Chapter 32; By your side

71 5 1
                                    

Ark's POV.

Mali. Mali pala yung ginawa ko. Akala ko mapupunta sakin si keyla ng ganun ganun lang pero mas lalo akong nasaktan. Lalo akong nasasaktang makita siyang ganyan. Absent siya ngayon ganun din si Clyde. Pero impossibleng magkasama sila.


Ansama ko na pala. Pinaghiwalay ko sila para lang mahalin lang ako ni Keyla. Hindi naman madali yun e. Alam kong totoong mahal ni Clyde si Keyla pero dahil sa kagustuhan kong mapaakin si Keyla ayan, nagkahiwalay na yata sila.


Sabi nila halfday lang daw kaya pwede na umuwi, ewan ko kung bakit half day hindi ko na inalam. Binalak kong puntahan si Keyla kaso nasaan kaya siya ngayon?

Kadalasan nasa playground siya e. Kaya ayun pumunta ako sa playground at saktong andun nga si Keyla.


Naabutan ko siyang naiyak kaya lumapit ako sa likod niya...


"Tahan na." sabi ko.


"Alam mo Keyla, di ko naman ginusto yung nangyari. Sorry kami lang naman ang pumilit kay Clyde sa deal. Sorry Keyla di ko alam na masasaktan ka ng sobra.." mula non, naramdaman ko yung awa para sakanya, alam kong masama maawa pero yun yung nararamdaman ko kaya niyapos ko siya mula sa likod niya at paulit-ulit akong nagsosorry sa nagawa ko.

Kasalanan ko naman talaga to e. Alam ko namang totoo yung pagmamahal ni Clyde kay Keyla. Alam kong noon palang dapat hinayaan ko na sila.

Haha, tignan mo nga naman. Kung kailan pwede ko na siyang kunin tsaka pa ako tatanggi. Sabagay nasa huli ang pagsisisi.


"Ark?" mahinahong sabi ni Keyla. "Wag ka humingi ng sorry. Hindi ikaw. Si Clyde, kung kayo man ang nagbigay ng deal bakit siya pumayag diba?" tumigil siya sandali "Siguro hindi talaga kami para sa isa't isa." hayyy, kasalanan ko talaga lahat to e. Biglang humagulgol ng iyak sakin si Keyla.


Umupo siya sa sahig tapos niyapos niya yung mga tuhod niya.


Sinisisi ko talaga sarili ko sa mga nangyayare.


"Hindi mo kaylangan maging miserable Keyla. Nandito lang ako sa tabi mo. Halika tumayo ka diyan.." inabot ko sakanya yung kamay ko para maalalayan ko siya. Tinignan niya muna yung kamay ko bago niya yun kunin. Grabe ang lambot ng kamay niya. Ganto pala feeling ng mahawakan kamay niya. Tanda ko tuloy dati nung nililigawan ko siya...


Flashback*

"Bili na Keylaaa, pleaaaaaaaaaseeee!" pagmamakaawa ko. Hehe gusto ko kasing mahawakan kamay niya bago pa man maging kami. Nililigawan ko kasi siya.


"Bakit ba gustong gusto mo hawakan kamay ko? haha" medyo natatawa niyang sabi.


"Eh... ano... hm... kasi maganda ka..." leche! Tama ba yung palusot ko? Wew.


"Ngeee! Alam ko nayan. Dapat may valid reason. Ginto kaya tong kamay ko!" pagpapatawa niya. Isa yon sa naging dahilan kung bakit gusto ko siya, kasi mahilig siya magpatawa at mahilig siya tumawa. Nakakainlove.


"Bili naaa! Gusto ko lang naman hawakan para bago maging tayo nagawa ko manlang to bilang manliligaw hindi boyfriend mo. Odba? hehehe." ang bading pala ng pagkakasabi ko hahaa!

Past or Present? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon