Chapter 5: Avoid

355 14 3
                                    

Julianne

"A-Ace..."- tanging nasambit ko nang muli kaming magkita na dalawa.

Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin at nakapako ang mga mata ko sa kanya.

Hindi ako makapagsalita sa mga oras na iyon, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Napabalik ako sa huwisyo nang humarang sa harap niya si Ms. Diana.

"Sir, anak po siya ng pangulo, igalamg niyo po siya..."- matamang hinawakan ko ang braso ni Ms. Diana.

Napaharap ito sa akin.

"Ms. Diana kilala ko po siya. Ako nang bahala, bantayan niyo na lang ako"- sabi ko sa kanya at tumabi siya.

Umabante ako papunta kay Ace at marahang ngumiti sa kanya.

"Hello Ace... Nice to see you again... Kumusta ka?"- at nasa likod ko ang mga kamay ko.

Marahan siyang ngumiti bago magsalita.

"I'm happy to see you again... Ma'am Julianne..."- sabi niya at napababa ang tingin ko.

Walang anu-anong lumapit sa akin ai Jelay at binulungan ako.

"Beshy mauna na ako sa loob ha..."- at napalingon sa kanya tsaka ko siya tinanguan.

At muli akong tumingin kay Ace.

Habang pinagmamasdan ko siya aaminin kong malaki ang ipinagbago ng itsura niya.

Aaminin kong mas gwapo siya ngayon kumpara sa dati na kung saan, naging dahilan iyon para mahalin ko siya.

At masaktan...

At dahil nabalot ng katahimikan ang pagitan naming dalawa, ako na ang bumasag nito.

"Hmm it's already time. Let's go back na sa mg offices natin. I think we have something to do lalo na at parehas tayong bago dito. Well, mauna na ako sa'yo"- sabi ko at marahang ngumiti sa kanya.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita, bagkus ay tumalikod na ako at naglakad pabalik sa loob ng lobby ng palasyo.

Sa totoo lang, hindi pa ako handang kausapin siya lalo na kung mapag-uusapan ang mga nangyari noon sa nakaraan naming dalawa.

Siguro naptawad ko na siya, pero hindi ako nakakalimot sa sakit ng ginawa niya sa akin...

That he made me a fool...

Flashback...

I was walking papunta sa pinakalikod ng school gym dahil maghuhugas ako ng kamay nang may mapansin akong dalawang estudyanteng nakatayo, isang babae at lalaki.

Nabigla ako nangk makilala ko ang dalawang iyon...

Ace and Bea...

Bea was cornerned by Ace sa pader at parehas silang nakangiting dalawa.

Matamang nagtago ako sa may ibaba ng lababo at sinilip kung anong ginagawa nila.

Then Ace kissed Bea...

Hindi lang simpleng halik yun...

Napatakip ako ng bibig dahil sa pagkagulat.

When Ace stopped the kiss, Bea asked him.

"Gusto mo ako?"- and Ace nodded.

"Paano si Julianne?"- at hindi agad nagsalita si Ace.

"I love her... Pero bilang kaibigan... She is a sister to me Bea at isa rin siya sa mga taong mahalaga sa buhay ko at kung hindi dahil sa kanya, hindi kita makikilala..."- what the f?!

Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon