Chapter 4: Second Meet

432 14 3
                                    

Julianne

Nakatayo ako sa harapan ng salamin at matamang tinitignan ang sarili suot ang isang uniform.

Ito yung uniform na suot ng isang kawani na nagsisilbi sa loob ng Malacañang at habang tinitignan ko ang sarili ko na suot iyon, di ko maiwasan ang kabahan.

Dahil kasabay ng unang araw ng pagpasok at pagsisilbi ng aking amang presidente sa loob ng Malacañang, ay ito rin ang unang araw ko na papasok sa palasyo.

Pagkatapos ng inauguration, lumipat na kami sa Bahay Pangarap, isang residential house malapit sa Malacañang Palace.

Ang daming pumasok bigla sa isipan ko habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin.

"Kaya ko ba?..."

"Hindi naman siguro ako sasablay sa trabaho..."

"Sana walang mangyaring hindi maganda ngayong araw..."

Ngayon pa lang pakiramdam ko ay nanlalamig ang buong katawan ko...

Nape-pressure ako...

Walang anu-anong nanginig ang kanang kamay ko at napapakapit sa itim na skirt na suot ko.

Sinubukan kong magpakalma. Nag-inhale at exhale ako habang nakapikit ang mga mata.

"Julianne kaya mo ito... Kaya mo ito..."

Pilit kong inuulit sa isipan ko ang mga katagang iyon para mawala ng kaba at takot sa loob ko.

Pero dahan-dahan akong napamulat nang maramdaman ko ang mainit na bagay na bumalot sa kamay kong kanina pa nanginginig.

Napatingin ako sa kamay ko at unti-unting umangat ang ulo ko hanggang sa makilala ko ang taong nagmamay-ari sa kamay na bumalot sa nanginginig kong kamay.

"M-Mommy..."- and she smiled.

"May problema ba Anak? I saw your hand trembling"- hinarap ko siya.

"Kinakabahan po kasi ako Ma... Ito po yung unang araw ng pagtatrabaho ko sa Malacañang at gusto ko pong maging maayos ang lahat ng mga gagawin ko... Nakakahiya po kapag nagkamali ako..."- sabi ko and she held my both hands.

"Sabrina, you don't have to make it perfect... Do it slowly but surely... Hindi mo maiiwasan ang magkamali Anak at palaging ganon sa kahit saang trabaho. All you have to do is do your best... Do what you can do... Hindi mo kailangang magmadali and wag kang kakabahan, try to be calm... Just enjoy your day Anak... Isipin mo kami para hindi ka kabahan... Isipin mo lahat ng mga magagandang bagay na nangyari sa buhay mo... And always wear your smile"- and she caressed my left cheeks.

Sa puntong iyon, medyo nabuhayan ang kalooban ko at kumalma ako sa motivation niyang iyon. Kahit paano ay nakatulong ang mga sinabi sa akin ng nanay ko.

"Thank you po Mommy..."- and I smiled.

"Your welcome my princess... Shall we go na? Hinihintay ka na sa labas"- and I nodded.

Magkahawak kamay ni Mommy na tinahak ang daan palabas ng kwarto ko.

Nadatnan ko sina Daddy kasama ang mga PSG na nagbabantay sa kanya at sa amin. Napalingon siya sa gawi namin ni Mommy.

Lumapit kaming dalawa sa kanya at marahan siyang ngumiti nang makita kami.

"Hon, your daughter is afraid... Akala ko hindi siya tutuloy for her  first day"- Mommy said at napatingin sa akin si Daddy.

He touched my head.

"Afraid? Saan naman?"- marahan akong napayuko at muling tumingin sa tatay ko.

"Kinakabahan lang po ako Dad. Since this is my first day sa pagpasok ko sa palasyo, iniisip ko pa lang nape-pressure na po ako... Baka po kasi magkamali ako sa trabaho o kaya may magawa akong hindi tama, mapahiya ko lang po kayo..."- and he smiled at me.

Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon