Chapter 1: The first meet.

262 45 35
                                    

CYPRESS P.O.V

SABI NUNG TEACHER NAMIN SAGLIT LANG raw siya sa office dahil pinatawag siya. Eh Limang minuto na siyang wala sa klase kaya dapat na siyang mag turo pagbalik. Emz lang.

Hi, I'm Cypress Noelle Vila. 18 years old, Senior High School Student under HUMSS, and class president of Elijah.

"Pres, Asan na si Sir?" Nakahalukipkip kong nilingon ang kaklase ko sa likod.

"Malay ko kung saan pumunta si Sir. Miss mo na ba?" Nginisian ko siya at minura niya lang ako. Walang hiya e 'no?

Lahat kami ay napatingin at napatigil sa pagdadaldal nang bumukas ang pintuan at pumasok si Sir na may kasamang magandang babaeng estudyante. Olala~

Napanguso nalang ako habang tinitignan ko mula ulo hanggang paa ang kasama ni Sir. For sure mayaman 'to dahil halata sa mukha at kung paano nito dalhin ang sarili niya. Maganda, Maputi, at makinis si ateng.

"Okay, class, this is your new classmate. So be nice to her." Tinignan ni Sir yung bagong salta naming classmate. "Introduce yourself 'nak."

Parang nag dadalawang isip pa siya mag introduce kasi ibubuka at isasara naman niya yung bunganga niya.

"Hi, I'm Mhadie Sunshine Marfil. 18 years old, I hope we get along and be friends." Sa sahig siya nakatingin at pinaglalaruan ang kaniyang hinliliit. Here comes the sunshine! Eme!

Dahil nasa likuran ko lang ang mga kaklase kong lalaki rinig na rinig ko kung paano nila pag usapan si Mhadie ang new classmate namin. Nang lingunin ko sila ay bigla naman silang nagsi tahimik at tumungo.

"President..." Napa balikwas naman ako ng tayo ng tawagin ako ni Sir.

"Bakit po?"

"Since absent yung katabi mo, diyan mo nalang paupuin si Ms.Marfil," At sa tabi ko siya uupo nagsimula na akong mag linis ng desk ko dahil ang kalat at tinanggal ko ang iba ko pang gamit sa tabi kong upuan. "Please, take your seat Marfil."

Mula sa gilid ng aking mga mata nakita kong umupo na siya sa tabi ko. Busy ako mag chat sa secretary kong nawalan ng upuan dahil absent ka humanap ka nalang ng upuan mo bukas.

Kinuha ko ang copy ng masterlist na para saakin at nilagay ko ang pangalan ng aming bagong classmate. We're on the second quarter of first sem, so late siya ng isang quater lang.

"Ms.Marfil?" Pag kuha ko sa atensyon niya. Agad naman itong tumingin sa'kin. "Do you have your documents with you?" And peace be with you. Tumango siya at dali-daling kinuha ang envelope niya sa bag.

"H-here." Mahina niyang sabi sabay abot sa'kin ng envelope. Napakurap ako ng aking mata ng makita kung saan siya galing school bago dito.

"Putangina." Mura ko sa sarili ko.

"Sorry? Is there a problem?" Mahinang tanong niya sa'kin. Agad naman akong umiling at nanghingi ng tawad sa pag mumura ko.

Hindi na nakapag lesson si Sir about Practical research, Buti naman at mababaliw ako kakahanap ng theory namin. letche.

"Cy, Ms.Marfil will be on your group." Anunsyo ni Sir na ikina gulat ko.

"Luh! E, Sir sobra na po kami sa group." Sabi ko sabay kamot sa batok.

"That's okay." Iniabot ko naman sakaniya ang documents ni Mhadie. "Ms.Marfil, feel free to roam around here in our classroom especially in campus. If you're hesitate to walk outside or roam just talk to our President-Ms.Vila to escort you." Then Sir left the room.

Can't Help Falling in Love (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon