Chapter 13; The Deal

96 10 0
                                    

Clyde's POV.

5pm na, tutal hindi naman daw sasabay sakin si Keyla pumayag ako na pumunta sa sinasabi nila Ark. Dinaanan ko muna sila sa room nila bago kami pumunta sa tambayan daw nila.

"Oh ano pare? Excited ka na makita tambayan namin no?" pang-aasar ni Julius.

"Ano ko bakla?" sabi ko, sabay tawa.

"Hindi, muka lang." sambit ni Ark.

"Pssshh." sabi ko para manahimik na sila.

Pumunta kami sa fourth floor ng building ng 3rd year highschool tapos sa dulong room don. Sabi nila bakante daw yun, walang may ari ng room kaya dun nalang sila natambay. Wala rin yung pinto o lock kaya nakapasok kami kaagad. Mga nakaupo lang kami sa sahig sa kung saan saang sulok tapos puro kalokohan sila. Syempre makikisakay ako, di papatalo kagwapuhan ko no!

"Hayyy, antahimik nyo! Nababakla na ba kayo?" sabi ni Cliff. Bigla kasi kaming di mga nagsalita pagsabi ni Cliff na pogi daw siya. Haha!

"Alam ko na, let's make a deal nalang." singit ni Ark. What deal naman yun?

"Ay Clyde! You don't know this haha. Lagi kasi namin tong ginagawa. So ganto yan. Mag-uutos ako sayo tapos susundin mo. Yung utos it's either for a week or month. Pag di mo nagawa yung utos namin may dare ka." pagpapaliwanag ni Cliff.

"Ano ako lang? Naduduwag na ba kayo?!" pabiro kong tanong.

"Ugok!" sabay sabay nilang sigaw sakin. Ipamuka ba naman? "Ikaw kay Ark si Ark kay Cliff si Cliff sakin tapos ako sayo. gets?" nagets ko naman, kaya tumango ako. "Sge simulan ko. Ark, magheadband ka for a weak gusto ko yung hello kitty. Pag di mo yun sinunod papakainin kita ng 5 buong sili. Ano deal?" tumawa silang lahat sa sinabi ko. Aish. Ano ba gagawin?

"HAHAHAHA TOL! ANG WEAK NG DARE AT DEAL MO!" sabi ni Cliff habang natatawa. Weak ba yun? Sge papalitan ko.

"Edi ano nalang... Headband at heals for 1week. Deal?"

"Sge tol pwede na yun hahahaha! Magmumuka kang bakla Ark!" ang kulos nito ni Cliff e puro tawa.

"Deal." sabi ni Ark.

"Ako naman. Hoy ikaw Cliff! Patay ka sakin! Magvideo ka ng naggigwiyomi. Yung buong song! Tapos iupload mo sa facebook! Walang pero-pero." hahaha! Makulos din pala to si Ark!

"HAHAHAH! TAWA KA KASI NG TAWA YAN TULOY GINALIT MO SI MASTER." sabi ko.

"Sige na pare pumayag ka na hahaha video lng naman!" singit naman ni Julius.

"Deal." napasigaw kami nung pumayag siya haha, magmumuka kasi siyang pabebe pag nagvideo siya nun. Kadiri, bakla moves.

"Pag di mo yun ginawa magulat ka sa dare ko! Bwahahahaha!" pananakot ni Ark kay Cliff. Si Cliff naman naduduwag na ata. Tapos kaming dalawa ni Julius tawa lang ng tawa.

"My turn. Ikaw Julius Mark S. Nones! Tigil mo nga yang kakatawa mo baka malagutan ka diyan sa dare ko sayo hahahaha!" sabi ni Cliff kay Julius. Pano ayaw padin tumigil kakatawa.

"ge pre seryoso na hahahah!" sabi ni Julius.

"Ganto, kailangang in two weeks mahawakan mo yung kamay ni Ma'am Sheryl. Dapat sunod sunod na two weeks ah." sabay tawa ng malakas ni Cliff. Medyo mataray kasi yung teacher na yon pero ang ganda at galing pa magturo.

"Naaay pre!" angal ni Julius. "Nay mo your face! HAHAHAHA Osge kung ayaw mo edi ngayon na natin gawin yung da—"

"Di sige! Oo na deal!" sabay tawa na naman nilang tatlo.

"Ako naman sayo bwahaha!" sambit ni Julius. Patay na ko neto. Tumango lang ako kay Julius.

"Ganto gagawin mo dapa—-" biglang nagring yung cellphone ko haha save by the bell!

Keyla Ganda calling....

Sinagot ko kaagad yun, baka kasi importante e.

"Yo keyla!" sabi ko.

"Uhm.... Clyde." mukang nahihiya siya sa kabilang linya.

"Bakit? Miss mo na agad ako bestfriend?" pagbibiro ko.

"HAHAHHA ulol ka talaga! tatanungin ko lang sana kung.... Uhm... Kung pwede ba tayo mag usap bukas ng lunch?" tanong ni Keyla. Bigla akong na-curious kasi sersyoso yung bosses ni Keyla dun.

"Ahm. Sge ba. Basta ikaw!" sabi ko.

"Okey, thanks bestfriend. Sge see you tomorrow bye!" tapos inend niya na yung call.

Pagkababa ko nung phone ko nakita ko sila naka tingin sakin. Pang asar ba tingin. Psh. Maliban kay Ark. Nakatingin lang siya sa may bintana.

"Alam ko na iuutos ko sayo hehe." shete, bading ata to si Julius e.

"Ano?"

"Ganto, in two weeks dapat ligawan mo si Keyla. Dapat maging kayo in two weeks. Deal?" shet, ang hirap neto! Kasi naman bestfriend ko yun pag naging kami... Baka masaktan lang siya pag nagustuhan nya ko kasi di ko nman siya gusto.

"Ano pare? Duwag mo naman!" sabi ni Cliff.

Tumingin si Julius kay Ark tapos parang nagsenyasan sila tapos pinilit nila akong tatlo.

"Ge deal!" putragis, tama ba tong pinapasok ko?

——————-

END OF CHAPTER 13

Sorry maiksi, hehe. Bawi ako sa next chapter.

Past or Present? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon