Chapter 5; His Story

163 13 0
                                    

Pag ka lapit ko kay Clyde mukang malungkot siya. Tapos nakatingin lang siya dun sa picture na hawak niya.


"Uhm.. Hi clyde!"


"Anak ng butike!" haha nagulat ko yata siya.


"Ako anak ng butike? Sa ganda kong 'to?" pinatawa ko lang naman siya e.


"Hahaha! 'Di mo talaga nabibigo na patawanin ako." tapos tawa ulit. Hala nabaliw?


"Bat ka nga pala nandito?" sabay ngiti. Yung tipong killer smile.


"Kasi wala ako dun" hala ano ba yang sinasabi ko. I need to be serious! Hahaha.


"Sabi ko nga." tapos tawa ulit. Psh! Ganon na ba ako kakomedyante?


Tinitignan ko lang siya habang tumatawa. Tapos bigla siyang napatingin sa akin. Napatingin naman ako sa picture na hawak niya. Tapos nakita niya na nakatingin ako sa hawak niyang picture. Tinignan niya ulit ako tapos biglang naging seryoso muka niya. Bukod pa dun, parang biglang may lungkot sa mukha niya.


"Uhm... Keyla.." ano kaya yun?


"Bakit? May gusto ka bang sabihin. tandaan mo magkaibigan tayo. Kung may problema ka pwede mo akong sabihan. " nginitian ko siya. Sa ngayon, seryosong ngiti.


"Kasi..." nakita ko naman bigla na may luha sa mga mata niya.


"Umiiyak ka ba?" hay nako Keyla! Hindi halata promise hindi talaga!


"Sanay na ako Keyla. Pasensya na. Siguro iniisip mo na ngayon ang drama ko. Pwede ba kitang pagkatiwalaan?" mukang may malalim talaga siyang problema.


"Eh nasayo yun e." wala naman sakin yun pero kaya kong magtago ng secrets kung private man yun.


"Kasi yung Mom ko. May sakit siya. All this time siya yung nagtatrabaho para sa amin. Para samin ng tatlo kong kapatid. One day pagkauwi niya galing work sumakit bigla yung ulo niya. Dinala namin sya sa ospital and we knew na may brain tumor siya. Wala nang gumagapos para sa pag aaral namin. Naluge yung company namin. Si Dad? May iba ng babae, ibang pamilya. May konting ipon kaming magkakapatid sa banko pero sapat lang yun para sa surgery kay Mom. Tsaka sa pagaaral ko. Tumigil muna silang dalawa para sakin. Yung dalawa kong kapatid. Naiinis ako! Kasi noon, 'di ko masyadong pinapadama kay Mom yung pagmamahal ko kasi naman antanga niya e! Hinayaan niyang makita ng dalawang mata niya yung pangloloko sakanya ni Dad. Hinayaan niyang masaktan yung sarili niya. Ngayon ko lang naisip, ngayong wala na si Dad samin ngayon pala niya ako kaylangan. Sabi ni Doc medyo malaki yung epekto ng brain tumor kay Mom. 'Di ko na alam gagawin ko. Hindi ko kaya pag namatay si Mom." that time humagulgol na siya.


Naisip ko, maswerte pa din pala ako na buo yung pamilya ko. Kahit naman parati kami nag woworld ward z ng mga kapatid ko ayun lang naman kasi yung lambingan namin. Sobrang sakit para sakin na malaman ko na ganto yung kwento ng kaibigan ko. Feeling ko ang gaan ng loob ko sakanya kasi pinagkatiwalaan niya ako. Kaylangan niya ako bilang kaibigan. Isa pa, bago lang siya dito. Wala pa sya masyadong kaibigan dito.


"Clyde. Wag ka ngang umiyak. Nagmumuka kang baby damulag d'yan e! Hehejoke. Basta Clyde, magpapakatatag ka. Wag mong isipin na mawawala yung Mommy mo sayo. Alam ko makakaya niya yun. Kaya dapat kayanin mo din!" nginitian ko siya tapos tinapik ko yung likod niya. Tinignan ko si Ma'am mukang umalis siya saglit. Buti nalang, baka kung ano pa ang itanong niya kay Clyde.


"Masama ba akong anak Keyla?" tanong niya tapos umiyak na naman siya.


"Hindi ka masama, sadyang naipon lang siguro yung galit sa puso mo kaya mali lang yung nakita mo. Tahan na." tumingin ako sa orasan sa room. "Tahan na Clyde 7 na oh! Baka dumating na yung iba nating classmates makita ka pa nilang naiyak." tinapik ko likod niya tapos inabot ko yung panyo ko sakanya.


"Salamat Keyla. Salamat talaga. Sobra kang bait. Ang swerte ko ikaw una kong naging kaibigan dito." ansarap pakinggan.


"Salamat din Clyde. Tsaka makakaasa ka, satin lang 'to." nginitian ko ulit siya.


"Sige, kung gusto mo na bumalik sa upuan mo okay lang, nandyan na yung mga kaibigan mo oh. Ayos lang sakin." tumingin ako sa likod, nandun na nga sila Aika.


"Sige ha? Mamaya nalang ulit."


Pumunta na ako kela Aika sa upuan namin. Nakatingin na naman siya sakin ng parang may something. Pati na din yung iba kong kaibigan. Hay nako mga bruha talaga.


"AYIEEEEEEEEEE!" sabay sabay nilang pang aasar.


"Ano ba kayo kaibigan ko lang siya haha!" yan lang masasabi ko. Heh!


Medyo madami nadin pala kami dito. 7 na kasi.


"Class, let's stand up. Pila na kayo sa labas may ceremony pa." pinapila na kami ni Ma'am sa labas ng room. Pagkatapos pumili si Ma'am ng students sa section namin, first section kasi kami kaya samin kumuha ng maglelead sa stage. Nagulat ako ng biglang pinili si Clyde! Eh hindi niya pa alam steps sa prayer.


"Sumama ka na din dun Keyla." hinatak ako ni Ma'am tapos tinuro niya kung nasan sila Clyde.



---------

END OF CHAPTER 5.



Past or Present? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon