Julianne
It was already 7:00 pm in the evening at nasa Malacañang pa ako. Wala na ako sa office dahil alas-singko pa lang lumabas na ako.
Nasa isang kwarto ako at nagpapahinga. Nagpapalipas oras at hinihintay na matapos si Daddy sa trabaho niya sa opisina niya.
Over time na nga siya at marami pa siyang mga kausap na mga tao base sa ulat sa akin ni Ms. Diana dahil nakikisuyo ako sa kanya na alamin mula sa mga kasamang PSG ni Daddy kung anong mga ginagawa niya.
Nahihiya naman akong puntahan siya sa opisina dahil baka busy pa siya sa mga kausap niya kaya naghihintay na lang ako.
Si Jelay naman ayun umuwi na. May apartment siyang inupahan malapit sa may Mendiola kaya malapit din siya rito sa Malacañang.
Nakaupo ako sa isang matigas upuan at nagba-browse ako ng Facebook account ko at dahil marami nang nakakakilala sa akin, gumawa ako ng bagong account yung page type at ang dami kong followers.
Hanggang ngayon ay may mga nababasa pa rin akong negatibong komento tungkol sa pag-upo ng bagong presidente.
Yung ang daming kuda...
Fake president, magnanakaw, incompetent...
Tsk... Nakakasawa...
Kung noon na hindi ko pa alam na anak ako ng isang Marcos eh nagagawa kong pumatol sa mga bashers...
Ngayon hindi na... Kahit nanggagalaiti na ako sa inis...
Pinipigilan ko ang sarili ko dahil sinabihan ako ni Daddy na wag pumatol at pabayaan ang mga haters ng pamilya Marcos.
Tsk... As if na habang buhay kong gagawin yun...
Sarcastic ako masyado eh.
Napalihis ang atensyon ko sa relo ko at mag 7:30 pm na. Naisip kong tumayo na at lumabas ng kwarto.
Nagtungo ako sa pintuan at pinihit ang door knob tsaka binuksan ang pinto.
Bumungad sa akin si Ms. Diana na nagbabantay sa labas ng kwarto.
Pinapapasok ko siya sa loob kaso ayaw niya. Hindi ko na siya pinilit.
Nagtama ang mga mata namin.
Grabe nagagandahan talaga ako sa kanya.
Bukod kay Vice President Sara Duterte, isa rin si Ms. Diana sa nakakakuha ng atensyon ko at ng ibang mga tao pagdating sa kagandahan.
Pero straight ako... Lalaki pa rin gusto ko!
"Ms. Diana, puntahan natin si Daddy sa office. Baka tapos na siya"- sabi ko at tumango siya.
Kaming dalawa ang magkasama ngayon dahil yung mga lalaking PSG na nagbabantay sa akin ay kalat na sa paligid kung nasaan ang pangulo.
Habang tinatahak namin ang daan papunta sa office ni Daddy, napapaisip ako ng tanong na gusto kong itanong kay Ms. Diana.
Na-iintriga kasi ako sa kanya...
Wala lang hehe...
"Hmm Ms. Diana, may tanong ako"- napatingin siya sa akin.
"Ano yun Ms. Julianne?"- she said.
Bahagya akong humugot ng lakas bago magtanong.
Personal kasi ang itatanong ko sa kanya.
"Wag mo sanang mamasamain yung itatanong ko sa'yo... May asawa ka na ba?"- bahagyang tumaas ang kilay niya.
Shocks sana di siya ma-offend.
"Hmm wala pa..."- and she smiled.
Bahagya naman akong napatango.
BINABASA MO ANG
Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2
Fiksi PenggemarTuluyan nang nakauwi sa piling nina Bongbong at Liza ang kanilang anak na halos dalawampung taong nawalay sa kanila. At sa pagkakataong natagpuan na nila ang pinakamamahal na anak, ibubuhos nila sa kanya ang taos puso nilang pagmamahal bilang mga ma...