Daughter in Malacañang

1.2K 13 2
                                    

Prologue

Bongbong Marcos's Residence

Kumpleto kaming nasa harap ng hapag kainan at nagsasalu-salo ng aming hapunan.

Habang abala ang pamilya ko sa pagkain, ako naman ay malalim na nag-iisip at kumukuha ng tiyempo para sabihin ang isang bagay na gusto kong mangyari.

Wala naman masama kung hihilingin ko ang isang bagay na ito na sumagi sa isip ko.

At wala akong nakikitang rason para magdulot iyon ng kaguluhan...

Bahagya akong humugot ng hininga at lumingon sa mga magulang ko.

"Mommy... Daddy..."- pareho silang napatingin sa akin.

"Ano yun Anak? May sasabihin ka ba?"- bahagya akong yumuko.

"Is there any problem Anak?"- napa-angat ulit ako ng ulo at tumingin sa kanila.

Humugot ako ng lakas ng loob bago magsalita.

"May hiling po ako..."- at nakatinginan silang dalawa sa isa't isa.

Bumaling sa akin si Daddy at marahang hinawakan ang kaliwang kamay ko.

Tinignan din ako ni Mommy.

Bahagya akong napalunok at nagsalita ako.

"Gusto pong ikabit sa tunay kong pangalan ang pangalan kong Julianne..."- nakaramdam ako na natigilan ang mga kapatid ko sa kanilang pagkain.

Ramdam ko ang mga titig nila na may pagkabigla.

Napansin ko rin ang bahagyang pagkabigla ng mga magulang namin.

"Ah yun ba ang gusto mo? Sige... Paano ba natin susundin ang pangalan mo Anak?"- tugon ni Daddy.

Marahan akong ngumiti bago magsalita.

"Maria Julianne Sabrina Araneta Marcos po"

Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon