Chapter 40; The 'Guy'

78 4 0
                                    

Keyla's POV.


4 years already passed.


Kami pa din ni Ark. Pero si Dang. Parang may problema na e. Parang may hindi tama sa mga ginagawa niya.


Lagi siyang nasama sa date namin kaya ayun di na kami nakapagdate ulit, EVER.


Pag magkatawagan kamisa cellphone ni Ark, tatawagin niya ko for something.


Pag nasamin si Ark lagi niyang nililibang si Ark kaya hindi na ako napapansin ni Ark.


Pag mag hahug or kiss kami bigla siyang sisingit.


Madami pa e. Ewan ko ba dito at ganito to. Tingin ko nga gusto nito si Ark e.


Four years, dito na siya tumira samin. May sarili na din siyang kwarto dito.


Graduate na nga pala kami. Ako bilang Marketing Engineer si Ark bilang Maritime. Si Dang Tourism.


Nasa bahay kami ngayon. Oo kami. Kami nila Ark at Dang. Sila Ate wala na naman. Ewan ko sa mga yun.


Nanonood lang kami sa sala ng kung ano ano. Si Ark nasa gitna ako nasa kanan si Dang nasa kaliwa.


Tatanungin ko sana si Ark kung san niya balak mag apply ng trabaho kaso.


-______-


Magkatinginan na naman sila ng pinsan ko. Ang masama pa nakangiti siya kay Dang habang magkatitigan sila.


"Ah sige, enjoy kayo dyan. Dun muna ako sa kwarto ko." sabi ko. Nakakainis kaya!!! Paakyat na sana ako kaso bigla akong hinila ni Ark pabalik sa sofa.


"Bakit Key?" sabi niya. Nakasanayan niya na kong tawaging 'Key' namiss ko tuloy bigla si Clyde. AY! PSH! ANO BA TONG SINASABI KO?! Erase erase!


"Ahhh, masama pakiramdam ko e." palusot ko.


"Ah ganun ba, ge pahinga ka na dun." aba nakakaurat to ah?! Di manlang ba niya sasabihin na aalagaan niya ako or something sweet?!


"Sige." sabi ko.


"Huh?! TEKA! Masakit pakiramdam mo?" gulat niyang tanong.


"Kakasabi ko lang ah." mataray kong sagot.


"Tara samahan kita sa taas. Di pwedeng di kita aalagaan." so ako? kinilig bigla hehe.


"Wait, what about me?" pasingit ni Dang waaaah!


DI NA TALAGA AKO MAKAPAGTIMPI SA BABAITANG TO! KAHIT PINSAN KO PA MAN TO AMBWISEEEEET!


Past or Present? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon