Chapter 28: Home

478 11 12
                                    

Julianne

"Ate Julianne! Tara sama ka na sa amin!"

"Tara Ate! Ayun sina Mama at Papa oh... Hinihintay ka na...!

"Anak halika na, sumama ka na sa amin..."

"Mikaela..."

Napamulat ako at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Napatulala ako sa itaas ng kisame at mabilis na namayani ang katahimikan sa paligid ko.

Panaginip... Napanaginipan ko sila...

Sina Mama at Papa...

Sina Karen at Gelo...

At si, Nanay Glenda...

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at matamang napahawak ako sa mukha ko at napasuklay sa buhok ko. Nakita ko ang oras sa wall clock at quarter to 4:00 am na ng umaga.

Nagpasya ako ng tumayo mula sa kama at nagtungo sa pintuan palabas ng kwarto.

Pagkasara ko sa pinto ay agad akong dumeretso sa kusina para uminom ng tubig. Ramdam ko ang pawis ko dahil sa pinagdaanang panaginip.

Nasa harap ko na sila at nasa akin na lang kung sasama ako sa kanila, pero pinili kong magising mula sa pagtulog ko.

Pagkatapos kong makainom ng tubig ay nagtungo ako sa gawing terrace para lumanghap ng sariwang hangin. Binuksan ko ang sliding door at tumungo sa railing ng terrace at humawak doon.

Sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin. Ber months na kaya panahon na ng tag-lamig at ito ang pinakagusto kong klima.

Nakangiti sila sa akin habang inaaya akong sumama sa kanila habang nasa mundo ako ng panaginip.

Nasa parte ko ng gustong sumama sa kanila. Pero nasa parte ko rin na ayaw kong tumuloy.

Nasa loob ko na gusto pang mabuhay kahit pakiramdam ko ay mamamatay na ako dahil sa sakit at paghihirap na araw-araw na nararamdaman ko.

Gusto ko pang gawin ang mga bagay na gusto ko, mga bagay na ipinangako ko sa sarili ko.

Isang buwan...

Halos isang buwan na akong nananatili dito sa bahay ni Ken kasama si Ace at aminado akong nahihiya na ako sa kapatid ni Ken at sa kanya dahil silang dalawang magkapatid ang sumasagot sa pang-araw araw naming pangangailangang tatlo dito sa bahay.

Sa araw-araw na lumilipas sa buhay ko, hindi ko alam kung anong mga gagawin ko...

Isang araw noon ag naisip ko na lumabas para makahanap n ibang mapaglilibangan. Pero pinigilan lang ako ni Ken dahil baka mapahamak daw ako. Naiintindihan ko naman siya. Kaya lang, hindi naman habang buhay ay nakakulong na lang ako rito.

Pero kung lalabas ako, anong gagawin ko? Saan ako pupunta? May tatanggap ba sa akin?

Humugot ko ng hininga at tumingin sa madilim pang kalangitan. Marahan akong napangiti dahil sa mga kumikinang na mga bituin.

"Ang ganda niyo..."- sambit ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanila.

Buti pa ang mga bituin, nasa kinalalagyan lang nila at patuloy na nagliliwanag...

"Ang aga mong nagising"- napatalikod ako nang may marinig akong nagsalita at nakita ko si Ace na marahang nagkukusot ng mga mata.

Naglalakad siya patungo sa gawi ko hanggang sa makaabot siya sa kinatatayuan ko.

"Nanaginip kasi ako kaya napabangon ako. Sakto mag-uumaga na kaya ipinahinga ko na ang sarili ko dito sa terrace"- humarap siya sa terrace at humawak sa railing.

Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon