Chapter 19: Criminal and Victim

186 8 4
                                    

Third Person

"Nay, isunod ko na itong mga isda na iluto"- at tumingin ng matanda sa kanyang anak na babae.

"Sige"- tugon ng matanda.

"Nay dadaan raw dito mamaya yung kapatid ni Ate Mariella na si Ate Berna kasama yung mga anak niya. Dadalaw po sila dito"- at marahan na tumango ang matanda.

"Ipaghanda mo sila ng meryenda mamaya lalo na para sa mga bata ha. Papasok lang ako ng kwarto"- at tumalikod na ang matanda at naglakad paalis ng kusina.

Dahil sa katandaan ay may kabagalan na rin ang kanyang paglalakad. Nakababa na rin ang kanyang pagtingin dahil medyo kumuba na ang kanyang likod.

Ilang hakbang na lang at malapit na siya sa pintuan ng kwartong paglalagian niya.

Pero natigilan siya nang may marinig siyang katok mula sa labas ng bahay nila. Kaya naman humarap siya at marahan na tumungo sa pintuan ng sala.

"Sandali lang..."- at nang makaabot na siya sa pintuan ay marahan niyang binuksan ng pinto.

Pagbukas niya ay dahan-dahan siyang nag-angat ng ulo para tignan kung sino ang dumating.

At pagtingin niya sa tao, ay bigla siyang natigilan.

Parang unti-unting nauupos ang hangin sa loob ng katawan ng matanda nang makilala kung sino ang dumating.

"Nay..."- tugon ng isang babae sa matanda.

Dahan-dahan na inilalahad ng matanda ang kanyang kamay at tinuturo ang babae.

"I-I-Ikaw... G-Glenda?!"- utal na sambit ng matanda.

Pagkaraan din ay lumabas mula sa kusina ang anak na babae.

"Nay sino yung duma--"- natigilan ang babae nang makilala ang bisita.

"A-Ate Glenda?!"- gulat na sambit ng anak na babae.

"Lorie... K-Kumusta ka?"- at marahan na ngumit si Glenda sa kapatid.

At muling bumaling ng atensyon si Glenda sa kanyang ina.

Marahan na lumapit ng matanda sa anak na matagal na niyang hindi nakita at nakasama pagkatapos ng halos 20 na taon.

Hinawakan niya ng magkabilaang pisngi ng anak.

"Glenda anak... Ikaw na ba talaga 'yan?"- at tumango ang anak.

"Oo Nay. Aki nga ito. Si Glenda. Anak niyo..."- at niyakap siya ng kanyang ina.

Bumuhos ang emosyon ng matanda nang mayakap niya ang anak. Isang mahigpit na yakap ang iginawad ni Glenda sa kanyang ina na umiiyak.

"Jusko Anak! Akala ko hindi na kita makikita! Akala ko patay ka na! Jusko nagpapasalamat ako sa itaas at buhay ka!"- at lalong humagulgol ang matanda.

Napasubsob sa balikat ng ina si Glenda habang bumubuhos na rin ang kanyang emosyon.

"Patawad Nay... Patawad kung ngayon lang ako umuwi sa inyo..."- tugon ni Glenda.

----------

"A-Anong sinabi mo?! Totoo ba yung sinasabi mo Glenda?! Na hindi anak ng pangulo natin ngayon si Julianne?!"- hinawakan ni Glenda ang dalawang kamay ng matanda.

Kitang-kita sa ina ang labis na pagkagulat at tila naguguluhan.

"A-Ate Glenda? Paano mo nasabi na hindi anak ni President Bongbong Marcos si Julianne?!"- gulat na tanong ng kapatid na si Lorie.

Napababa ng tingin si Glenda at muling tumingin sa kanyang ina at kapatid.

"Glenda... bukod sa kinuha mo ang anak nila, ano pa bang ginawa mo?! Alam mo bang malaking kasalanan ang ginawa mo sa pamilya nila?! Dinamay mo ang batang walang kamuwang-muwang sa galit mo! Hindi ko alam, pero alam sigurado akong hindi nagustuhan ng tatay mo ang ginawa mo!"- gumuhit sa mukha ng matanda ang matinding galit.

Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon