Chapter 4; Early Birds

197 14 0
                                    

"Ma nandito na po ako!" sigaw ko sa bahay pagkauwi ko galing school.


"Sge anak nandito ako sa kitchen. I'm preparing meals." sagot naman ni Mama.


Dumeretso muna ako sa kwarto ko sa taas, nagpalit ako ng damit pambahay tapos nafacebook na din ako saglit. Naisip ko bigla si Clyde. Siguro naman may facebook din yun. Try ko na ding isearch. Clyde ano nga ba sya? Ahm.. Nakatingin lang ako sa kisame habang inaalala yung apelyido niya. Tapos biglang.


*tiding* may nagsent ng friend request sakin.


*tiding* may nagsent din ng message.


Excited akong tignan kung sino yun haha. Pagkatingin ko, wow! Naunahan niya yata ako.


Clyde Reyes

Accept Not Now


Inadd niya na ako! Yaay! Reyes pala haha. Ang galing naman neto. Sinunod ko nang buksan yung sa messages.


Clyde Reyes 4minutes ago

Tutal friends na tayo sa personal, sana pati din sa facebook haha! Hi Keyla. :)


Clyde Reyes just now

Thanks sa accept haha.


Nay. Anong nakain neto? Ay oo nga pala kwek kwek! 'Di ko na siya nareplyan kasi tinawag na kami ni Mama na kakain na daw ng dinner. So bumaba na agad ako. Maiintindihan naman siguro ni CLyde yun pag sinabi ko sakanya bukas kung bakit hindi ako nakareply.


"wow! Ansarap naman niyan Ma." nakita ko kasi sinigang yung ulam. Mah favorite!


"Epal ka na naman! Kumain ka nalang!" nakakainis 'to si Kuya Kent. Napaka KJ.


"Oh nag aaway na naman kayo. Umupo ka na Keyla. Kamusta ang first day of school?" tanong ni mama. Umupo muna ako tsaka ko siya sinagot.


"Okay lang Ma, ansaya tsaka ang ganda nung adviser namin." kumain na ako.


"Sige, basta anak remember, be good to others para dumami kaibigan mo. Kain muna tayo mamaya mo na ako kwentuhan." nginitian ko lang si Mama tapos kumain na lang ulit ako.


"Ma ako? Di mo manlang ba tatanungin yung First day ko?" hay nako si Kuya Kent talaga.


"wag na. Alam ko namang nagpasaway ka lang hahaha!" nako lagot ka Ma! baka mag super sayan yan si Kuya.


"Di kaya ma! hay nako" pero tumawa din naman siya.


"Ang iingay niyo kumain na nga lang kayo hahaha!" singit ni ate Keigh. Aba nandito pala siya?


Natapos na kaming kumain. Umakyat ulit ako sa kwarto. Inayos ko yung mga gamit ko sa school tsaka yung uniform ko pinaplantsya ko na kela Manang Teressa. Si Manang Terresa nga pala at si Manong Luis, mag asawa sila. 4 years na din silang nagtatrabaho samin. Si Manong Luis driver, si Manang Teressa, minsan taga laba minsan taga plantsya. May sarili na din silang maliit na kwarto sa bahay namin. Kasi pinagkatiwalaan nadin namin sila.

Past or Present? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon