CYPRESS'S P.O.V
"BRING ME . . . BAGONG ISANG LIBO!" Kinalkal ko ang bag na dala ni Mhadie at nag hanap ng bagong isang libo. Nang makakita ako dali-dali akong pumunta sa harap at pinakita kay Sir ang hawak kong pina-bring me niya.
Syempre nanalo ako—ay, may kakumpitensya nga pala ako... at ayun ay ang magaling kong pinsan! Pero okay lang at least may prize akong 100 pesos. Hehe.
"Lovey! May pang bayad na tayo sa kuryente!" Sabi ko habang nagtatatalon sa tuwa. Napa iling nalang si Mhadie.
Umupo ako sa tabi niya at inihilig ang ulo ko sa balikat niya. Ilang linggo ko ng napapansin si Mhadie na medyo hindi siya nagsasalita at 'di rin nagpapalambing sa'kin. Umayos ako ng upo at tinitigan siya. Nakangiti ito pero hindi abot sa mga mata niya, she's like this lately.
Natatakot nga ako kasi parang nawawalan na siya ng gana sa'kin. Parang nawawalan na siya ng gana sa'kin. . . Hindi! Ano lang siya, may dalaw lang 'yan siya kaya ganiyan.
Last time sinubukan ko rin siyang kausapin kung bakit parang minsan ay tulala siya at gabi-gabi siyang umiiyak. Pero wala akong nakuhang sagot. Iniisip ko rin kung may nagawa ba akong mali eh kaso wala naman. 'Di rin naman kami nag aaway.
One time nga pag-uwi ko galing work nadatnan ko siyang umiiyak habang nag wawala sa kwarto at may hawak na gunting. May gusto siyang sabihin sa'kin noon kaso parang may pumipigil sakanya. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Mhadie...
"What?" Tanong niya. Kita ko sa mga mata niya ang pagod, takot, at stress. Napapaisip nanaman tuloy ako...
Umiling ako at nginitian siya. "Wala," Hinawakan ko ang kamay niya at minasahe iyon. "Sunshine, Alam kong may problema ka–nararamdaman ko 'yon. Sa isa't kalahating buwan nating pagsasama sa iisang bubong alam ko na ang bawat kilos mo... lagi kong sinasabi sa'yo diba na kapag may problema ang isa mag sabi agad sa isa at sabay nating lulutasin nang mag kasama..." Nakatingin ito sa'kin. Nangingilid ang luha niya na gustong kumawala sa mga mata niya. "Kung ano man 'yan, tell me... I won't judge you. Okay?" Tumango siya and this time umiyak na siya. Buti nalang nasa likuran kami kaya hindi nila kita na umiiyak si Mhadie. Mag saya muna kayo pips. "I love you."
"I love you too."
"This time Forget your problems muna and let's have fun dahil ito na ang huling araw na makikita natin ang mga nakaka-bwiset nating classmates." Mahina siyang tumawa. Masuyo ko siyang hinila papunta sa pila ng maglalaro ng pass the message.
Nakakainis nga kasi pinaghiwalay kaming dalawa tapos mag kalaban pa kami! Kainis!"Okay. Ang mechanics ng game na ito ay kung sino ang nasa harap siya ang mag a-act kung ano man ang word na nasa papel na ipapakita ko, and then yung susunod na player ay gagayahin niya ito at syempre ipapasa niya ang in-act nung unang player at ipapasa sa next player hanggang sa last player. Ang unang makahula ng word ay tatakbo sa harap at i-a-act ito at sasabihin ang tamang sagot. Okay? So. First word is!" Dahil ako ang nasa harap sa'kin pinakita ang word na nasa papel.
Gun
Shet ang dali! "Go!"
Humarap agad ako sa pinsan ko at nagsimulang mag act.
"Ano 'yan? Peace? No? Two finger—what the fuck! Uhm... ano 'yan? Shit! Nara-rattle ako!" Tumalon-talon ito habang shini-shake ang mga kamay. Maski ako kinakabahan dahil sa paligid naming nagsisigawan at panay cheer.
"Gaga! Alam mo 'to! Meron ka nito!" Pasigaw kong bulong. Napatingin ako kalaban namin, pangatlong player na ang nanghuhula—tapos kami unahan palang?! "Matatalo na tayo, bobo!"

BINABASA MO ANG
Can't Help Falling in Love (ONGOING)
RomanceWhen a transfer student falls in love with a straight student. She knew from the start that the girl she liked would not be hers. Will the straight girl fall in love with her? or mag papapansin siya para makuha ang atensyon nito? or do they stick t...