Chapter 34: Search and Destroy pt. 2

16 6 3
                                    

CYPRESS'S P.O.V


NAGISING AKO sa ingay ng mga bata na nasa labas. Ayoko pa sanang bumangon pero hindi na ako makatulog. Inunat ko ang braso at binti ko, Pikit matang inayos ko ang kama. Pagkatapos ko ito ayusin lumabas na ako ng kwarto.


"Good morning, mama!" Nakangiting bati ni Ryx sa'kin.


"Morning," Hinalikan ko ang noo nito pati narin sila Nyx na kumakain ng agahan. "Nakatulog ba kayo ng maayos?" Tanong ko. Sabay naman silang sumagot ni Nyx.


"Opo!"


"Ako paginipan ko po hahabol ako aso," Kwento ni Nyx at inacting pa nito kung paano raw siya hinabol ng aso sa panaginip niya. "Ganun! Scared ako!"


Nagulat ako sa huling sinabi nito. 'Di dahil sa natakot siya kundi sa word na binanggit niya na 'Scared'. "Alam mo na yung scared? Sino nag turo sa'yo?"


Tumango ito. "Opo!" Proud na sabi nito. Tinuro naman nito si Mhadie na busy sa kusina. "Mimi tuwo ako."


Kanina ko pa tinitignan si Mhadie sa kusina 'di ko alam kung anong ginagawa nito at ang pinag tataka ko ay kung sino nag luto ng umagahan ng mga bata? Eh 'di naman marunong mag luto si Mhadie maski prito, takot na takot siyang matalsikan ng mantika.


Pinuntahan ko ito para tingnan kung anong ginagawa niya. Nagulat ako nang nag pi-prito ng hotdog.


"Kelan kapa natuto mag luto?" Hindi makapaniwalang tanong ko.


Humarap ito nang naka ngisi. "Nag practice ako. Tuwing pumapasok ka sa work nag pa-practice ako mag prito," Pinatay nito ang kalan. "Fry-Fry lang." sabi nito sa maarteng pananalita.


Humagalpak ako sa tawa sa sinabi niyang 'Fry-Fry lang'.


Habang kumakain kami ng agahan nagku-kwento naman ang mga bata sa'kin ng nangyari sa araw nila kahapon.


"Tinuruan po ako ni Mimi mag sulat at mag basa pati narin po mag English!" Masayang sabi ni Ryx. He even showed me his paper na puno ng pangalan niya. "Eto po oh!"


I smiled and ruffled his hair. "Good job, Kuya Ryx." Kinalabit ako ni Mhadie. "What?"


"Fast learner 'yang mga anak natin," Mhadie said in a proud tone. "Diba kahapon nag read and write kami? Natuto agad sila! Ryx already know how to read and write even the multiplication number! Nyx knows how to read kahit na bubulol-bulol siyang mag salita. At the age of 8 and 5?! Hindi lang sila fast learner love. Gosh! Nahiya ako dahil 12 years old pa ako no'n eh 'di ko pa alam ang multiplication!"


Lihim akong napangiti sa sinabi nitong mga anak natin.


Nag usap kami ni Mhadie tungkol sa pagpapaaral namin sa mga bata, kung paano namin sila iga-guide as there parents, uy parents?! Kung paano namin sila papalakihin ng tama, at kung paano namin sila didisiplinahin. Typical na usapan ng mga mag asawa na may anak. Mag asawa?!


Since nasa phase na kami ng may pamilya may pamilya?! at kami na rin ang kinikilalang magulang ng mga bata magulang?! tapos kami ni Mhadie naging instant mommies na mommies?! Hindi naman kami nahihirapan, naninibago lang kami sa kung ano na kami ngayon... imagine 18 years old na working student slash mommies pa!


Natutuwa pa nga kami dahil at the age of 18 mas naiintindihan pa namin lalo ang hirap ng mga magulang na may maraming anak. 18?!


"Anong oras na ah? Hindi ka ba papasok?" Tanong ni Mhadie habang nag huhugas ng pinggan.


Can't Help Falling in Love (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon