Chapter 35; A&K

86 4 0
                                    

Keyla's POV.


Pag gising ko pumunta akong banyo para magsipilyo. Naghilamos din ako at nag ayos ng buhok. Tinignan ko yun cellphone ko tapos naalala ko yung susunduin daw ako ni Ark. Hehe kinilig ako bigla.


Pero...


Nahihilo ako bat ganon? Ansakit ng ulo ko? -___-


Napahiga ako sa kama sa sobrang hilo ko. Pagtingin ko 10:30 na pala. Baka dumating na yon si Ark. Tumayo ako at naligo lang saglit tapos nagbihis.


Di ko alam pero sa sobrang sakit di ko na kinayang kumilos kaya humiga ulit ako.. Unti unti akong pumikit, sa sobrang hilo ko gusto ko ulit matulog.


May narinig akong nalaglag kaya medyo naalipungatan ako. Idinilat ko yung isa kong mata para makita kung ano yung narinig kong nalaglag or something.


Nakita ko si Ark.... Hala! May lakad nga pala kami neto!


Tumayo agad ako sa kama tapos tumingin sakin si Ark.


"Oh gising ka na. Okay lang pahinga ka muna next time nalang tayo umalis, may lagnat ka e." sabi niya sabay kuha sa frame na nalaglag.


"Okay lang ba sayo?" -ako


"Oo naman. Aalagaan naman kita dito, ahhh teka nagugutom ka na ba?" sabi niya sabay lapit sakin. Hinawakan niya yung noo ko at leeg ko.


"Hmm okay lang. Di pa naman." nginitian ko siya.


Waaah! Ansakit na talaga ng ulo ko. Sobraaa.


"Nagpaulan kasi tayo kagabi. Haaay sorry kasalanan ko." sabi niyang nakasad face. haha ang cute talaga ni Ark!


"Haha okay lang, nag enjoy naman ako dun." -ako


"nagenjoy ka nga nagkasakit ka naman.." -ark


"Okay lang, gagaling din naman ako. Basta ikaw mag aalaga sakin ha?" sabi ko sabay pikit. Ewan, hehe tinulugan ko na lang siya.


For the 2nd time nagising na naman ako. Ngayon nakalapat na naman yung ulo ni Ark sa kama tapos nakapikit siya... Tanda ko tuloy nung unang punta ko sa tree house nila. Talagang tingin ko palang sa muka niya mahal na mahal niya talaga ako. Yung tipong di ako sasaktan?


Medyo hilo pa din ako.


*Krrrok krrrok*


Ayyy! Kumukulo na tiyan ko hahaha! Nagugutom na ako.


Hinalikan ko sa....Noo si Ark. Oh kala nyo sa labi no? Haha. Pinatay ko yung aircon kasi sobrang lamig na. Tapos umalis muna akong kwarto para kumuha ng pagkain. Wala si Mama pero nag iwan siya ng note sa reff.

Past or Present? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon