Chapter 32: Search and Destroy

32 6 1
                                    

CYPRESS'S P.O.V


"THANK YOU PO." Nakangiting pasasalamat ko sa customer. My smile dropped nang hindi ko na ito kaharap. Nakakapagod ngumiti kahit pa peke iyon.


Tumunog naman ang bell na nakasabit sa pinto. Napatingin ako, pumasok si Kyielle kasama ang mga bata. Malapad ang ngiti ng mga bata nang nakita nila ako.


"Ayun!" Tinuro ako ni Ryx at kinalabit nito si Kyielle na buhat-buhat si Xyn.


Lumabas ako ng counter, nilapitan ko ang mga bata at niyakap. "Hi! Ginala kayo ni Tita?" Tita ang tawag nila kay Kyielle.


"Opo!" Si Wyx ang sumagot at niyakap ako. "Miss you po." Nag pout ito. I rubbed his head, pinaupo ko sila sa mahabang sofa.


"Oh," Inabot sa'kin ni Kyielle ang Brown envelope. Binuksan ko ito, naglalaman ito ng mga litrato ni Anthony. "Nakita nila si Gago sa isang motel around Manila kaninang ala sais ng umaga," Imporma nito.


Nga pala, kinausap ko ang hapon na foster parents ni Kyielle kagabi habang nag iinuman kami at nanghiram ng ilang tauhan niya para ipahanap ko si Anthony.


Flashback . . .


Pabagsak akong naupo sa sofa. "Gago, first time mangyari 'to sa'kin," Sabi ko habang nakatingin sa kawalan. Nagsisimula nanamang mag unahang mahulog ang mga luha ko. Nang makaupo sa tabi ko si Kyielle nagsimula na akong mag kwento.


"Fuck that shit! Ang babaw naman ng rason!" Sabi nito sabay lagok ng iniinom na alak. "Di, insan, ikaw nga nag take ng risk na sabibin kina tita about sainyo, pero siya? Parang gago lang." Umiling-iling ito.


"Kung sinabi niya lang ng maaga mapapatawad ko pa siya... kaso hindi eh... talagang pinakita pa talaga sa'kin." Nilagok ko ang matapang na alak. Ang sarap sa feeling nung mainit na gumuguhit sa lalamunan ko. "Alam mo, may gusto akong gawin sa gagong 'yon,"


"Who?"


"Anthony," Humigpit ang hawak ko sa baso. "Alam kong foster parents mo ay mafia ng Japan, kaya nakiki-usap ako sa tauhan ng tatay mong hapon na pabagsakin si gago." She pulled out her phone and called his dad. "Fast," Napailing ako.


Si Kyielle ay may Forster parents na mga hapon. Hindi alam nina tito at tita na may mafia siyang pamilya. Tanging siya at ako lang ang nakakaalam. She even teach me how to break some bones, and speak Japanese kaya medyo marunong ako magsalita.


"Dad," I heard uncle on the other line. "Saipuresu wa anata to hanashitaidesu. Mm. Hai." (Cypress want's to talk to you.) Kyielle passed me her phone.


"Oji," (Uncle) "Anata no buka o nan'ninka karite mo īdesu ka?" (Can I borrow a few of your men?)


[No tame ni?] (for?)


"Someone played me and I want to teach him a lesson," I coldly said. "If you lent me, uncle."


[Sure!] Uncle's tone was happy when I said the word 'lesson' mga mafia nga naman. [Tomorrow my men will be there, Mei.] (Niece)


"Arigatōgozaimasu, Oji," (Thank you so much, Uncle.)


Kaninang umaga lang rin sila dumating tapos dumiretso na sa paghahanap kay Anthony. Nakakabilib dahil ambilis nilang kumilos at nahanap agad nila.


"What's your next move?" Tanong nito.


"Kidnap him." Simpleng sagot ko habang hinehele ko si Xyn. Akala mo parang napakadali lang nung pinapagawa ko eh. "Tapos dalhin nila abandonadong building sa QC. Make sure na walang maiiwang bakas kapag ginawa na nilang kidnappin 'yon mamaya 'tsaka pakainin rin nila ng hapunan nang magkaroon siya ng kapag mag-haharap na kami."


Can't Help Falling in Love (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon