Chapter 15: Too early but... Finally!

67 26 2
                                    

MHADIE'S P.O.V


HUMSS-ELIJAH 2021-2022

President: Good morning @everyone! Kahit mga 1:30 pm na kayo pumasok. The CSC conducted a school fair for those students who have small businesses/owners. I'm encouraging @everyone to attend the so-called 'school fair' and support our local/small business owners! Thank you!


President: Other officers ay nasa school na helping our small business owners to create their stall, help natin sina @Kyla Abarientos @Mickay Dauplo sa kanilang business. Pasok nalang ng maaga yung mga gustong maglibot at bumili sa school fair—maraming freebies! dito narin ako sa school:>>


I laughed so hard sa huling chat ni Cypress sa gc. "Really? Nasa school kana? eh bakit nakahilata kapa riyan?"


She stretches her arms and legs. "Hmm... Sarap talaga mag unat. I bought breakfast, tulog kapa kasi kanina pagdating ko." Ang kwento ni nanay mina kanina pa raw mga 6:30 ng umaga dumating si Cypress.


"Sunshine, ako'y aalis muna at tinawagan ako ng daddy mo kanina pinapabalik ako bahay. Maiwan ko muna kayo rito ni Say-Pris ha?" Pinagbilinan ni nanay si Cypress bago umalis.  "Say-Pris, ikaw na muna ang bahala sa alaga natin ha? Aalis na ako at mag-iingat kayo sa pagpasok, gabayan kayo ng diyos."


"Kayo rin po," Nagmano kami bago tulungang umalis si Nanay. "Bakit kaya Say-Pris tawag sa'kin ni Nanay?" Nagtatakang tumingin ito sa'kin. "Lahat sila ganiyan yung tawag sa'kin—maski ikaw na Si-pres ang tawag sa'kin."


"Ano ba dapat?"


"Say-Pur, Say-Pur... Ayan ang tamang pronunciation ng pangalan ko," Ahh... Saypur pala, I thought it was Si-Pres at first. Hehe. "Anyway, what do you want to eat?" She said habang fino-fold ang blanket na ginawa niya kanina.


Humiga ulit ako sa sofa and I don't feel like attending school today, napagod ako sa pageant kahapon.


"I don't feel like going to school today..." I said. Napatingin ako sa labas ng sliding door kung saan ang veranda at ang magandang view na kita ang mga naglalakihang buildings and of course my favorite, clouds.


"Then don't. Atsaka school fair lang naman 'yon—pero gusto ko parin pumunta,"


"Edi pumunta ka. Dito nalang ako sa condo ko magpapahinga, what time ka papasok?" Sa set up namin ngayon para kaming mag lived-in partner na nagtatanungan kung what time siya papasok? kung anong gagawin ko sa araw na 'to, something like that.


"Don't know..." Nagkibit-balikat ito. "Bigla nga rin akong tinamad eh," She chuckled. "Kung papasok naman ako, pa'no ka? Wala kang kasama rito," My heart beat faster on what she said. So this is what it feels like nang may mga ka-lived-in? Masyado naman akong ilusyonada.


"No, I'm fine, pumasok kana maybe they need you, Ms. President." Dumapa ako ng higa.


"Nah, they'll be fine without me. Besides nandoon naman ang ibang officers. So let's sleep," Tumabi ito sa'kin at yumakap. Napakunot naman ako ng noo dahil sa inakto niya. Baka inaantok lang siya? Pagod from yesterday's event?


"Kanina tumabi ng tulog sa'yo si Say-Pris, gulat nga ako 'nak kasi pagsilip ko hinahalik-halikan ka sa ulo tas' ayon natulog na."


Bigla kong naalala yung sinabi sa'kin ni nanay mina nang magising ako kanina. Nakangiti pa ngang magkwento kanina si Nanay at mukhang kinikilig pa! I don't know why kung bakit ginawa niya sa'kin 'yon. Malalaman ko naman 'yan sa galaw at kinikilos niya.


Can't Help Falling in Love (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon