Chapter 2; New Friend

356 14 2
                                    

"May problema ka ba? Ako nga pala si Keyla, pwede mo kong maging kaibigan..." sabi ko sakanya habang nakasmile.

"hmmm." matipid na sagot ni Clyde. Siguro nahihiya lang siya? Muka din naman kasi siyang bago sa klase namin. Last year nung 2nd year highschool ako di ko naman siya nakikita dito sa Saint Lukes High School.

"Haha! Ano ka ba! Wag kang mahihiya. 'Di naman ako nangangain, nangangagat lang. hehe joke!" alam ko laos na yun, pero para kahit korni naman tumawa siya. Kanina pa siya nakasimangot e.

"Salamat Keyla." ngumiti siya sakin.

"Wala yon! So ano, FRIENDS?" inabot ko sakanya yung kanang kamay ko. Mabuti naman at nakipag-shake hands siya. Ibigsabihin friends na kami. Yay!

"Diba break time ngayon? Dapat nakain ka, hindi ka ba nagugutom? Ako nga kanina pa kinukulit ng kulo ng tyan ko e!" nakakapagtaka kasi wala manlang siyang kinakain. Busog ba to o wala lang talagang makain?

"Hmmm. Keyla, hayaan mo na. Busog naman ako." ngumiti siya... pero pilit. Muka ngang gutom siya.

"Sure ka ba?"

"oo keyla..." tumungo siya bigla. Bigla ko namang narinig na kumulo yung tiyan niya.

CONFIRMED. HE'S HUNGRY.

"HAHAHAHA! Ikaw talaga Clyde. Sabi ko naman sayo wag kang mahihiya. Friends tayo hindi ba? Hayaan mo, mabuti nalang dalawa yung nadala kong sandwich. Wait lang kukunin ko yung isa sa bag." nginitian niya lang ako pero tingin ko nahihiya siya. Ano bayan! Tumawa pa kasi ako, haha!

Umalis ako sa pwesto niya at pumunta sa seat namin... At aba, sila Aika kung makatingin akala mong wala nang bukas.

"Natutunaw na ko bestfriend!" sabi ko.

"Ha? Eh sino yun? Crush mo ba yun? Ayieeeeeeee!"

Lahat silang mga kaibigan ko nag ayie. DUH! Mabait lang talaga ako wag silang ano dyan haha!

"Hindi, kaibigan lang. teka ah babalik ako dun." kinuha ko na yung sandwich lumapit ako pabalik sakanya.

"Salamat talaga Keyla, ambait mo pala talaga. Akala ko masungit ka." inabot ko na sakanya yung tinapay. Siniringan ko naman siya bigla.

"Ako masungit? Hindi no! hahaha, muka lang. Basta wag ka na mahihiya sakin. Simula ngayon, wala ka na dapat ikahiya. Teka bago ka ba dito?"

"Hm, oo. Kasi dati sa mamahaling paaralan ako nag aaral. Hindi sa nagmamayabang ah. Kaso nilipat ako ni Mom bigla dito, mas okay pa nga ata dito. Mas mukang mababait ang studyante isa ka na don." ngumiti na naman siya. Ang amo amo ng muka niya, muka siyang aso. haha joke! Muka siyang anghel na pogi ayts!

"hahaha, hindi lang naman ako mabait e...." nagpout ako at yumuko. "maganda din ako.... sobrang blessed ko no?" haha pinapatawa ko lang naman siya kahit alam ko na korni.

"Hahaha ang hilig mo talaga magpatawa." singhal ni Clyde.

"So tingin mo joke lang na maganda ako? Ang bad mo naman." nag pout uli ako.

"Hindi no! Maganda ka. Nakakatawa lang yung pagkakasabi mo haha!" kinurot niya bigla yung ilong ko. Aba ha? Hindi ko expected yun.

"Ayan maganda yan. Hindi na ka nahihiya sa akin." totoo naman e, mukang di na siya nahihiya sakin.

"Ewan ko. Ang gaan agad ng loob ko sayo." kumagat siya bigla sa sandwich. Tapos bigla nalang niya akong nginitian ng mas matindi. Luh nyare?

"WOOW! ANG SARAP NETO KEYLAAAA!" haha baliw din pala to. Kala ko kung ano na.

"Syempre gawa ni Mama e." ngumiti ako. Sakto dumating si Ma'am Carmin.

"Class, tapos na ang break time. Go back to your own seat."

"Sige na Clyde. Balik na ako sa seat ko. Mamaya ulit ha? Nice to meet you!" sabay kindat! Oha! ganda ko talaga lol.

"Sge Keyla. Thanks ulit. Ganda mo talaga." nginitian niya na naman ako.

Clyde's killer smile.

Bumalik na ako sa upuan ko. May extra seat kasi sa tabi ni Clyde nasa unahan siya e. Sabi ni Ma'am kaya daw may extra seat dun kasi siya naupo pag nagsusulat ng lectures yung mga students. Ayaw niya daw kasi magpakahiram na pumunta pang likod. Kaya kanina, tutal wala si Maam dun ako umupo. Hindi naman siguro bawal.

Habang naglelesson si Ma'am Carmin. Tingin sakin ng tingin si Clyde. Ano ba naman yan? Nakakailang minsan pero ayos lang sanay naman ako pagtinginan ayssh kapal!

"Bakit?" sigaw ko ng mahina kay Clyde.

"ahm wala!" ganun din, mahinang sigaw.

"Mr. reyes and Ms. Mc Nulty is there something wrong?" sabi ni Maam na mahinahon. Hay pati bosses ang Diyosa.

"None mam." sagot ni Clyde.

'Good. Please pay your attention here, I'm lecturing."

"Yes po maam sorry." sabi ko naman.

Ayan! May bago na naman akong friend. Ang bait ni Clyde, feeling ko. Alam ko di ko pa siya gaano kakilala. Sana ituring niya akong bestfriend soon. Noon ko pa kasi gusto magkaroon ng Guy Best Friend puro nalang kasi babae kaibigan ko. Let's see then.

-----------

END OF CHAPTER 2.

Past or Present? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon