Julianne
"Mano po Lola..."- nilapitan ni Jelay si Lola Pilar na nakaupo sa upuamg gawa sa narra.
Lumapit na rin kami ni Ace at ni Ken para kunin ang kamay ni Lola para magmano.
"Apo kumusta kayo?! Julianne iha!"- nakangiti si Lola habang hawak ang dalawa kong kamay.
"Lola, sobrang na-miss kita... Sorry ha kung ngayon lang ako nakadalaw ulit sa'yo..."- at umupo ako sa tabi niya.
"Alam ko naman na sobra kang abala sa mga ginagawa mo. A-Anak ka ni President Marcos kaya siguro wala ka nang oras para sa magpahinga. Pero alam mo, gumanda pa ka lalo Apo"- at napangiti ako sa sinabi niya.
"Si Lola alam nang mambola..."- tugon ko at bahagya kaming natawa na dalawa.
"Naku Lola may mga pasalubong kami para sa inyo. Bumili din kamk ng bulalo sa bayan kasi na-miss ko nang kumain ng bulalong Batangas..."- at napatingin si Lola kay Jelay.
"At ikaw Angelica ay hindi pa rin nagbabago, maingay ka pa rin"- ag humagikgik si Lola.
Nakita ko ulit ang masayang Lola ko... Ngayon ko lang ulit siya nakita sa ganong lagay.
Sa kabilang banda, hindi ko sadyang mapalingon sa gawi ni Tita Glenda ma nakatayo sa may tabi ng upuan kung saan nakaupo si Lola.
Nagkatinginan kaming dalawa.
At habang tinititigan ko siya ay siya namang iwas ng mga mata niya sa akin.
Hindi ko inaasahan na darating ako sa punto ng buhay ko na magkikita kaming dalawa.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa mga oras na iyon.
At dahil gusto ko na siyang makausap, ay lakas loob akong tinawag ang pangalan niya.
"Tita Glenda, kumusta ka? Ito ang unang pagkakataon na nagkita tayo..."- at inangat niya ang ulo niya at tumingin sa gawi ko.
"O-Oo nga... Tama ka..."- at yumuko ulit siya.
Napansin kong nag-iba ang reaksyon ni Lola nang kausapin ko si Tita.
Hindi ko alam kung ano na ang mga pinag-usapan nilang dalawa.
"Gusto ko sanang makakuwentuhan ka Tita, kung okay lang sa'yo? Puwede ba?"- at muli siyang tumingin sa akin.
Nakita ko ang bahagyang gulat saga mata niya at nakikita ko na halatang may gusto siyang sabihin sa akin.
After all yun naman ang gusto niya, ang makaharap at makausap ako at para isigaw ko sa kanya na sinungaling siya.
Na hindi niya mabibilog ang utak ko.
"A-Apo..."- bumaling ako kay Lola na parang nag-aalala.
"Bakit po Lola? Mag-uusap lang po kami. Isa pa, ngayon ko lang po siya nakilala kaya, gusto ko siyang makakuwentuhan"- sabi ko sabay ngiti sa kanya.
Parehong alam namin ni Lola na si Tita Glenda ang dahilan ng pagkakawala ko sa tunay kong pamilya.
At siya rin ang taong gustong pumatay sa akin.
Tinapunan ko ng tingin si Tita.
"Sama ka sa akin Tita. Wag kang mag-alala, gusto sana kitang i-treat sa labas"- medyo malambing kong sabi.
Napansin ko naman na parang natetense siya pero wala akong pakialam.
"S-Sige... Kahit saan mo gusto, susunod ako..."- tugon niya at bahagyang nagtaas ang kanang kilay ko.
I will take this opportunity to ask her for evrything, pati na rin ang isinisigaw niyang hindi ako anak ng tatay kong presidente.
Alam kong kalokohan niya lang iyon at gusto niya kaming sirain ulit.
BINABASA MO ANG
Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2
FanfictionTuluyan nang nakauwi sa piling nina Bongbong at Liza ang kanilang anak na halos dalawampung taong nawalay sa kanila. At sa pagkakataong natagpuan na nila ang pinakamamahal na anak, ibubuhos nila sa kanya ang taos puso nilang pagmamahal bilang mga ma...