Chapter 21: Breakfast

161 10 1
                                    

Julianne

"Hey! Why are you here Sabrina?"

"Dito ako matutulog sa tabi nina Mommy at Daddy bakit?"

"What?! Again?! Ang laki-laki mo na Sabrina!"

"Sus inggit ka lang niyan..."

"Ahaha what did you say? Ikaw ha! Halika ka nga rito!"

"Mom! Dad si Kuya Sandro oh!!"

"Hey guys that's enough... You're too old to run inside this room"

"Ahahaha you're so funny guys..."

"Honey? Bawalan mo sila..."

"Hayaan mo lang sila Liza... Nakakatuwa nga eh"

"Oh, I think we're not belong here..."

"Vincent! Kuya Simon!"

"Bumabalik ka yata sa pagkabata mo Sandro hahaha!"

"Ahahaha no Simon. Stop that"

"Alam ko na! Mommy, Daddy, puwede bang dito kami matulog lahat?"

"What?! Baliw ka na nga Sabrina..."

"Bakit? Malawak naman yung sahig dito oh... Dito kayong tatlo tapos ako sa gitna nina Mommy at Daddy"

"Ehehe sorry Sis but I will not agree with you"

"Me too..."

"Hmp KJ..."

"Mabuti pa sa mga kwarto na kayo magsitulog lahat para tapos ang usapan"

"Mommy is right... Besides I'm too old na for that"

"Okay balik na tayo sa mga kwarto..."

"And you Sabrina let's go... Matulog ka sa kwarto mo"

"Goodnight Mom, Dad... Next time na lang po. Ang KJ nila eh"

"Goodnight too Sabrina..."

It's been five years since I slept with my parents sa kwarto nila at namimiss kong gawin yun.

Pero ngayon, hindi ko na puwedeng gawin yun, dahil matanda na ako.

Matapos kong silipin sina Mommy at Daddy sa kwarto nila at mahimbing ang kanilang tulog, dahan-dahan kong sinara ang pinto at tumalikod paalis sa tapat ng kwarto nila.

Marahan akong naglakad patungo sa sala at nagpasya akong lumabas ng bahay para magpahangin. Napakalalim na ng gabi pero hindi ako madalaw ng antok.

Alas diyes na ng gabi nang huli kong tignan ang oras sa wall clock sa kwarto ko bago ako lumabas kanina.

Paglabas ko ng bahay ay nagtungo ako sa may garden at doon naupo sa bench.

Ramdam ko ang maginaw na simoy ng hangin na dumadampi sa akin kahit mahaba ang sleeves ng pantulog ko at dinig ang mga kuliglig sa paligid.

Pag-upo ko sa bench ay sinandal ko ang likod ko sa sandalan at tumingin sa kalangitan.

Marahan akong napangiti nang masilayan ko ang mga kumikinang na mga bituin, senyales na napakaganda ng gabi. Ngayon lang ulit ako tumingala sa madilim na kalangitan para tignan ang mga bituin.

Pero kahit na gaano kaganda ang gabi sa paningin ko, hindi nito magagawang mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Hindi ko inakala na darating ako sa puntong, kailangan kong pagdaanan ang ganitong klase ng kasinungalingan sa buhay ko...

Daughter in Malacañang: The Descendant Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon