Prologue/Chapter 1; Introduce Yourselves

964 20 5
                                    

Prologue:


Ako? Sikat, maganda daw, mabait daw, masiyahin, mapagmahal. Yung lalaking mahal ko? Sikat, pogi, mabait, mapagmahal... Kaya tingin ko meant to be kami. Pero one of a sudden may taglay pala siyang manloloko. Hurt, depressed, stressed. Yan yung naramdaman ko. Pero sa lahat ng paghihirap ko may isang taong nandyan pa din. Minahal ko siya... Pero bakit ka pa bumalik Clyde? Ang gulo! Past isn't past, my heart still skip fast with him.... Past or present?


Author's note: Sensya na napagsama ko ang chapter 1 at prologue hehe. Please. My story is full of typographical error and wrong grammars. Kung di niyo kayang intindihin wag niyo na basahin. Salamat.


Written by: Kristelxxbianca

All rights reserve (c) 2015


——————————————————————————————-



Chapter 1:


"Gising na diyan hoy!" ano ba naman 'to si Ate Keigh. Ang aga aga ginugulo yung tulog ko. 'Di pa din ako bumangon, napuyat kaya ako kagabi no! 'Di naman siya yung mala-late e, ako yun. Teka? Late? Ha? Ohmyy! First day of school nga pala ngayon! I need to be early! Agad akong bumangon sa higaan 'ko at naligo at nagbihis. Pagtingin ko sa orasan mala-late na pala ako kaya hindi na din muna ako kumain.


"Keyla! Hindi ka ba muna kakain?" sabi ni Mama sakin.


"Hindi na po Ma, mala-late na po ako. Magbabaon nalang po ako ng sandwich. Bye ma, pasok na po ako." sabay ngiti at wave ko sakanya.


Grabe, sa sobrang excited ko eto nalate na ako. Buong klase nakatingin sa akin. Kahiya naman! First day na first day late ako. Anu bayan!


"Ma'am sorry I'm late."


"It's okay. You may take your seat." hay mabuti naman at mabait tong adviser namin hihi! Sa sinabi ni Ma'am na yun, naghanap na ako ng mauupuan. Sino pa ba naman ang hahanapin ko? Syempre yung bestfriend ko! Nakita ko siya sa dulo sa may right side nagkakakaway siya sakin. Nah! Muka talaga siyang baliw. Lumapit ako don tsaka naman ako tumabi sakanya.


"Tingin niyo ba may kulang pa?" sabi ni Ma'am pagkaupo ko.


"WALA NA POOOO." sabay sabay nilang sagot. So ako lang talaga ang late? Sornaman.


"So since kumpleto na kayo. Magpapakilala na ako. I'm Ms. Carmina Azore, you can call me Ma'am Carmin or Ma'am Azore. Kilala niyo na ako siguro noon? Strikto ako, tulad kanina hindi ako galit sa late. Galit ako sa absent na walang kwenta ang rason. Pero sana hindi niyo abusuhin ang pagiging late. Sige, alam ko atat na kayo dito. Magsimula tayo sa unahan. Tatayo isa-isa dito sa harapan and ofcourse, introduce yourself. So para mas intense, magbigay nadin kayo ng simple motto or quotes niyo sa buhay okay ba 'yon class?" wow! Ang astig naman ni Ma'am Carmin. Pero Ms? Sa ganda niyang yan wala bang nanliligaw sa kanya? Hays! Nevermind. Keylangan ko nang mag isip ng kung ano pa mang motto. Mabuti nalang nasa medyo dulo kami ni Aika, ng bestfriend ko.


"My name is Clyde Reyes. Yung motto ko uhm." sabay kamot sa ulo.


"Attitude is a little thing that makes a big difference." bigla naman siyang napangiti sa nasabi niya. Sabagay tama nga siya.


Tuloy tuloy lang kami sa pag iintroduce, sumunod na si Aika. Hahaha! Ano naman kayang sasabihin ni Bruha?


"Hey! Hahaha! Uy ngumiti naman kayo! Ang seseryoso niyo masyado haha! Nga pala ako si Aika Lopez, my motto in life is, Life is like a mirror and will reflect back to the thinker what he thinks into it. " ngumiti siya sakin. "I thank you." she added. Hay nako confirmed, baliw nga siya. Umupo na siya, means ako na huhu. Sabagay napag praktisan ko na 'to haha!


"Hello! I'm Keyla Mc Nulty. I can be your friend if you want." sabay bigay ng isang malaking ngiti sakanila "I'm half german, half shepherd. In short, german shepherd. Haha jokelang!" sabay naman silang nagtawanan at nangunguna pa si Aika atsaka pati si Ma'am natawa. Sumeryoso na ako... "At ang motto ko sa buhay, Smile when it hurts most." dumeretso na akong upuan ko. Napatingin naman sa'kin si Maam.


"I like your introduction Keyla. Pero syempre lahat kayo, masaya akong makilala." sabay ngiti nya samin. Hay ang diyosa niya. Nginitian ko siya ng napakalawak. Hindi naman nagtagal, nagbigay na siya ng books at nagbigay din siya ng rules and regulation sa amin. Sobrang dami, pero hindi ako nasasawang makinig kasi ang sarap niyang pakinggan haha.


Pagtapos nun pinag break time niya muna kami, kinain ko na yung sandwich na baon ko. Excuse me? Gutom na gutom na ako. Nagdaldalan kami ng bestfriend ko at iba ko pang bestfriends don. Medyo kalahati na kasi ng studyante sa seksyon namin kilala ko.


"Ahm... girls, wait lang ah. May kakausapin lang ako kayo muna." sabay alis ko sakanila.


Lumapit agad ako kay Clyde. Napansin ko kasing nag iisa siya. Ano kayang problema netong nilalang na ito? Hindi ko talaga siya kilala, nalaman ko lang name niya nung nagpakilala kami isa-isa. Sana naman hindi nya ako snobbin pag kinausap ko siya, baka mapahiya beauty ko haha.


"May problema ka ba? Ako nga pala si Keyla, pwede mo kong maging kaibigan..."


—————-

END OF CHAPTER 1.



Past or Present? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon