Chapter 30: Session

541 10 12
                                    

Third Person

Liza was inside Julianne's room, fixing her things and reminscing her memories with their family. Sa totoo lang ay doble ang sakit ng nararamdaman niya habng inaalala ang tunay niyang anak at su Julianne.

Masakit para sa kagaya niyang ina na malaman ng totoong sinapit ng anak niya. Hindi niya nakasama ng matagal ang totong anak at maagang nilisan ang mundo. Higit sa lahat ay kahit ano pang gawin niya ay hindi na maibabalik ang buhay ni Sabrina.

Ang tunay na Sabrina.

Pero sa katauhan ni Julianne, hindi man niya tunay na kadugo ang dalaga, naramdaman niya ang walang katapusang pagmamahal ng bata sa kanya. Sa isipan niya ay buhay si Sabrina sa katauhan ni Julianne.

Tanggap na niyang wala na ang tunay na anak at handa siyang tanggapin muli si Julianne at ituring na kanyang anak sa kabila ng katotohanan na anak siya ng babaeng dumukot sa anak niya.

She really missed her, at kapag walang ganap ay tinutungo niya ang kwarto ng dalaga para alalahanin ang mga memories nito na kasama sila.

While staring at Julianne's big portrait wearing her favorite design of Filipiniana dress, bumabalik sa isipan niya lahat ng mga kabutihang ginawa niya hindi lang sa kanilang pamilya kundi sa ibang tao.

She knows how her known daughter dedicated its life helping others especially the young ones.

Lahat na ng magandang katangian ay na sa kanya na, kabaitan, pagiging magalang at mapagmahal, mapagkumababa. Pero madalas ay may pagkapasaway.

Ang pagiging makulit, ang paglalambing nito sa kanilang mag-asawa...

She misses it a lot from her...

Kaya hinihiling niya na umuwi na ito sa kanila at nang magkasama na sila ulit.

A single tear dropped to her cheeks and she gently wiped it. She gently smiled while staring to the portrait. Seeing how Julianne being an elegant and beautiful young woman, she can't afford to lose her again...

Napabalik siya sa huwisyo nang makarinig siya ng tawag mula sa labas ng pintuan ng kwarto ni Julianne, nakabukas ang pintuan. Lumapit siya sa gawi ni Manang Helen.

"Ma'am, nasa sala po si Presidente, pinatatawag po kayo"- bahagyang napakunot siya ng noo nang marinig ang sinabing iyon ni Manang Helen.

"Huh? Bakit? Anong meron?"- medyo nag-alala siya dahil hindi niya expect na uuwi ng bahay ang asawa.

Marahan na lumabas si Liza at hinila ang pinto tsaka sinara.

"Ah.. Eh.. Basta po Ma'am"- tugon ng manang at tinahak na ni Liza ang daan patungo sa sala.

Hindi maalis ang pagtataka sa kanya sa pag-uwu ng asawa, kapag uuwi naman ito sa bahay nila ay mag-tetext ito o tatawag muna sa kanya. But this time it's different.

So she walked through her way to the living room and when she reached her destination, she saw her husband..

And Julianne...

Ntigilan si Liza nang muli niyang masilayan ang batang kanyang itinuring na anak. Ang batang isang halos isang buwang hindi niya nakita at nakasama.

Ang batang minahal niya bilang sarili niyang anak at ngayo'y ituturing na niyang parte ng kanilang pamilya.

"S-Sabrina?? J-Julianne??"- she gently walked through them.

Julianne raised her head and she gently smiled to Liza while walking towards her.

"M-Mommy..."- and ilang saglit, tumulo ang luha niya.

She hugged her soon to be mother. Isang mahigit na yakap ang sinalubong niya sa first lady, sa kinilala niyang ina.

Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon