Chapter 41; Reminiscing

87 5 0
                                    

Keyla's POV.


Pagkauwi naming mall, pinauwi ko na din si Ark. Nasa kwarto ako ngayon.


Ewan ko ba, bigla akong nanghina sa mga nakita ko kanina.Aaminin ko, gwumapo si Clyde. Hayyy, ano na naman ba tong lumabas sa bunganga ko?!


-____-


Bakit ganun? Akala ko nakamove on na ako. Hindi naman ako tanga para di malamang may nararamdaman pa din ako sakanya. Tignan niyo tong nangyayari sakin. Bakti ganito?


Nainis nga ako dun sababae kanina na kasama niya! Argh mukang ansaya saya nila. Bakit hindi nalang din ako maging masaya?


Tumayo ako sakama ko at napatingin ako dun sa may side table ko. Dun ko kasi nilagay yung binigay dati ni Clyde sakin. Yung mga bulaklak.


"My love for you will never end until the last flower dies."


"My love for you will never end until the last flower dies."


"My love for you will never end until the last flower dies."


Tanda kong sinabi ni Clyde noon. Napatingin ako sa bulaklak. Sa mga bulaklak. Madami nang patay. Sa limang taon ba naman. Pero...


May isa doong buong buo pa. Yung plastic flower. Hayyy. Mahal mo pa kaya ako Clyde? Ako mahal pa ki—- WAAAAH! HINDI NO! MAHAL KO SI ARK. SI Ark lang! Nakita pa kasi kita e! Nakakasar ka. Hinagis ko yung bulaklak sa sobrang inis.


Naisipan ko nalang na umalis muna sa bahay ng panandalian.


Naglakad lakad lang ako dito sa village namin. Kung minamalas ka nga naman... nadaanan ko na naman tong playground. Ayokong pumunta, pero yung paa ko kasi e. Bigla bigla nalang nandadala.


Umupo ako sa swing. Napaisip nalang ulit ako ng mga nangyare dito noon.


Yung nalaman ko na siya pala yung first crush ko, yung tawang tawa ako, yung may mga bata kaming nakalaro. Nasan na kaya sila Katty at Nate? Hayyy. Ano ba to, parang ako pa nagsisisi samantalang si Clyde ang may kasalanan ng lahat. Nakakaasar sa five years na yon akala ko nakamove on na ako. Bakit ganto nararamdaman ko?!


"Ate?" narinig kong bosses ng babae mula sa likod ko. Humarap ako.


And wow. Si Katty. Anlaki niya na, lalo siyang gumanda.


"Katty, laki mo na ah." sabi ko. Umupo siya sa kabilang duyan at ngumiti siya sakin.


"Ate, lately I find you alone here. Hindi mo na nakakasama si Kuya Clyde?" tanong niya.


"Matagal na kaming wala...." mahina kong sabi.


"Ate sorry." sabi niya "Alam ko everything will be fine. Alam mo ba nakita ko dn si Kuya Clyde kahapon dito? Nakausap ko nga din siya e."

Past or Present? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon