Chapter 33; I can't

72 7 3
                                    

Keyla's POV.


Hayyy, anong oras na pala. Pero nandito parin samin si Ark para daw bantayan ako. Sabi ko umuwi na siya pero sabi niya mahirap na daw baka magsuicide ako. Psh di ko naman gagawin yun. Di ko sasayangin buhay ko.


Medyo di na ako naiyak pero sa loob-looban ko parang tinusok ako ng isang milyong karayom sa sobrang sakit. Nasa sala kami ngayon nanonood ng action movies. Naasar nga ako e! Sabi ko gusto ko love story pero sabi ni Ark "Baka masaktan ka lang pag may makita kang taong sweet." hayyy, gusto niya talaga akong tulungan sa pagmomove on.


Hindi naman ako manhid. Oo alam ko mahal niya ako. Mahal niya pa RIN ako sana nga siya na lang talaga minahal ko. Alam kong di niya ako lolokohin.


"Keyla..." -ark


"Oh?" simple kong sagot. Wala pa rin kasi talaga ako gana makipagchikahan or whatever.


"Okay lang maging panakip butas ako, maging rebound basta malaman ko lang na mahal mo na din ako masaya na ako... tutulungan kita mag move on." seryoso niyang sabi.


Literal na nganga.


Literal na nanlaki mata.


Yan yung reaksyon ko sa mga sinabi niya.


"Haha sorry Keyla ewan ko kung ano ba tong pinagsasabi ko." o-okay na sana ako sakanya sa ideya niya kaso biglang...


*Tok tok tok*


"Ako na..." hinayaan kong buksan ni Ark yung pinto. Wala ako sa mood makipag talo at parang pagbubukas lang naman yun ng pinto e.



"Si Keyla?!" wait. Bosses ni Clyde yun ah...


"Bakit mo siya hinahanap? Matapos ng ginawa mo sakanya magpapakita ka. Ang kapal mo din e!!!" sigaw sakanya ni Ark.


"Pakyu ka talaga! Sabi na kaya gusto mo kami paghiwalayin e! Leche di pa ako tapos, magiging kami ulit tandaan mo yan." -clyde


"Tama na! Ano Clyde? Ano bang kaylangan mo?! Alam mo nakakainis ka din e! Si Ark na nga lang yung nanjan para sakin tapos gaganitohin mo pa yung tao!" sigaw ko.. Buti nalang umalis sila Mama at di nila makikita tong pangyayare. Si Kuya Kent naman nasa bahay ata nila Ate Micah, nung gf niya.


"Keyla.... wala na ba talagang pag asa maging tayo ulit. gagawin ko lahat... Sorry sorry keyla.. Mahal na mahal kita. Key... Sand—-" lumuhod siya nun at nagmamakaawa pero pinutol ko kaagad siya.


"DONT DARE TO CALL ME SANDWICH! SORRY NOT SORRY PERO AYOKO NA! TAMA NA OKAY?! WALA KA NANG MAGAGAWA!!! KAYA PLEASE LEAVE!" napagtaasan ko siya ng bosses. Si Ark naman mukang nagtaka dun sa 'sandwich' thingy.


"Keyla.. please... 2nd chance.. I'll make it better." hinihila hila niya yung damit ko sa pagmamakaawa. Bigla nalang siyang tinulak ni Ark...

Past or Present? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon