Ken
Week ago...
"Ano kamo?! Nasisiraan ka na ba ng bait ha?! Bakit ayaw mong ipaalam natin na buhay siya?! Si Sabrina Marcos yung dinala mo rito Ken! At anak siya ng pangulo! Ano bang pinaplano mo?"- nakita ko kung gaano nabibigla ang ate ko sa pabor ko sa kanya na wag nang magsalita tungkol sa kinaroroonan ni Julianne.
Pagkatapos na magamot ng ate ko sina Julianne at Ace dito sa bahay ko sa Zambales ay nag-usap kaming dalawa.
Pagdala sa amin ng mga kaibigan ko at ng pinsan ko dito sa rest house ko ay agad kong tinawagan ang ate ko para sila ay lunasan.
Buti na lang at naging maayos ang lahat kina Ace at Julianne dahil surgeon ang kapatid ko ay siya na ang nag-opera sa dalawa...
Nakiusap ako sa kanya na wag naming dalhin sa ospital ang dalawa.
At ngayon ay nasa ikalawang araw nang nananatili sa bahay ko ang dalawa at wala pang mga malay.
"Ate, alam kong nakakabigla yung pabor ko sa'yo. Pero hintayin muna nating magising si Ms. Sabrina. Isa pa, alam na ng lahat ang nangyari sa kanya. Alam nila na patay na siya na kaya Ate Kristal please, hintayin muna nating magising siya"- inirapan niya ako.
Dahil sa mabilis na imbestigsyon, isang ebidensya ang nakuha ng mga awtoridad na magpapatunay sa nangyari sa anak ng pangulo.
Kahit ang totoo ay hindi si Julianne ang bangkay na nakita sa loob ng sasakyan...
At naisip ko na mabuti nang ganun ang isipin nila sa kanya.
Na siya ay patay na...
Kailangan kong hintayin na magising si Julianne at malaman kung ano ang mga magiging plano niya.
Napadabog si Ate Kristal sa ibabaw ng mesa at napatayo sa kanyang kinauupuan.
"Nababaliw ka na ba Ken? Sabihin mo nga, ano bang pinaplano mong gawin ha?! Hindi puwedeng habang buhay na itatago mo rito yung dalawang yun!"- mariin akong napapikit.
"Ate please, magtiwala ka naman sa akin..."- sambit ko.
Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa ng kapatid ko.
Alam ko sa sarili ko na hindi iyon ang gustong mangyari ni Julianne kapag nagising siya.
Sa oras na ipaalam ko kung sino ang mga taong humabol sa amin sa Tarlac ay sigurado akong kikilos na siya.
"Sige ganito... Siguraduhin mong walang makakakita sa'yo dito... Magpapadala ako ng supplies na kailangan niyo rito at pera... At kapag nagising na sila, sabihan mo ako. Naiintindihan mo?"- at tumango ako sa ate ko.
"Opo Ate, naiintindihan ko..."- at tumango siya.
Hintayin mo akong dumating mamayang hapon. Pupunta ako ng grocery para mamili ng mga kailangan niyo..."- sabi niya at tumango na lang ako.
Pagkatapos naming mag-usap ay lumabas na siya ng bahay at paglabas niya at agad kong ni-lock ang pinto.
Tinignan ko ang sliding door na malapit sa may terrace at nakasara iyon.
Pagkatapos kong masiguro na nakasara ang lahat ng pinto at bintana ay naglakad ako para tumungo sa kwarto kung nasaan si Ace.
Pagpasok ko ay marahan kong sinara ang pinto.
Chineck ko ang swero niya at ang pagkakahiga niya sa kama.
Ang kwarto kung saan siya nagpapahinga ay kwarto ko.
Bagamat maayos na ang lagay niya ay tulog pa rin siya.
"Ace, gumising ka na... Kailangan tayo ni Julianne..."- at hinawakan ko ang noo niya para i-check kung hindi siya mainit at buti na lang ay hindi.
BINABASA MO ANG
Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2
FanficTuluyan nang nakauwi sa piling nina Bongbong at Liza ang kanilang anak na halos dalawampung taong nawalay sa kanila. At sa pagkakataong natagpuan na nila ang pinakamamahal na anak, ibubuhos nila sa kanya ang taos puso nilang pagmamahal bilang mga ma...