayan tuloy. L Nagbihis na ako. Loose shirt at fit cycling shorts lang ang suot ko. Karaniwang suot ng mga cheerleaders tuwing practice. Sa sobrang iksi ng short ko halatang halata yung pasa ko. Paano na ako neto mamaya? Kahit ata split hindi ko magagawa mamaya e? </3

Lumabas na ako at nagsitayuan naman sila.

“Miss Stef.” Nagulat ako kasi yung Coach ng basketball ang tumawag sakin.

“Yes Coach?” He looked at my legs tapos bigla siyang lumapit sakin.. Nakita ko naming napatigil din yung mga players at nakatingin samin.

“You don’t look good. I mean, kanina ko pa napapansin na pilit yang mga galaw mo. Is there anything wrong?” sabi ni Coach na parang detective ang asta. Barkada lang ang turing niya samin, pare-parehas kasi na nasa sports and hindi pa naman siya matanda, mga 30 lang siguro or 29 kaya naman nasasabayan niya din yung ugali namin. Bago magsalita, napatingin ako kay Bryan, papalapit na sila sa kinatatayuan namin.

“Wala Coach. Imagination mo lang yun. Hehe”

“Really? E ano yang pasa sa legs mo?” napatingin ako kay Bryan, nakita kong napalunok siya. Psh. Natatakot siguro tong isumbong ko siya. Pasalamat ka mahal kita!!

“Ah, ewan ko nga coach e. Pag gising ko meron na yan. Pero hindi naman masakit e.” sige lang Steff, magsinungaling ka pa.  -_-

Pero hindi ko inaasahan nung bigla niyang hampasin yung bandang likuran ng balakang ko.. Kasabay ng pagkagulat ko, nagulat din yung mga taong nasa paligid namin dahil narinig ko silang napasigaw nung sumigaw din ako.

“Fvck!!” I can’t help but cuss. Potek. Ang sakit. “Coach, what was that for!? Are you trying to kill me?” naiinis talaga ako ngayon sa kanya.

“Hmm. Tama nga yung hinala ko. Miss Chua, kung saan ka man nahulog hindi maganda yung lagay mo ngayon. Ipa’check mo na yan sa infirmary nakakasigurado naman ako na kahit simpleng backhand spring hindi mo magagawa ngayon e.” sabay alis. Naguluhan naman bigla ang teammates ko, sheesh patay na. Kilala ko sila, isa lang ang mawala pinanghihinaan na agad sila ng loob. Hindi pwede na mawala ako lalo na ito yung pinakamabigat na competition namin.

“No. No. No. No, guys. Don’t look at me like that. I can still dance. I promise, okay? Wag nyo akong bigyan ng ganyang tingin. We will win this competition again, understand?!” pero ni isa sa kanila walang nagsasalita. Nakakabwisit.

“LETSE NAMAN E! ANO BA? OKAY LANG AKO. SASAYAW PA DIN TAYONG MAGKAKASAMA LAHAT! WAG NGA KAYONG PANGHINAAN NG LOOB! NOW, LET’S GO BACK TO WORK.” Sigaw ko sa kanila dahil naiirita na ako..

“No Steff. Lika na. I’ll take you to the infirmary.”

THAT VOICE. Si.. Si Bry yun. Kay Bryan yung boses na yun. Tinawag niya ako sa pangalan ko! Paglingon ko, siya nga. Nakayuko siya at nakakuyom yung kamay niya.

Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon