Chapter 12; Savior

83 11 0
                                    

2 weeks later...

Halos 1month na kami sa school. Ansaya talaga ng 3rd year life ko. ^__^ #MedyoHappy

Naglakad na lang ako papuntang school. Wala lang, trip ko lang. Maaga pa naman kaya hindi ako mala-late.

*lakad*

*lakad*

*lakad*

Bigla namang may pumulupot sa leeg ko. Sinubukan kong kumawala pero ang higpit ng hawak niya. Tinignan ko kung sino yung sumasakal sakin. Naka black na tshirt. May shades. Naka-cap.... Eh teka? HOLDAPER!

"Help help!!! HOLDAPERRRRR!" sigaw ko.

"Don't speak." ay? englisherong holdaper.

"At bakit hindi?! Kita mong hinohold up mo na 'ko!" sigaw ko ulit.

"Bigay mo muna yung bag mo sakin. Bago kita pakawalan." tss. puro notebook lang naman laman neto. Binigay ko sakanya yung bag pagkatapos...

"UTO UTO! Hindi porket nabigay mo na yang bag mo, papakawlan na kita! Hahaha!" hala, huling araw ko na ba to sa mundo? Sasaksakin niya na dapat ako pero biglang may pumigil sakanya. Sinuntok suntok niya yung holdaper tapos sinipa niya sa muka. Natakot siguro yung holdaper, tumakbo bigla haha.

Sino yun? Lalaki. Naka uniform siya. Uniform ng school namin. Hindi ko na siya napasalamatan, tumakbo na kasi siya. Pero may isa akong nakita....

Yung bracelet na binigay ko dun sa bata dati.

Ibig sabihin siya yung batang tinulungan ako noon sa mall.... O_O

Ohmyyyy! I try running para maabutan ko siya, pero sumakay na siya ng tricycle. Hmp! Kaasar! This is my chance na makilala siya. Ewan ko, ang laki ng impact ng lalaking yun sakin. Tsaka unang kita ko palang sakanya dun sa mall pagtulong niya sakin naging crush ko kaagad siya haha. Pero si Clyde na ngayon syempre. Crush lang. Did I mention? Di talaga ako mahilig magka-crush noon, dalawa pa nga lang ata nagiging crush ko sa buong talambuhay ko. Dati nga sabi nila Abnormal daw ako kasi wala akong crush. Hindi naman ako abnormal, minsan lang. hehe.

Naglakad nalang ako papuntang school, baka malate pa ako nito. Buti nalang, di nakuha yung bag ko huhumuch.

Habang naglalakad ako.... wait. Is that Clyde? Papalapit siya sakin.

———

Clyde's POV

Sumakay na kong tricycle, nagbigay naman sakin sila Ate Chloe at Kuya Chan ng onting pera. Yep, puro C kami. Cool kasi kami. Bwahaha!

Medyo natagalan kasi may nagbanggaan daw malapit sa school kaya natraffic. So til now, di pa din nausad yung mga sasakyan. Wtheee!

Habang nakatingin ako sa kawalan, natauhan ako nung nakita ko bigla si Keyla. Nagbayad nalang ako sa driver tapos bumaba na, sasabayan ko nalang ito si Keyla, baka may umaligid na mga mokong dito e! Oy! Di ko siya gusto. Bestfriend nga diba? Concern lang as a friend ay este bestfriend. Sweet ko no? Haha. Siya kasi ang first bestfriend ko dito.

Mukang natunganga siya nung nakita niya kong papalapit ako sakanya. Siguro natamene sa kagwapuhan ko? Haha ang kapal ko na talaga.  "Goodmorning my bestfriend forever." Bati ko sakanya sabay akbay. Okay lang sakin, wala namang malisya sakanya yun as I know.

"Walang forever." Sabi niya sabay alis ng kamay ko sa balikat niya.

"Meron, bitter ka lang. Oh anong tawag mo sa Lolo at Lola mo?" Pabiro kong tanong.

"M.U. Naglalandian lang talaga sila. Haynako! Oo na meron na" sarcastic niyang sabi. Haha asar talo talaga to. "Eh anong tawag mo sa Jamich?" Sabay tawa ni Key. Hanep, nakaisip pa ng panlaban.

"Alam mo Keyla.... Wala o meron mang forever basta alam ko best friends tayo." Shet, korny ko dun ah! "Hahhahahhahahahahahaha wala nang mas kokorni pa sayo." Pangangantyaw niya, pero sa tawa niyang yun. Parang fake? 

———

Keyla's POV

Alam no Keyla.... Wala o meron mang forever basta alam ko bestfriends tayo.

Shete otso. Paulit ulit yan dumadaloy sa braincells ko. Ugh. Should I call it NA-FRIENDZONE AKO. MASHAKEEEET.

Bestfriend lang ba talaga tingin niya sakin? Bigla nalang akong naluha. Luh? Ang oa ko naman yata neto.

"Hoy kabayong palakang Keylabels!" Ouch naman, sa ganda kong to. Inangat ko ulo ko sa desk, kasi nakayuko ako kanina habang naiyak. Na feel niyo na yun? I called it patago-effect-iyak-sa-room-para-dramatic. Psh! "Bakit kutong lupang, mukang kamote na kabuteng Aikatots?" Sabay tawa naming dalawa. Mga loka loka no?

"Woaah! Tawa tawa ka dyan e namamaga nga mata mo oh!" Ay namamaga!? Parang di naman. Tsaka porket sinabi lang yun ni Clyde e. Ay hindi! Mali may isa pa pala. He don't have enough time for me anymore. Alam nyo yun? May bago na siyang tropa. Cool kids like him. Yung RNR III. Di na nga kami masyado nagbobondi— Teka nga Keylaaa, why are you thinking this?! Kayo na ba?! Hays. Tapos si Cly pa yung mga fans niyang ba——

"Pre ocuppied na naman si Keylalouu, look oh. Your bestfriend is flirting with someone again hahaha! Ang swerte naman nyan ni Clyde. Bago palang dito pero sikat na agad. And it's all because of you. Awww." Oo nga no? Kaya siya naging sikat because of me? Kasalanan ko rin pala. Pano naman, lagi ko siyang tinutulungan para makasali sa mga dance contest ayan tuloy sumikat ng bongga.

"Huy! Di mo naman ako pinapansin eh." Ay kabayo! Onga pala nandito si Aika. Teka! Nga pala, sabi niya nalandi na naman daw si Clyde. Ha? "Anong nalandi? Asan hahaha?" Di kasi niya alam na gusto ko si Clyde. Kaya dapat wag magpahalata. Madaldal kasi to! Baka sabihin agad agad kay Clyde.

"Ayun oh! Kasama si Bea." Who's Bea? Tinignan ko kung san nakaturo yung kamay ni Aika.

"Ah." Tipid kong sagot. You all won't believe this, pero si Bea..... siya yung babaeng nakatama sakin ng bola. Magkasama sila. Binibigyan pa nga siya ni Clyde ng chocolates e, kitang kita.

I'm f*cking jelous.

—————

End of Chapter 12.

Past or Present? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon