Chapter 14; Confession

100 9 0
                                    

Keyla's Point Of View.

"HAHAHHA ulol ka talaga! tatanungin ko lang sana kung.... Uhm... Kung pwede ba tayo mag usap bukas ng lunch?" sagot ko kay Clyde sa cellphone.

Sabi kasi ni Mama, nothing will happen if I didn't confess. Sasabihin ko na yung feelings ko sakanya. Haaaay! Ano ba yan, feeling ko mauutal ako bukas. Feeling ko wawalk outan ako ni Clyde. Feeling ko mapapahiya ako sakanya niya bukas. Feeling ko baka lumayo siya sakin. Psh! Ano ba tong iniisip ko? Goodluck nalang Keyla Anne McNulty.


Kinabukasan...

"Tara na bestfriend! Nakatulala ka na naman diyan!" sabi ni Clyde habang hinihila yung kanang braso ko. Iniisip ko kasi kung pano ko sisimulan, pano ko sasabihin, pano ako aamin. Waaah! Sasabog na utak ko. Minsan nga naiisip ko wag ko nalang sabihin. Bakit ko nga ba kailangan sabihin? Ano baaaa!

"Huy! Tara na sabi." pangungulit ni Clyde. Tumayo na ko para matahimik na si Clyde "San tayo?" tanong niya.

"Playground." tipid kong sagot.

"Okay ka lang ba? Lately, I found you pre-occupied." sambit ni Clyde.

"Ha? Ya-yah! I'm fine. Tara?" tapos lumakad na kami papuntang playground. Pagkadating naming playground may ilang bata lang ang naglalaro dito. Umupo kami sa swing, tutal wala namang naglalaro dito.

"Oh ano sasabihin mo?" seryosong tanong ni Clyde. Asdfghjl. Eto na yon argh!

"Uhm... Eh.. Ano kasi.... Ano..."

"Ano? HAHAHAHAH! Ngayon lang kita nakitang ganyan." tapos tumawa siya.

"Ano kasi, gusto ki—-" napaisip ako bigla na wala din naman kung sasabihin ko, kaya ibahin ko nalang siguro?

"Ano kasi, gusto ni Ate add mo daw siya sa facebook." hays nakahinga din ng maluwag.

"Yun lang ba? Hahaha, parang yun lang pala." sabi niya.


Nothing will happen if I didn't confess.

Nothing will happen if I didn't confess.

Nothing will happen if I didn't confess.

Nothing will happen if I didn't confess.

Nothing will happen if I didn't confess.


Pumasok na naman yan sa isip ko. Waaah! Sige na nga! Tatayo na dapat si Clyde kaso bigla kong hinila yung braso niya paupo. "Ano kasi e, I like you. And worse my feelings for you is getting deeper. Worst, I'm your bestfriend." mabilis kong sabi, kaya nga hinabol ko na yung hininga ko. Mukang gulat na gulat siya sa sinabi ko. Hindi ko rin maipinta kung ano ba yung iniisip niya. Mali ba yung ginawa ko? Tama ba yung ginawa ko? Ano ba naman ito.


"Sigurado ka ba diyan Keyla?" tanong ni Clyde. Oo! Oo clyde! Hindi ko nga alam kung ano bang ginawa mo at nagkaganto ako sayo!

"Hindi ko alam..." tapos yumuko ako, naiiyak kasi ako. Parang di niya nagustuhan yung sinabi ko.

"Please siguraduhin mo, gusto din kasi kita e." nagulat ako bigla nung sinabi ni Clyde yan kaya napatingin ako sakanya. Yung lungkot kanina sa mga luha ko, parang biglang naging tears of joy. Pinahid niya yung luha ko gamit yung kamay niya tapos hinalikan niya ako sa noo. "Thankyou for liking me back." bulong niya sa tenga ko. Nabigla lang ako kasi minsan lang siya maging ganyan kaseryoso, bigla namang may lumapit samin bata...

"Kung gusto niyo ang isa't isa ate at kuya, wag niyo nang patagalin pa. Alam niyo kahit madaming hadlang alam ko sa huli kayo padin hihi!" natawa nalang kami pareho sa bata. Tumakbo na paalis yung bata, kami naman ni Clyde naiwan dito. Nagkatinginan kami mata sa mata. Halos sasabog na puso ko sa kilig, saya, gulat. Napangiti ako bigla nung ngumiti siya.

"Uhm clyde... Yung kanina.... Sigurado ako, sigurado akong gusto kita. Natakot lang ako kasi akala ko naman di mo nagustuhan yung pag amin ko." sabi ko habang nakatitig sa kanya.

"Kung ganon, pwede bang manligaw na ko? Tsaka wag ka mag alala iaadd ko na ate mo sa facebook hahaha!" akala ko pa naman seryoso na tong lalaking to! Amp, nagpatawa pa.

"HAHAHA! Ang kulos mo talaga! tara na nga!" hinila ko yung kamay niya. Napatigil ako kasi nakatingin lang siya sa mga kamay namin. Wait. Parang biglang nagkaroon ng malisya yung pagkahawak namin sa kamay. Tumingin ako sakanya. ganun din siya. "Di mo pa sinasagot yung tanong ko. Can I court you bestfriend?" tapos ngumiti siya.

"Ofcourse. Let's go na. Malalate na tayo sa next subject." umalis na kami tapos nakikita ko na pangiti-ngiti si Clyde. Ang cool niya lang kasi nakalagay yung dalawang kamay niya sa mga bulsa, nakagel yung buhok tapos ang pogi pogi pa. Kyaaah! Can't believe na manliligaw ko siya.


The number one rule of love; you can never be just friends with someone that you're in love with.

—————-

Clyde's POV.

Nandito na kami ngayon ni Keyla sa playground.

"Oh ano sasabihin mo?" seryosong tanong ko.

"Uhm... Eh.. Ano kasi.... Ano..." nauutal utal na sabi ni Keyla.

"Ano? HAHAHAHAH! Ngayon lang kita nakitang ganyan." sabi ko habang natatawa.

"Ano kasi, gusto ki—-" sabi niya, pero pinutol niya agad yon. Nakaramdam ako bigla nang kaba kasi parang may something sa sasabihin ni Key.

"Ano kasi, gusto ni Ate add mo daw siya sa facebook." ahhh. Yun lang pala. Pero di e, parang hindi yun yung sasabihin niya.

"Yun lang ba? Hahaha, parang yun lang pala." sabi ko.

Tatayo na dapat ako kaso hinila ni Keyla braso ko paupo sa swing. Nagulat ako sa ginawa niya na para bang may iba pa siyang sasabihin. Teka hindi tama to.

"Ano kasi e, I like you. And worse my feelings for you is getting deeper. Worst, I'm your bestfriend." nagulat ako sa sinabi niya. Naisip ko na, oo maaring makakalampas ako sa dare at mananalo ako sa deal. Pero mali namang paasahin ko si Keyla na gusto ko siya. Bestfriend ko siya at naging mabait siya sakin all this time tapos ito yung isusukli ko sakanya. Di ko alam kung ano na tong pinasok ko!

"Sigurado ka ba diyan Keyla?" yan lang yung naisip kong sabihin. Ewan ko ba! Tanga ka Clyde! Sasaktan mo lang bestfriend mo pag pinaasa mo siya.

"Hindi ko alam..." mukang nalungkot siya sa sinabi ko. Tumungo siya. Nakaramdam ako ng guilt. Maganda naman siya, mabait, talented, friendly lahat na nakay Keyla kaya sigurado akong pag nakasama ko pa siya lalo ng matagal magugustuhan ko din siya. Sana lang magustuhan din kita pabalik Keyla...

"Please siguraduhin mo, gusto din kasi kita e." tanga ba ako? tanga ba ako para paasahin siya? Tanga ba ako para lokohin ko siya? tanga ba ako para pumayag sa deal? Tanga ba ako para lokohin yung sarili ko? Putangines! Oo tanga na ako! Pero pakiramdam ko naman gugustuhin ko din siya... Kaya ko sinabi yan. Dadating din yung araw na yun Keyla, pangako.

——

END OF CHAPTER 14.


Past or Present? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon