Chapter 22: The Tragedy

205 11 3
                                    

Julianne

Tumigil ang aming sasakyan sa bahagu ng isang basketball court kung saan gaganapin ang reach out program para sa mga bata at hindi pa ako nakakalabas ng sasakyan ay kitang kita na namin ng mga kasama ko ang dami ng tao na nag-aabang.

Napansin ko ang mga PSG na kasama namin na nagaabang sa paglabas ko mula sa sasakyan dahil alam naman namin na dudumugin kami.

"Grabe Besh ang daming tao..."- dinig kong sabi ni Jelay.

"Oo nga, sana walang mangyaring hindi maganda ngayong araw"- tugon ko.

"May mga pulis ang nag-babantay sa paligid dahil sa pagdating mo Ms. Julianne kaya naman wag kang mag-alala sa safety ng mga tao"- sabi naman ni Ken.

Marahan akong kumilos para lumabas ng sasakyan at habang dahan-dahan akong lumalabas ng sasakyan ay dinig ko ang sigaw ng mga tao sa akin.

"Sabrina!!!"

"Ms. Sabrina!!!"

"Sabrina Marcos!!!"

Nakakatuwang isipin na pinagsisigawan nila ang...

Hindi... Wag muna ngayon please...

Ako si Sabrina Marcos... kahit anong mangyari ako siya...

Sa araw na ito, ako ang anak ng pangulo ng Pilipinas...

Hindi ko kailangang isipin ang bagay na iyon.

"Kumusta po kayo!"- at kinawayan ko ang mga tao habang nakangiti ako sa kanila.

Kitang kita ko ang tuwa sa kanilang mga mukha lalo na ang mga bata na hawak ng kanilang mga magulang.

"Ms. Sabrina nasa loob na po ng court ang mga staffs ng Hawak-Kamay Youth Organization"- bulong sa akin ng isang PSG na kasama namin.

"Sige po Sir salamat. Tara"- at inalalayan ako papasok sa court para tumungo sa mga staffs ng organization.

Saglit na nilingon ko sina Ace at Jelay at kasama nila si Ken at iba pang PSG papasok ng court at dumeretso uli ang tingin sa daanan.

Sinalubong akong ng mga nakasama ko sa org at nakangiti nila akong nilapitan.

"Ms. Sabrina kumusta?"- at kinamayan ko ang isa sa mga youth staff.

"Ang tagal nating hindi nagkasama Ate Jen, na-miss ko kayo sobra"- at nakangiti siya ng malawak.

"Naku Ms. Sabrina gusto naming magpasalamat sa'yo dahil nadagdagan na naman ang pondo namin para sa mga reach out program ng organization na ito"- at hinawaka ko naman ang kamay ng isa pa sa mga staff na lumapit sa akin.

"Syempre naman Ate Kelly, para sa mga bata dapat maganda ang suporta natin para sa kanila dahil ang layunin ng youth organization ay mapanatili ang kabutihan ng mga bata. Kaya humingi talaga ako ng funds para ibigay sa organization at magamit niyo sa mga susunod niyo pang mga programa"- at napatango silang dalawa.

Nilingon ko ang mga inihandang regalo ng youth organization para sa mga bata at nakakatuwa dahil muli akong bumalik sa paglilingkod para sa kanila.

"Simulan na natin?"- at tumango ang dalawang staff.

Sinabihan ng isa sa kanila ang staff na papasukin na ang mga magulamg sa loob ng court at paupuin sa mga nakahilerang monobloc chairs.

Isang barangay ang napili ng youth organization na bigyan ng magandang programa para sa mga bata na nasa 10 taong gulang pababa at bago isinagawa ang programa ay masusing pinag-aralan ng org ang mga pamilya na may batang 10 years old pababa sa barangay na pinuntahan namin.

Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon