Chapter 18; Day 2

69 9 0
                                    

Keyla's POV.

Maaga akong natulog kagabi, kasi mamaya na yung contest ko. Maaga din akong nagising, nagtaka lang ako na bakit wala si Clyde sa kama niya? Hmmm.


"Oh gising ka na pala Bestfriend!" Sabi ni Clyde na kakapasok lang ng pinto at may dala dalang tinapay at Mc Cafe .


"Goodmorning, aga mo yata nagising?" Tanong ko, 5:00 palang kasi.


"Kasi mamaya na contest mo, eto o binilhan kita ng kape at tinapay." Inabot niya sakin yung dala niya tapos sabay kaming kumain. Nagkwentuhan lang kami saglit. Nililigpit ko na yung mga pinagkainan namin. Si Clyde naman biglang nakatitig sakin. Waah! Bakit ba. "May dumi ba sa muka ko?" Tanong ko.


"Wala naman, ang ganda mo kasi e." Puri sakin ni Clyde. Tumahimik nalang ako habang nakatitig sakanya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko....


"Kaylan mo ko balak Sagutin Keyla?" Seryosong tanong ni Clyde. Bigla namang

nagising si Kristella.


"Aga niyo naman." Sabi ni Tella sabay hikab. "Uy penge naman niyan!" Sabi naman ni JC tapos kumuha ng tinapay. Hayy save by the bell. Nagkatinginan lang ulit kami ni Clyde tapos nagngitian. Kaylan ko nga ba balak sagutin tong si Clyde?


"Ms. McNulty maghanda ka na ha. I know you can do it. Goodluck. Baba nalang ulit kayo sa lobby mamaya." Sabi ni ms. Carmina sakin sabay ngiti. Nagpaayos na ako dun sa bakla na nakaassign na magayos sakin. Naka white na may touch ng red na dress yung soot ko tapos above the knee, naka flat shoes lang akong puti , yung buhok ko nakalaglag na kulot yung dulo, tapos nakamake up din ako pero simple lang... (A/N: nasa photo media po ulit. Yung itsura ni Keyla haha, tignan niyo po kung gusto niyo.)


"Ang ganda mo Keyla." Sabi ni Clyde.


"Thanks." Sabi ko. Nagpicture picture ulit kami tapos pinost ko na agad sa facebook. May wifi naman dito e hehe! Bumaba n kami sa lobby, at dumiretso sa school na gaganapan ng contest. Nagulat ako nung pagdating namin dun, patapos na yung babaeng susundan ko.


"Yaaan! Ang galing naman ng Saint Michael!!! So now, let's give a round of applause for Saint Lukes' representative. Ms. Keyla Anne McNulty!!!!" Sabi nung emcee. Nagpalakpakan naman ang mga tao, yung mga kaschoolmates ko naman todo tili. Nung nagsimula na yung kanta tumahimik na lahat. Hinanap ng paningin ko si Clyde, kasi para sakanya talaga tong kantang to.


Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw, ang iniisip isip ko. Hindi ko mahinto pintig ng puso...


Hangga't sa makita ko na si Clyde, sakanya lang ako tumingin habang kumakanta.


Ikaw ang pinangarap ngarap ko, simula nang matanto na balawang araw iibig ang puso...


Napansin ng mga tao na nakatingin ako sa iisang direksyon, kaya tumingin din sila kung san at kanino ako nakatingin. Nagulat si Clyde nung pinagtitinginan na siya ng mga tao.


Ikaw, ang pag ibig na hinintay puso ay nalumbay ng kay tagal ngunit ngayo'y nandito na ikaw, ikaw, ang pag ibig na bibigay saakin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko, ligaya't pag ibig ko'y.....

Past or Present? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon