Chapter 27: The Truth

312 14 8
                                    

Third Person

Pagkatapos na mailibing si Angelica, nagtungo sa Bahay Pangarap ang pamilya Marcos para pag-usapan ang naganap sa simbahan. Dahil sa pagsulpot ni Julianne at sa rebelasyon na ginawa niya, halos hindi sila tinigilan ng mga media reporters kaya naman, matinding security ang ginawa ng mga awtoridad para sa pamilya habang patungo sila sa tahanan ng pangulo.

Nasa sala ang ilang miyembro ng pamilya at bakas sa mga mukha nila ang labis na pagkagulat sa nangyaring pasabog ni Julianne.

Si Bongbong ay nananatiling tahimik at tila hindi makausap ng maayos.

Si Imee naman ay hindi mapakali kaya lakad dito, lakad doon ang ganap niya.

Samantala, nakaupo naman si Madam Imelda katabi ni Irene, at katabi nito ang mag-asawang Bongbong at Liza.

Habang ang mga anak nila ay tahimik at minamasid ng kanilang mga magulang at yung iba ay nakatutok sa mga cellphone nila.

Halos inulit-ulit nila ang mga nagkalat na videos sa social media.

Talagang napakalaking balita nitong ginawa ni Julianne dahil lumabas ang mga taong sinasabing sangkot sa mga panggugulo at pagtutuligsa sa pamahalaan.

Bukod sa gulat, halos nasa gitna sila ng tensyon.

"I can't believe this! Buhay pala siya! Buhay na buhay at ang bongga... Grabe ang bongga ng entrada niya!"- hindi makapaniwalang sabi ni Imee.

Kahit sino talaga sa kanila ay hindi maniniwalang buhay pala ang ibinurol nila ng ilang araw at ibang bangkay pala ang nasa loob ng kabaong.

"Manang kumalma ka..."- saway ni Irene na nakaupo sa tabi ni Liza.

"Wala bang may alam sa inyo na mangyayari ito?!... Okay... Masaya ako na buhay siya... Masaya ako dahil hindi siya yung nailibing natin... Pero... Yung ginawa niya kanina! Yung mga sinabi niya tungkol sa mga kaaway ng gobyerno... Ni isa ba sa inyo walang may alam doon? At si Sabrina lang ang may nalalaman tungkol sa mga masamang balak nila sa atin?! My goodness! Ang lakung pasabog ng ginawa ng anak niyo!"- at napahawak sa sintindo niya si Imee habang palakad-lakad sa harapan ng mga kasama niya.

Walang halos gustong sumagot sa tanong niya dahil maging sila naman ay naguguluhan sa nangyari.

Si Liza, bagamat alam niyang buhay ang anak, wala siyang nalalaman sa mga pinaplano ng anak. Oo alam niyang sa araw ng huling burol ay darating ang anak at yun na nga, nagpakita sa madla si Julianne.

Pero ang ginawa nitong rebelasyon sa harap ng mga tao at sa harap ng media, ay wala siyang alam...

Hindi niya alam na may ganoong plano pala ang anak.

"Tita please be calm... Maupo ka muna"- inilahad ni Sandro ang dalawang kamay para alukin si Imee na maupo muna.

At sumunod naman si Manang.

Halos lahat speechless at hindi alam kung anong sasabihin...

But Liza, insisted to tell them that she knew Sabrina was alive.

"Sabrina... I know that she's alive..."- malumanay niyang tugon at napatingin sa kanya ang asawa maging ang mga kasama nito sa sala.

"What Liza? Alam mong buhay siya?"- the former first lady asked her and Liza looked to her.

Napababa ang tingin niya dahil ramdam niya ang mga matang nakatingin sa kanya even her husband.

"Yes... and. i'm sorry if I didn't tell you dahil yun ang gusto niya... Ayaw niyang sabihin ko sa inyo na buhay siya..."- at mariin na napapikit si Madam Imelda at napasandal sa kinauupuang wheelchair.

Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon