Glenda
"Susmaryosep Glenda!!! Anong ginawa mo?!!!"- halos masaktan na ako sa ginagawang pamamalo sa akin ng nanay ko dahil sa ipinagtapat ko sa kanya.
Ganun na lang ang galit na galit at napopoot niyang reaksyon at alam kong siya na sarili kong ina ay kamumuhian ako.
"Glenda!... Anong ginawa mo?! Bakit mo sinira ang buhay ng anak mo at ng totoong anak ni Marcos?! Sarili mong anak pingpalit mo sa ibang pamilya!!! Ganun na ba talaga katindi ang galit mo sa pamilya Marcos na pati dalawang walang kamuwang-muwang na mga bata ay idadadamay mo?!!"- napayuko na lang ako sa galit ni Nanay.
Pinagsisisihan ko lahat ng mga ginawa ko sa kanila lalong lalo na sa dalawang bata.
Sa anak ko at sa totoong Sabrina...
Dahil sa kasakiman ko...
Sa pagiging makasarili ko...
At sa pagnanais na saktan ang pamilya Marcos...
Nakagawa ako ng napakalaking kasalanan na walamg kapatawaran.
At ang galit at poot ni Julianne...
Ni Mikaela... ang anak ko...
Sobrang sakit sa kalooban kong masilayan ang anak kong umiiyak at may pagkamuhi sa akin...
Pakiramdam ko ay dinudurog ng paunti-unti ang puso ko...
Taong 1996...
Mahimbing na natutulog ang mag-asawang Bongbong at Liza sa kanilang kwarto kasama ang isang taong gulang pa lang na si Sabrina. Pinasok ko ang kwarto nila at dahan-dahan na kinuha mula sa crib ang bata at kinarga palabas ng kwarto.
Malamig ang simoy ng hangin sa labas ng mansyon kaya naman binalutan ko ng makapal na malaking lampin ang bata hanggang sa makita ako ng kapatid ko.
"Glenda! Ano 'yan?! T-Teka?! Bakit karga-karga mo ang anak ni Sir?!"- Ricardo.
"Wala ka nang pakialam Kuya!"- ako.
"Saan ka pupunta?! Saan mo dadalhin ang bata?! Ano ka ba?! Wag mong sabihing..."- Ricardo.
"Para sa hustisya na kailangan natin para kay Tatay! Ang pamilyang kinabibilangan ng batang ito ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya natin! Kung bakit namatay si Tatay!!! Kaya dapat lang na makaganti ako sa kanila..."- ako.
"Nasisiraan ka na na ng ulo ha?! Walang kinalaman ang batang 'yan sa mga nangyari noon!!! Ibalik mo ang bata Glenda!!!"- Ricardo.
Pinanindigan ko ang ginawa ko imbes na pakinggan ko ang kapatid ko.
"Kung ayaw mong idamay kita sa kidnapping sa batang ito, sumunod ka... Diba gusto mo ring makaganti sa pamilya Marcos?! Ito na ang pagkakataon natin Kuya! Pero kung hindi mo ako susuportahan, isipin mo na lang, na nagsisimula pa lang kayong bumuo ng pamilya ni Mariella kaya kung ayaw mong madamay, manahimik ka Kuya..."- ako.
At patakbo kong tinakas ang bata mula sa mansyon at alam kong sinundan ako ng kapatid ko. Tinangay ko ang bata hanggang sa makalayo ako kasama siya.
Alam ko na ayaw ni Kuya na idamay ang bata, pero wala na siyang magagawa, dahil napasubo na ako.
"Glenda pakiusap, wag mo nang ituloy kung ano man ang binabalak mo sa bata... Isang malaking kasalanan kung gagawan mo siya ng kasamaan!"- Ricardo.
"Kuya, hangga't hindi ko nakukuha ang hustisya para kay Tatay ay hindi ako titigil! At kahit ikaw na kapatid ko ay puwede kong idamay dito! Kaya manahimik ka diyan"- ako.
"Glenda hindi sa ganitong paraan!! Kahit si Tatay ay ayaw ng ganitong klase ng paraan na gusto mo!! Bata lang siya at wala siyang kamuwang-muwang!!!"- Ricardo.
![](https://img.wattpad.com/cover/320848848-288-k259020.jpg)
BINABASA MO ANG
Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2
FanficTuluyan nang nakauwi sa piling nina Bongbong at Liza ang kanilang anak na halos dalawampung taong nawalay sa kanila. At sa pagkakataong natagpuan na nila ang pinakamamahal na anak, ibubuhos nila sa kanya ang taos puso nilang pagmamahal bilang mga ma...