Chapter 7: Selos

69 39 1
                                    

CYPRESS's P.O.V

"ARE YOU... JEALOUS?"


PUCHA! Anong selos pinagsasabi no'n? Sinong nag seselos?! Ako?! Wala sa bokabularyo ko niyan. Selos, Selos amp. Nakahanal lang ng lalaki nag-selos na agad, hmp! Sabi na e... hindi siya totoo sa'kin at sa nararamdaman niya. Tangin infantuation lang ang nararamdaman niya para sa'kin.



"Tangina mo, Kyielle! Ayusin mo Spike mo!" Sigaw ni Mira. Buong araw kami nagpa-practice para sa Strand week. Ang malas ko nga dahil kaming mga President ang nakuha para sa volleyball.



"Tangina mo rin! Paano ko maaayos spike ko kung ang pangit mo mag-set?!" Minura rin ni Kyielle kay Mira. Actually hindi talaga player si Mira, malas niya lang talaga kasi president siya at nasali pa siy rito. Pero ako kasi may experience naman ako sa pag-lalaro kaya keri lang. Sumabat na ako dahil baka mag-away na yung dalawa at magkagulo pa.



"Hoy! Hoy! Hoy! Tama na kayong dalawa..." Pinalipat ko ng puwesto si Mira at ako na ang magse-set para kay Kyielle. Si kyielle kasi varsity siya ng school namin kaya gano'n nalang magalit kay Mira. Alam niyo naman pag may beterano. "Game! Ako na magse-set sa'yo, Kei!" Nag thumbs-up siya at nagsimula na kaming mag practice.



Habang nag pa-practice kami hindi ko maiwasang maisip yung nakita ko kahapon—oh diba panibagong araw nanaman? No joke pero nainis talaga ako sa nakita ko. Kahapon, bago sila mag-uwian tsinek ko muna sila kung maayos ba ang room at walang kalat bago sila lumabas. Pero ang kalat na nakita ko ay yung Lalaki. What's his name again? Ohh... Anthony. Pangalan palang mang-aagaw na. Charot!



Na missed ko tuloy yung bola kaya naka-i-score ang mga ulupong na kalaban naming ibang Strand. By the way, this is just a practice match. Pero sa mismong laro hindi namin alam kung anong strand talaga ang makakalaban namin.



Nagsisigawan sila ng 'mine' para mapunta or maibigay sakanila yung bola. Kala ko nga may mina-mine silang damit, kidding. No joke talaga 'di ko maalis sa isipan ko yung sinabi ni Mhadie kahapon. Oo, hindi kami nag papansinan at nag uusap but it doesn't mean na wala na akong pake sakaniya. Totoo naman yung sinabi ko sakaniya kahapon diba? Na what if may pakay sakaniya yung lalaki? What if may masamang gawin sakaniya 'yon? Hindi naman kasi porket mabait at magaan kausap e close na kayo, meron nga diyan na mabait nga pero nakakagawa parin ng hindi maganda.



"Cy!" Bumalik lang ang sense ko nang may tumawag sa'kin. Pag lingon ko ay tumama sa mukha ko ang bola at napahiga ako sa sahig dahil sa lakas ng impact nito. Nahilo ako sa gawa no'n at napalingon ako kaliwa ko, nakita ko si Mhadie na tumatawa kasama ang Anthony atsaka ako nawalan na ako ng malay. Tangina naman!



Nagising nalang ako bigla at napabalikwas ako ng upo. Nasa clinic pala ako. Nakita ko si Kyielle na tumatawa mag-isa habang may ka-chat ito sa phone, inabot ko ang extrang unan at binato ito sakaniya.



"Gising kana!" Sa gulat niya ay napatayo siya sa kinauupuan niya. Lumapit ito sa'kin at hindi alam kung anong gagawin.



"Ano? 'Di mo alam gagawin mo 'no?" Sabi ko sakaniya at tumango ito. Napahawak ako sa ilong ko at napaigik. Simpleng himas lang pero ang sa'kit! Tulad nung nakita ko bago ako mawalan ng malay. "Sakit naman!"



"Tanga ka pala eh! Sinong hindi masasaktan sa lakas ng impact ng bola at tamaan ka sa mukha? Nawalan kapa nga ng malay!" Inabutan niya ako ng salamin. Tiningnan ko ang mukha ko, namumula ang noo ko at merong scratches, may tape na parang benda sa buto ng ilong ko. Sana hindi nabali! Huhu!  "Ang sabi ng doctor hindi naman raw nabali yung buto ng ilong mo pero need parin lagyan niyan since malakas ang impact ng bola at pagkatama sa mukha mo. Binigyan ka ng gamot para sa pain reliever dahil masakit raw talaga 'yan." Inabutan niya ako ng gamot at ininom agad ito.



Can't Help Falling in Love (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon