CYPRESS P. O. V
"WHAT HAPPENED TO YOUR FACE?!" Gulat na tanong ni Mhadie. Hinawakan niya ang pisngi kong namamaga gawa nung sampal ni Mami kagabi. Napaigik ako sa sakit. "Sorry! Sorry!"
"It's okay." Bumalik na ulit ako sa pag luluto ng umagahan naming dalawa. "Tulog na tayo no'n, tapos gumulong ako edi nahulog ako sa higaan! Hahahaha! Kaya ayon... tumama yung pisngi ko sa sahig, edi naging ganito!" I lied. Napaniwala ko naman siya. Nang matapos ako mag luto, nag simula na kaming kumain. Our breakfast is Ticino, Fried rice, Eggs, and hotdogs.
"Love, Pupunta pala dito later yung driver namin para kunin yung grocery yesterday."
I nodded. "Okay, Sabay ka narin sakaniya papasok," sabi ko. Kumunot ang noo niya.
"Why?"
"I'm not feeling well, So a-absent muna ako for today." Pag dadahilan ko. Kaya ako um-absent para mag hanap ng part time job para may pagkukunan ako ng pera pang bayad sa kuryente at pang gastos. Pag wala akong nahanap mamaya a-absent ulit ako bukas. "Pag hinanap nila ako sabihin mo nalang na masama pakiramdam ko. I already messaged my cousin and other officers."
"Okay. Just message me agad if something happen na 'di maganda sa'yo, okay?" I nodded. Nagpatuloy na kami sa pag kain.
Nang matapos kami kumain naligo na agad si Mhadie. Tanghali narin kasi kami nagising kaya nag mamadali naring kumilos si Mhadie, habang naliligo siya inaayos ko naman yung babaunin niyang pagkain.
Nag se-search rin ako sa online ng mga job hunting or part time job lang since I'm a student palang. May nakita ako pero sobrang layo naman, Ayoko rin naman ng malayo. May nakita ulit ako—pero sa Facebook habang nag s-scroll ako. 2 days ago pa itong post pero susubukan ko parin.
Hello Job seekers!
Be the next MilkCREWtea. We are looking for Full time/Part time Store Crew Trainees!
– Willing to learn and be trained
– No work experience required
– Trustworthy
– Can start ASAP!If you are interested kindly message your resume/bio data on our 📩 or directly submit it on our store.
#finding_new_ka-Milktea
Hindi na ako nag dalawang isip pa at gumawa agad ako ng bio data ko. Pinakiramdaman ko muna kung patapos nang maligo si Mhadie o hindi 'tsaka ako gumawa ng bio data.
"Shoot! I forgot to buy undies!" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Mhadie. Tapos na siya. Nagmamadaling pinatay ko ang phone ko, pakiramdam ko kasi nasa likod ko lang siya at baka makita ako.
"Meron ako diyan 'di pa gamit bagong bago pa iyon," Tinakbo ko na paakyat sa kwarto ko para kunin sa drawer. Kinuha ko narin ang uniform niya, sa baba ko nalang 'yon pa-plantsahin nasa baba rin kasi yung kabayo at plantsa. Nang makababa ako inabot ko sakanya yung extra sando and undies. "Bago lang 'yan ha, baka kasi sabihin mo eh gamit na 'yan."
Tinaasan niya ako ng isang kilay. "I know. Wala naman akong sinabi." Inirapan ako nito. Nag susungit na naman siya!
"Ewan ko sa'yo! Nag susungit ka na naman!" Nilagay ko na sa loob ng bag niya ang lunchbox na gawa ko pati narin ang tubig at Choc-O. "Nasa loob na yung baon mo 'wag ka naring bibili sa canteen."
"Okay! Omg! I forgot to wash my socks." Tumingin ito saakin. Napa buntong hininga nalang ako at umakyat ulit sa itaas. Kumuha ako ng isang pares na medias—bago rin ito. Pagka baba ko iniabot ko agad sa kaniya. "Thank you!"
![](https://img.wattpad.com/cover/316917134-288-k62371.jpg)
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling in Love (ONGOING)
RomanceWhen a transfer student falls in love with a straight student. She knew from the start that the girl she liked would not be hers. Will the straight girl fall in love with her? or mag papapansin siya para makuha ang atensyon nito? or do they stick t...