Chapter 19; Day 3 (YES)

80 8 0
                                    

Clyde's Point Of View.


Nagtanong ako sa mga staffs ng hotel kung saan pwede dalhin ang babae pag tatanungin mo kung kayo na. Sabi naman nila tutulungan nila ako, sa rooftop daw pwede mga 6 pm, sila na daw bahala. Ang babait e no? Tapos magpapa-fireworks din daw sila. Woops. Nagbayad ako ng 1000 php para sa pagkain na ihahanda para saming dalawa. Nagbayad nadin ako kahit sinabi nilang wag na daw, worth it naman daw ako at alam nilang mahal na mahal ko daw si Keyla haha. Gusto ko na siyang mapasagot. Baka kasi malaman niya pa yung tungkol sa deal tapos hindi niya pa ko sinasagot. Ayokong mangyari yun, basta ang alam ko mahal ko si Keyla. Mahal ko na siya. Mahal na mahal. Kinabahan lang talaga ako nung kausap ko sila Julius sa cellphone tapos biglang dumating si Keyla. Mabuti nalang hindi ko natuloy yung sinabi ko dun.


"Ms. Carmina?" katok ko sa room nila. 9 am na, mamayang 4 yung announcement ng winners. Tapos 9 ng gabi daw kami uuwi kasi yung sasakyan bumalik sa Laguna, pupunta ulit dito yun sa Siniloan, limang oras byahe eh. 4 daw kasi inarkila nila Mrs. Ponce yung sasakyan at driver. Kaya aabot pa yung surprise ko kay Keyla mamaya.


"Come in." sabi ni maam. Kaya naman pumasok na agad ako sa kwarto.


"Good morning maam. May itatanong lang po sana ako. Sure na po bang 9pm tayo uuwi?" tanong ko.


"Oo. Bakit?" nakangising sabi ni Maam. Alam kasi niya yung tungkol kay Keyla. Updated kasi sa love life ng students to si Ms. Carmin e haha!


"Ahm... Wala naman po hehe." ngumiti lang siya tapos nag paalam na kaagad ako. Magiging girlfriend na kita mamaya Keyla.


4: 00PM ANNOUNCEMENT


Naiinis ako kasi medyo antagal pa ng announcement. Di pa daw kasi kumpleto yung mga schools dito.


"Students, teachers and coaches. Mamomove po mamayang 5:30 yung announcement. Sorry po, nagkaproblema po kasi sa desisyon ng mga judges." sabi nung teacher na may hawak ng mic. Muka namang nadismaya ang mga tao. Kahit kami nila Keyla nadismaya psh!


6:00 pm


Ngayon lang nagsimula yung announcement. Nagtext bigla sakin yung isa sa mga staff na kailangan ko na daw pumunta don. Kinuha niya kasi number ko alam niya kasing baka pumalpak yung surprise. Agad kong hinila si Keyla.


"Huy Clyde! San tayo pupunta!? Mamaya na yan! Intayin muna natin kung sino winners." sigaw sakin ni Keyla. Hindi ko siya pinansin. Pagdating namin sa hotel, may nag abot sakin ng bulaklak, syempre hindi para sakin yun haha! Inabot ko yun kay Keyla. Nakita ko namang napangiti siya bigla. Naglakad kami papuntang elevator. habang nasa elevator kami may mga petals sa sahig na nakakorteng heart. Nakatayo lang kami. Hanggang 28 pa kasi yung floor dito. Kaya medyo natagalan. Tahimik lang kami at medyo awkward na. "Uhm Clyde, para san ba tong ginagawa mo?" tanong ni Keyla.


"Malalaman mo din mamaya." nginitian ko siya.


Nagtext muna ako kela Ms. Carmin, nagsorry ako. Pano naman kasi, pumunta kami dito para ipagmalaki ang school at sumali sa contest diba? Hindi para magligawan lol. Pero pumayag naman si Ma'am, buti naman.

Past or Present? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon