Chapter 16; Arrived

84 8 1
                                    

Clyde's POV.


Sobrang nakokonsensya na ako sa ginagawa ko. Pinapakilig ko lagi si Keyla. Ano ba naman nangyayare sakin? Ano ba tong naiisip ko? Alam ko namang mali to pero ginagawa ko pa din. Sana talaga Keyla, hindi ka masaktan. Sana magustuhan din kita balang araw.


Tumingin ako sa braso ko kasi nakatuon ang ulo ni Keyla dun, nakatulog na yata siya. Nahilik na e haha! Hindi ko maiwasang tignan yung muka niya. Napaka amo. Tingin palang anghel na. Bakit ba hindi kita magustuhan? Tanga na lang siguro ang manloloko kay Keyla at oo tanga ako. I'm doing this because I know someday I'll like Keyla back. Although di ko sure. Isa pa, natatakot ako sa magiging dare ko. Selfish ba ko? Oo. Sarili ko lang iniisip ko.


"Hmmmm!" nag-unat bigla si Keyla. Tapos napatingin siya sakin na para bang gulat na gulat siya.


"Ay Clydeeee! Pasensya na nakatulog ako sa balikat mo sorry sorry!" nagpapanic niyang sabi, nakakatawa talaga to parang yun lang haha.


"Okay lang haha, sige tulog ka na ulit." sabi ko.


"Ha? Ikaw hindi ka ba inaantok?" mag lilimang oras nadin kasi yung byahe namin sabi nung driver malapit na daw kami kaya hindi na ko natulog.


"Hindi sige. Malapit na naman tayo." sabi ko sabay ngiti. Namula na naman si Key. Feeling ko gusto kong saksakin sarili ko kada pinapakilig ko siya. -__-


"Picture tayo!" pag aaya ni Key tapos kinuha niya sa bulsa yung Iphone 6 niya. Woah! Yaman talaga nila.


Ngumiti ako sa camera ganun din siya. Pagtapos sabi ni Mrs. Ponce nandun na daw kami sa Siniloan kaya naman binaba na namin yung mga gamit namin. Tinulungan ko ulit si Keyla sa bagahe niya tapos nagpunta na kami sa loob ng hotel na pag iistayan namin for 3 days. Sabi ni Ms. Carmina apatan daw na students sa bawat kwarto. Nagsama sama ako, si Keyla, Kristella at si JC.


Pumasok na kami sa room number na inassign samin. Sobrang gandaaa. Woah. Anlaki, ang lambot ng kama. Apat na kama, tapos yung bintana kita mo yung mga bundok. Basta ang ganda. Pumwesto ako sa kama dun sa may left sa dulo. Si JC naman sa left na unahan. Si Keyla sa right sa dulo si Kristella sa right sa unahan. Bale ganto kami....


Ako------Keyla

JC-------Kristella


"Woaaah lupet dito!" sabi ni JC habang nakadungaw sa bintana.


"Ganda naman." mahinhin na sabi ni Kristella.


"Oo nga! Ang lamig pa. Teka wala bang pagkain dito?" sabi naman ni Keyla habang nakahaw sa tiyan niya.


"Ang patay gutom mo talaga! HAHAHAHA!" pang aasar ko sakanya.Bigla nalang siyang nagpout. Nilapitan ko kaagad siya tapos kiniliti.


"HAHAHAHHAHA! HUY TAMA NA! CLYDE!!! HAHAHAHAHA! NAKIKILITI AKO BWAHAHA!" sabi ni Keylang natatawa tawa pa hahaha!


Napatigil kami nung nakita naming nakatingin na pala samin si Kristella at JC. To be honest, love team tong dalawang to sa dance group namin kaya ayan nagsama sa isang kwarto! Baka nga mamaya may mabuo na e, haha joke!

Past or Present? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon