Chapter 17: Glenda

218 10 6
                                    

Julianne

"Beshy, hindi naman puwede na lagi ka na lang nakakulong dito sa kwarto mo. Tapos one week ka nang hindi pumapasok. Nag-aalala si Ace sa'yo... Hanggang kailan ka ba ganyan?"- malumanay na tanong ni Jelay sa akin

Pagkatapos mailibing nina Mama Mariella at mga kapatid ko sa Batangas at pagkatapos ng gabing nagkasagutan kami ni Daddy ay pinili kong mapag-isa at mag-stay sa bahay.

At dahil anak ako ng presidente kahit na isang buwan akong mag-leave sa trabaho ay walang problema, gusto ko lang na mapag-isa kaya isang linggo na akong nasa bahay at hindi tumatanggap ng bisita, ngayon lang ulit dumalaw sa akin si Jelay.

"Beshy..."- hinawakan niya ang kamay ko at tumingin ako sa kanya.

Feeling ko pagod na pagod ako, yung ayaw kong bumangon sa kinalalagyan ko. Feeling ko naubusan ako ng energy dahil sa mga nangyari noong nakaraan.

Matapos kong tignan si Jelay ay dumeretso ulit ako ng tingin.

"Bakit?"- tamad kong tugon.

"Anong bakit? Tara labas tayo, ipasyal kita para makalanghap ka naman ng sariwang hangin... Ang sabi ni Madam First Lady kinulong mo sarili mo dito tapos lalabas ka lang para kumain. Tapos hindi pa kayo nag-uusap ni Mr. Preeident..."- dinig kong sabi niya.

Oo, isang linggo na rin kaming walang imikan, nilalayo ko kasi ang sarili ko sa kanya. Hindi dahil sa ayaw ko siyang kausapin, dahil mabigat pa rin ang kalooban ko at ang hirap sa akin na tanggapin lahat ng mga masamang nangyari.

"Ayoko..."- at humiga ako sa kama nang patalikod mula kay Jelay.

"Pambihira ka naman Beshy..."- naramdaman kong gumalaw ang tabi ko.

Hinawakan niya ang balikat ko.

"Julianne, alam ko kung gaano kasakit ang pinagdadaanan mo ngayon. Kasi ganyan din ako noon... Pero hindi dito nagtatapos ang lahat... Anak ka ng presidente diba kaya magagawa mo ang mga bagay na gusto mo. Yung hustisya na gusto mo makukuha mo naman yun... Kaya sana bumangon ka na diyan kasi nag-aalala na kaming lahat sa'yo..."- tsaka ka niyugyog ang balikat ko.

Pero hindi pa rin ako tumutugon sa kanya.

"Alam mo bang hindi naman ako pupunta dito kasi sabi mo ayaw mong dalawin kita, ayaw mong makipag-usap sa kahit sino..."- pinakinggan ko lang siya habang nakapikit.

"Kaso kinausap ako ng tatay mo... Sabi niya dalawin kita..."- marahan akong nagmulat ng mga mata nang marinig ko yun.

"Noong mga oras na nakiusap siya sa akin ay hindi ko naramdaman na presidente siya na kaharap ko. Tatay siya na nag-aalala sa'yo Julianne..."- tugon niya.

Nung marinig ko yun, pakiramdam ko napakamakasarili ko.

Sa tuwing mag-isa ako nagre-rewind sa isip ko ang mga maling sinabi ko sa tatay ko at huli ko nang na-realize na maaaring nasaktan siya mga sinabi ko sa kanya.

Hindi pa nga ako nagso-sorry sa kanya.

Na-guilty ako...

"Pati mga kapatid mo, chinat ako, sabi nila puntahan kita rito kasi nag-aalala sila sa'yo. Gustuhin ka man nilang kausapin, nag-aalala sila na baka magalit ka dahil naistorbo ka nila"- napakunot noo naman ako sa narinig ko.

Marahan akong bumangon at tinignan si Jelay.

"Totoo ba 'yang sinasabi mo sa akin?"- napataas ng kilay si Jelay.

"Alin? Yung sa mga kapatid mo?"- at tumango ako

"Oo..."- tugon ko.

"Syempre hindi..."- loka-loka 'to...

Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon