CYPRESS P.O.V
ITS BEEN FOUR DAYS since nakita ko ang unang ngiti ni Mhadz and... I still can't believe it. The smile, chitchats, and also her laugh.
After namin mag parted ways at umuwi sa kanya-kaniyang bahay nagulat ako nung tumawag siya sa'kin pagka rating ko ng bahay. Almsot mga 3 to 4 hours nga yung call namin e, at doon ko siya mas lalong nakilala.
She is an only child, her father is a business man, her mom died pagka panganak sakaniya, She had a step sister sa labas pero hindi niya pa ito nakikita dahil hindi naman raw ito pinakilala sakaniya ng Daddy niya, Only her Yaya taking care of her.
Pinakita niya rin saakin kahapon sa video chat kung gaano kalaki ang bahay nila at puro maids lang kasama niya doon. At kahapon ko na-realize kung bakit ganoon nalang ang pag pilit niya sa'kin na sabayan siyang kumain. Her dad always come home late at maaga rin daw itong naalis sa bahay—bahay nga ba ang maitatawag ko doon? Her loaded her bunch of money in her bank account kapag siya ay may kailangan o wala. Sabi nga niya sa'kin kahapon, kahit gaano kalaking pera ang ibigay sakaniya ng daddy niya mas gusto niya parin ang atensyon at yakap ng isang ama.
Simula pagkabata niya ay trabaho lang ang inatupag no'n at tanging lola niya daw ang nag alaga sakaniya, nang mamatay raw ang lola nung elementary siya ang yaya na niya raw ang nag alaga sakniya hanggang sa nag dalaga na siya. Hindi ko rin siya masisisi kung bakit gano'n nalang ang attitude niya at malamig.
"Nakatulala at pinag mamasdan siya sa malayo~" Kanta ni John. Binato ko siya ng notebook at tumawa lang ito. "Kanina pa kita kinakausap pero tulala kalang.
"Tanga," Sinuklay ko ang mahaba at wavy kong buhok. "May iniisip kasi ako." Bumuntong hininga ako.
"Ay nako!" Humawakpa ito sa bibig na parang may nakitang nakakagulat. "Kapag raw may iniisip mamatay agad."
Binato ko sakaniya ang isa ko pang notebook at tumama iyon sa noo niya. Tatawa-tawa lang ang loko. "Gago! Ga-graduate pa ako. Tarantadong 'to."
Onti-onti ng nagsisidatingan ang mga classmate ko pati narin ang first subject namin na agad-agad namang nag turo. Nakakaantok. Nyeta. Masaya ang Philosophy subject pero minsan kasi nakakaantok.
Napapapikit na ako ng biglang mag salita si sir dahil magtatawag raw siya para mag explain. Kaya napaayos ako ng upo at nawala ang bwiset na antok ko.
"Can someone read and explain the Ethics...?" Nag simula na siyang mag hanap ng tatawagi niya para ma basa. Nagsimula na akong kabahan at ramdam ko ang pawis ko sa noo at likod ko na nag sa-slide sila pababa. "You,"
Para akong nalagutan ng hininga ng turuin ako ni Sir. Tumingin pa ako sa kaliwa't kanan ko kung ako ba talaga.
"A-ako po?" Kinakabahang tanong ko.
Umiling si Sir. "No. Yung katabi mo." Hindi ko alam kung sinong katabi ko dahil dalawa sila. "The new face." Napatingin ako sa kanan ko, Mhadz. So, si Mhadz ang tinutukoy nito dahil sa new face. Eh, siya lang naman bago rito.
"Read and explain."
"Ethics - Is generally a study of the nature of moral judgements. Philosophical ethics attemps to provide an account of our fundamental ethics ideas," Putangina, ang ganda ng boses niya habang nag babasa. Puwedeng-p'wede siya maging news anchor. "For short explanation, The discipline concerned on what is morally goood and bad morally. Other short explanation recommending concepts of right and wrong behavior." After that umupo na siya. Nagsi palapak-pakan naman ang mga classmates namin 'di ko alam kung trip lang nila o ano e.
"Thank you. What is your surname, ija?"
"Marfil po, Sir." Tumango lang si sir and nag simula na ulit mag turo. Bago lang sa pandinig ko 'yang Ethics na 'yan. Ibang Ethics kasi ang alam ko. Hihi!
"Can somebody give the definition OR in your OWN definition/Undersatnding about Aesthetics?" Nag taas agad ako ng kamay ko dahil alam na alam ko 'yan kasi isa akng Aesthetic na tao. "Yes, Miss Vila."
"Uhm... The science of the Beutiful in its various manifestation po." Dahan-dahan akong umupo at kinakabahan kung tama ba o mali ang sagot ko. Terror pa naman 'tong si Sir, gusto lahat perfect ang mga sagot e.
"Very good!" Wow! First time kong marinig na nag very good si sir at saakin pa talaga. Well...
Habang patuloy na nag lelesson si Sir, may napansin akong kakaiba kay Mhadz na 'di tulad nung mga nag daang araw na parang ang aloof and matamlay ang mukha niya kung titignan mo. Ngayon ay maaliwalas, makikita mo na may nangyaring maganda sa buhay niya dahil ang blooming at nakangiti ang mata nito at gumaan rin ang loob ko sakaniya.
"Class, dismissed."
"Thank you po."
"Thank you for teaching us today."
"Hay! salamat at makaka tulog narin ako."
Napa iling nalang ako sa mga pinagsasabi ng mga kaklase ko. Lumabas mun ako ng room dahil inaantok at nag lakad-lakad sa corridor.Hanggang sa nakarating ako sa canteen, hehe. Hoy! Hindi sadya ito ha? Sadyang dinala lang ako ng paa ko sa canteen.
"Ate baby, isa nga pong Choc-O."
"Ako rin po." Napatingin ako sa may ari ng boses na iyon. Mhadz. "Why?"
Umiling ako. "Wala lang... 'di ko alam na bumaba karin pala." Hindi muna kami bumalik sa room, sa steps kami ng hagdan nainom ng Choc-O habang tahimik na sumisipsip sa straw nito.
Kanina ko pa gustong mag tanong sakaniya pero baka mag iba kasi ang mood nito at baka ma offend siya. Dahil hindi ko na mapigilang hindi makapag tanong edi nag tanong na ako sakaniya.
"Parang may nag bago sayo... Pansi ko lang." Agad naman itong tumingin sa'kin. "Like, ang aliwalas ng mukha mo na bago sa paningin ko. Kasi... this past few days parang ang bigat ng expression mo."
"Something new happened to me," Sabi niya habang naka ngiti. "Don't ask kung ano 'yon."
Tumango nalang ako. Hindi nalang ako nagsalita ulit baka mag iba at bumalik sa dati ang mood niya, mas okay ng ganito dahil nakikita ko siyang masaya ngayon. Sana magtuloy-tuloy ang masayang Mhadie na nakikita ko ngayon.
SA WAKAS AT MAKAKAUWI NARIN. Hep! Hep! Hep! Cleaners pala ang lola niyo, shutanginang yan.
"Officers, mag linis na tayo... and Mhadie." Lahat sila ay nagsi alisan na at kaming mga cleaners nalang ang natira. Kukunin ko sana ang isang walis tambo nang maunahan ako ni Mhadie. Kaya ang ginawa ko ay nag usog nalang ako ng lamesa at pinag patong-patong ang mga upuan.
"Ikaw na bahala dito Laurence, ha? Uuwi na kami, paki tapon nalang yung basura. Salamat." Utos ko at umalis na.
Hindi ko nakita si Mhadie dahil pag tapos niyang mag walis ay nauna na itong umuwi at parang nag mamadali pa nga e.
"Dito na ako, Cy. Bye!" Paalam ni Rabiya, kasabay ko siyang bumaba.
I wave my hand. "Bye, Ingat!" Pinindot ko na ang maliit na parang remote ng kotse ko at nag unlock naman ang pinto.
Malapit lang naman ang bahay ko pero ginagamit ko parin ang kotse ko. Onting kaalaman lang sa buhay ko kung bakit may kotse ako at this age. So, ang lolo ay pamana niya ito sa'kin bago siya mategi. Bali dalawa ang kotse ng lolo ko itong saakin ay hyundai accent color gray and yung isa naman ay Inova color red na pinama naman sa 12 years old kong kapatid. Oh diba? 12 palang may kotse na. Kaya naman kasi binigay sa'kin ng lolo ko 'to e marunong raw ako mag drive. Gusto mong ma-try ang pag da-drive ko? Tara, sakay ka sa'kin—I mean sa front seat.
Nang makauwi ako nilapag ko kung saan ang gamit ko at hinubad ang uniform at sapatos ko, Binuksan ko narin ang aircon sa sala dahil hindi ko kaya ang init ng panahon ngayon. Its just me or the weather is hot?
Pabagsak akong humiga sa sofa dahil hindi ko narin kaya ang antok at pagod na nararamdaman ko ngayon. Yung mga plinano kong gagawin ngayon e, ipag-papabukas ko nalang dahil hindi ko kaya at Sabado naman bukas kaya keri lang. sayonara!
![](https://img.wattpad.com/cover/316917134-288-k62371.jpg)
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling in Love (ONGOING)
RomanceWhen a transfer student falls in love with a straight student. She knew from the start that the girl she liked would not be hers. Will the straight girl fall in love with her? or mag papapansin siya para makuha ang atensyon nito? or do they stick t...