Julianne
Sabado...
Pasado alas-nuwebe ng umaga at abala ako sa kwarto ko na naghahanda ng mga reading materials na gagamitin ko sa pagre-review para sa CPA licensure exam.
Mabuti na lang at nakapag-research na ako tungkol sa kung paano at anong meron madalas sa CPA exams. Pero hindi ako nagpapakampante dahil kinakabahan ako...
Ang goal ko this time ay one take ng exam...
Nakakahiya sa part ko kung babagsak ko kahit na may next time pa...
Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko, naglakad ako patungo sa pintuan para lumabas ng kwarto.
Naglakad ako patungo sa sala at tanaw ko sa labas ng malaking bintana ang ilang PSG na nagbabantay sa paligid.
Alas-syete pa lang ay umalis na sina Daddy at Mommy dahil may pupuntahan na isang ceremony. Kuya Sandro naman ay nasa Ilocos while si Kuya Simon ay nasa trabaho niya.
Vincent and I together our household workers ang nandito sa bahay.
When I saw Ms. Diana standing in front of the entrance, nilapitan ko siya.
"Ms. Diana bakit ka nandito? Hindi ka sumama kina Mr. President..."- she faced me.
Usually kasi kasama si Ms. Diana kay Mommy as assistamt niya.
"Si Ms. Dizon na ang sumama sa kanila para bantayan at alalayan si First Lady Ms. Julianne. Isa pa, nagsabi na ako sa presidente na ako ng magbabantay sa'yo at sasama sa mga lakad mo"- ohw...
Grabe medyo kinilig naman ako sa sinabi niya...
"Alam mo Ms. Diana... Bagay talaga sa'yo maging beauty queen eh..."- at nakita ko siyang marahan na ngumiti.
Bahagya siyang napababa ng tingin at muling tumingin sa akin.
Wow! Hoy ngayon ko lang nakita yun!
"Hala ngumiti ka!!!"- and I chuckled.
"Hindi lang ikaw ang nagsabi niyan sa akin Ms. Julianne..."- mukhang hindi lang ako talaga.
Yung ganda kasi ni Ms. Diana eh medyo malapit kina Pia Wurtzbach at Catriona Gray. Akala ko nga may lahi siya pero wala naman daw...
"Totoo yung sinasabi ko ha, hindi kita binibiro..."- sabi ko pa at nangiti siya.
Ang ganda nga niya.
"Nga pala nakita mo si Vincent? Gising na ba siya?"- I asked.
"Hindi ko pa siya nakita na lumabas. Baka tulog pa siya... O ayan pala"- at tumungo ang atensyon niya sa bandang likuran ko.
Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko ang kapatid ko na bihis na bihis.
"May lakad ka?"- and he looked at me.
"Yes Sis... Ikaw wala ka bang lakad ngayon? Maiiwan ka rito"- he said.
"Hmm wala naman tsaka tinatamad akong mamasyal ngayon... Baka papuntahin ko si Angelica dito"- and he nodded.
"Okay be careful Sis! Ms. Diana please take care of her"- at naglakad palabas ng bahay.
"Vinny call Daddy and Mommy ha! Inform mo sila na may lakad ka"- amd he nodded.
He entered the SUV vehicle kasama ng mga PSG na nagbabantay sa kanya.
At ngayon naiwan ako sa bahay kasama si Ms. Diana at dalawang PSG na lalaki.
Nang hindi ko ma matanaw sa grounds ang sasakyan kung saan nakasakay si Vincent ay hinarap ko si Ms. Diana.
BINABASA MO ANG
Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2
FanfictionTuluyan nang nakauwi sa piling nina Bongbong at Liza ang kanilang anak na halos dalawampung taong nawalay sa kanila. At sa pagkakataong natagpuan na nila ang pinakamamahal na anak, ibubuhos nila sa kanya ang taos puso nilang pagmamahal bilang mga ma...