Chapter 8; Together

132 9 0
                                    

2weeks past. I still feel the same. What's worse? Habang tumatagal lalong lumalaki yung pagkagusto ko sakanya.

Kay Clyde.....

I don't even know how I liked this guy. Actually, sa 2 weeks na yan bestfriends na kami. Lagi kasi kaming dalawa inuutusan ni Ma'am kaya lagi kaming dalawa magkasama. Halos mawalan na nga ako ng time kela Aika. Pero sabi naman niya naiintindihan niya. Nagkakasama naman kami kahit papaano kapag lunch.

"Lutang ka na naman ba dyan?" lastek talaga 'to si Cly.

"Hobby mo talaga ang pang-gugulat sakin. Pag ako lang nagka-heart attack sayo e. " sanay na kami sa ganyan, halos magaan na loob namin sa isa't-isa.

"Hobby mo din kasi ma pre-occupied. Hmp! HAHAHAHA. Cute mo talaga pag naiinis." ha ano daw? Pakiramdam ko tuloy nangamatis muka ko. Kinilig ako dun ng mga 6%.

Ngayon, nasa oval kami. Yung tambayan ng bawat students. Uwian na kasi, absent si Aika kaya naman kami muna ni Clyde ang magkasama.

Nagtext nalang muna ako kay Ate Keigh na uuwi nalang akong mag-isa. Nakakahiya naman pag nagpasundo ako kay Manong Luis e anniversary nila ni Manang. Kakilig! Halos 32years na daw sila hihi! Shipper talaga ako nila. Sobrang strong nila.

"Alam mo Keyla, tingin ko di ako magiging masaya dito kung hindi kita nakilala." wag mo akong pakiligin ng ganyan!

"Ha? Ah. Uhm..." wag kang mautal Keylaaaa!

"Oh bat namumula ka diyan hahaha!" namumula ba ako?

"Oo, namumula ka." teka nabasa niya ba nasa isip ko? Hay. Kakaiba talaga to si Clyde.

Pagkasabi niya non may namagitang katahimikan samin. Ilang minuto pa biglang may tumamang bola ng volleyball sa balikat ko.

"OUUUUUUCHHHHHHH!" sakit non ha.

"Grabe! Okay ka lang ba Keyla?" tanong agad ni Clyde. Tapos tinignan niya yung nakatama sakin.

Lumapit bigla yung babaeng nakatama sakin pagkatapos siniringan niya ako.

"Next time kasi wag kang tatanga tanga. Natamaan ka tuloy, alam mo isa pa matagal na akong nagtitimpi sayo, napaka landi mo e! Lahat na ikaw gusto. Eh muka ka namang aso. How come diba? Ang panget panget mo tapos ikaw pa nagugustuhan nila. Sorry not sorry." sabay taas ng isa niyang manipis na kilay. yak.

"Alam mo, sating dalawa. Mukang ikaw yung tatang--" di pa ko tapos sa sasabihin ko sumingit agad si Clyde.

"Ikaw ang may kasalanan. So don't you ever dare na sabihan si Keyla ng ganyan, one more thing you have no rights na husgahan siya. Sorry ate, but there's no cure for an insecure. Understood?" grabe, di ko akalaing gagawin ni Clyde yun para sakin.

Napanganga lang yung babae ng ilang segundo. At di nagtagal...

"Sorry Clyde. Sorry sorry. Nagselos lang naman ako na lagi kayong magkasama sorry" uh oh. So kilala pala niya si Cly? And gusto nya kasi nagseseloa daw e.

"Ha? Ano bang sinasabi mo? Tara na nga lang Key." Hinila ako ni Clyde palabas ng school. Sakto naman na may dumaan na nagtitinda ng kwekwek.

"Manong pabili!" Sigaw ni Cly sa nagtitinda ng kwekwek.

"Dalawa pong malaki. Tsaka po dalawang pepsi." agad naman binigay nung tindero yung binili ni Clyde tapos inabot sakin ni Clyde yung kwekwek tsaka softdrink.

"Alam mo ba ulit. Kung di dahil sainyo ni Aika di ko maeexperience kumain ng ganito." Sabay kagat nya dun sa kwekwek.

"Nako salamat nene! Nadagdagan tuloy suki ko!" Natawa nalang kami sa sinabi nung nagtitinda ng kwekwek. Lagi kasi yun nadaan sa school nmin pag uwian na.

Pagtapos namin kumain naglakad lakad kami sa labas ng school. Actually di namin alam kung san kami pupunta basta naglalakad lang kami.

"Hindi ka ba susunduin?" Tanong ni Clyde

"Hindi e, it's my driver and her wife's anniversary today. Kaya ayokong umepal pa don hehe." Muka naman siyang napangiti sa sinabi ko. Luh? Baliw to si Cly.

"Anong nginingiti mo diyan?" tanong ko.

"Wala. Wala yun. Tara na hatid na kita!" Hinila niya na naman ako. Tapos iniliko niya ako sa kaliwa. May mali e....

"Huy Clyde! Bat dito?! Sa kanan ako dederetso e!" Tumingin naman siya bigla sakin.

"Ah ganon ba? Hehe di ko kasi alam e. Sundan nalang kita sorry hehe." Haha ang cute mo talaga Mr. Reyes.

"Hahahaha baliw ka talaga tara na nga papakilala kita kay Mama." Hanggang ngayon kasi hindi padin siya nakikita ni Mama pero alam ni Mama yung tungkol sa kanya nagkukwento din kasi ako kay Mama.

"Yes! Makikilala ko na ang best sandwich maker of the universe!" Tignan mo baliw nga.

"Hahaha ulol! Tara na!" Pag aaya ko sakanya.

Hindi naman kami nagkikibuan ni Clyde. Pagtapos naman ng maikaing oras nakadating na kami sa bahay ko.

Bago pa ako makadoorbell bumukas na yung pinto.

"Hi Ma eto nga pala si--" ooops.

"Oh Clyde hijo pasok ka!" Shems. Pano nya nalaman na si Clyde yun e hindi ko naman dinidescribe itsura ni Clyde sakanya or waa akong pinapakitang picture.

That was great Ma. Haha!

------

END OF CHAPTER 8.

Past or Present? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon