Chapter 47; Letting Go (Part 2)

85 3 1
                                    

(A/N: Play nyo yung video. :)) Para mas mafeel nyo hahaha. Enjoy reading!)


Ark's POV


Oo aaminin ko nalungkot ako nung malaman kong si Clyde pa din pala.


Akala ko lahat ng paghihirap ko noon nagbunga na. Panandalian lang pala akala ko pang habang buhay na.


Pero kahit ganon, masaya pa din ako kasi nasa tabi ko si Keyla. Ayokong mawala siya sakin... Ayokong ayoko. Pero mukang imposible na, kahit ganon gagawa ako ng paraan para maging posible.


Pano nalang kaya kung hindi ako naaksidente? Siguro hindi na magpaparamdam pa sakin ulit si Keyla.


Pano ako naaksidente?


Flashback.

Tapos na, tapos na kami ni Keyla. Iniwan ko na siya sa cafeteria. Ano pa bang kailangan kong gawin don diba? Eh wala na nga kami.


Hindi agad ako umalis. Dun muna ko nagstay sa kotse. Mejo kita ko pa dito si Keyla. Nakatulala lang siya habang tinitignan ko siya mula dito sa loob ng sasakyan ko. Binuksan ko yung radyo ng sasakyan ko.... At sakto...


Natamaan naman ako sa lyrics.


Well you only need the light when it's burning low.


Only hates the road when you're missing home...


Only know you love her when you let her go...


And you let her go..


Yan yung lyrics nung kanta. Halos bahain na ng luha dito sa sasakyan ko.


Oo lalaki ako, pero may puso din ako. Nasasaktan din ako no.


Binalik ko ang tingin ko kay Keyla. At...


Ouch.


Bat kasama niya si Clyde? Sumikip yung dibdib ko. Kakabreak lang namin tapos ganto agad? Pagkakaalam ko di naman ganun si Keyla.


Nainis lang ako kaya umalis na ko dun. Sa sobrang galit ko halos mapisa na yung manibela sa hawak ko dun.


Sobrang tulin ng takbo ko. Parang walang bukas.


Hinayaan ko nalang kahit naka red light yung stop light umandar pa din ako. Mas matulin pa sa ambulansya... Hinayaan ko nalang kung saan ako mapapadpad. Pagkaharurot ko ng takbo may truck akong nakita na liliko papunta sa dinidiretsuhan ko...


*BOOM*


Umikot yung sasakyan ko patiwarek. May mga dugo nang tumagas sa muka ko pero hindi ko na yon pinansin. Nawalan ako ng malay. Hanggat sa pag gising ko nasa ospital na ko.

Past or Present? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon