Chapter 49; My Moon And Sun

102 3 0
                                    

Keyla's POV

Dinala ako ni Clyde sa dati naming pinupuntahan na madaming damo at may mga puno. This time pinapanood namin yung sunset.

"I missed this." he said.

"Ako din." sabi ko habang nakatingin sa araw na papalubog na.

"Sa sandaling panahon naging moon mo si Ark kasi nawala ako, pero ngayon Keyla I'll be your sun and moon. Lumubog man yang sun na yan nandito pa din ako." seryoso niyang sabi. Tumingin ako sakanya at dun ko nalamang nakatingin na din pala siya sakin.

"You're my sunshine. My moon. My future. My boyfriend. My soon to be husband. And you're my everything" masaya kong sagot sakanya. Nginitian niya ako at hinawi niya yung nakaharang kong buhok sa muka. Hinalikan niya ako pero sa noo lang, oh ano na naman ba iniisip nyo?! Hahaha.

"Keyla may nakalimutan pala ako." sabi niya. "Yung mga nagbigay sayo kanina ng piece of paper? Kunin mo." sabi niya. And with that, alam ko na pakulo niya din siguro yun.

"Ay natapon ko na e." pagbibiro ko, nagsad face lang si Clyde "Dejoke! Eto na wait." sabi ko sabay bunot ng mga papel sa bulsa ko.

'Panget, hindi ka maganda.'  -first letter

'Lolokohin kita hindi kita seseryosohin' -second letter

'Mambabae ako hindi ako mag iistick-to-one.' -third letter

"Oh? Nabadtrip talaga ako dito." asar kong sabi. "Sayo to galing?" tanong ko.

Tumango siya. "Eto pa." sabi niya.

'Iiwan kita hindi kita mahal.'

Sa sobrang badtrip ko binato ko yung mga yon. Pinulot ni Clyde yun tapos binalik niya sakin.

"Dapat sinabi mo na agad para di na ako nakipagbalikan sayo!!!" sigaw ko habang naluluha.

Pinunasan niya yung luhang tumulo sa mga mata ko then he said "Don't be too mad. Basahin mo pabaliktad." inabot niya sakin yung mga papel. Dahil sa uto uto nga ako binasa ko pabaliktad. "Lakasan mo basa ah." sabi niya.

"Maganda ka, hindi panget. Seseryosohin kita hindi kita lolokohin. Mag iistick to one ako hindi ako mambabae. Mahal kita hindi kita iiwan. Uhhh.. Clyde..." nahihiya kong sabi. Medyo napahiya kasi ako hehe.

"Sabi naman sayo e." he murmured then he hugged me.

Kumawala siya sa yakap at para bang naging curious bigla yung muka niya sabay kamot sa ulo.

"Bakit?" Ako.

"Eh... Nakalimutan ko kasi bigla yung tinanong sakin sa interview. Di ko kasi magets. Ano ba kasi yung tagalog nung expensive profit?" tanong neto.

"Uhm... Mahal na kita." uh-oh. Mga damoves neto! HAHA.

Dug dugs dug dugs*

"Mahal din kita ahehehe!" sabi niya with an idiot smile on his face.

"Mga galawan mo din e!" sabi ko sabay hampas sa kanya. Hahampasin ko pa sana siya ulit pero tumakbo siya ng mabilis.

Ayan na naman po kami sa pag iisip bata. Ang tatanda na nagtatakbuhan pa din.

Nung mejo tumagal hiningal na din ako pero mejo nakalayo na kami mula dun sa nilatagan namin nang sapin.

"Clyde, *breath* pagod na ako *breath" sabi ko kay Clyde habang hingal na hingal.

"Ah sorry napagod ko pa ang prinsesa ko! Sorry. Lika buhatin na kita." sabi niya sabay offer ng likod niya.

"Uhm..." Ako.

Past or Present? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon