CYPRESS'S P.O.V
THE DAY has come! Lahat kami ay excited dahil ngayon kami pupunta sa Tagaytay para sa aming 2 days staycation! Yey!
Ngayong araw ay sobrang busy namin ni Mhadie sa pag aayos ng mga dadalhin naming gamit, lalo na sa mga gamit ng bata talagang double check.
Hati rin kami sa trabaho dito sa bahay at pag aasikaso sa mga bata, siya ang taga ligo at ako naman ay taga bihis.
"Saan po tayo pupunta?" Tanong ni Nyx habang sinusuotan ko siya ng backpack niya. Hindi pa kasi nila alam na sa ibang lugar kami mag ce-celebrate ng pasko.
"Sa Tagaytay po, doon po tayo mag ce-celebrate ng Christmas." Sagot ko. Binuksan ko ang backpack niya at nilagay ko sa loob ang hoodie niya.
Tinuro nito yung Christmas tree namin."Dadalhin rin po ba natin 'yon?"
I chuckled. "Hindi po. Bawal po magdala ng tree do'n eh." Tumango lang ito at naupo sa sofa habang hinihintay kaming matapos.
Ako nalang ang hindi pa nakaka-ligo. Paano eh late na ako nagising kasi tinawagan ko ulit yung tutuluyan namin, eh ang tanga ko ay 'di ko rin naisip na 'di na nga pala sila mag re-reply nang alas doce ng umaga!
Lumabas ng kwarto si Mhadie buhat si Wyx at Xyn. Agad kong kinuha ang stroller nilang dalawa, nilapit ko 'yon kay Mhadie at tinulungan siyang ihiga ang mga bata sa stroller.
"Love, do we need to bring the presents nila?" Bulong nito sa'kin.
Ang balak sana namin ni Mhadie after nalang ng staycation namin 'tsaka namin ibibigay sa mga bata 'yong mga regalo namin, ayaw rin naming ma-miss nila ang special na araw na 'yon at maranasan rin nila. Eh, kaso hanggang 25 doon kami mag ce-celebrate tapos kinabukasan na kami uuwi.
"Hmm, ayun nga rin iniisip ko eh... Siguro tig dalawa nalang sila para 'di tayo mahirapan sa dalahin."
"Okay. Oh! Did you call the receptionist na ba?" She asked.
Tumango ako. "Yes, Already done. Na lipat na nila yung booking natin sa isang room na may 3 bedrooms tapos nag additional pay narin ako, wala na tayong po-problemahin mamaya." Kasama kasi namin si Tita Madison sa Tagaytay pero sa 25 siya mismo makakapunta dahil may work pa raw siyang tinatapos kasi diba? End of the year na at syempre sobrang busy niya dahil marami siyang branch na binibisita. Buti nga eh makakapag relax siya kahit na isang araw lang.
Atsaka buti nga nakapag rebooked ako agad ng room eh. Swertihan lang dahil 'yong nag pa-book sa tutuluyan namin mamaya hindi na tutuloy kaya ayon. Lucky!
Inabutan ako ni Mhadie ng sweat pants and hoodie. "Go, change kana, ako na bahala sa iba, I'll call Mommy narin para ma-sundo na tayo ng driver niya." Tumango ako at dumiretso na ako sa banyo para maligo.
Binilisan ko nalang maligo dahil kinatok ako ni Mhadie na malapit na raw 'yong magsusundo saamin. Hoy! Kahit na ligong pato lang ako ngayon minabuti ko namang malinis ang aking katawan 'no!
"Love! Make bilis naman! Here na si kuya driver oh!" Rinig kong sabi ni Mhadie mula sa labas. Ano ba 'yan! Muntikan pa akong sumubsob dahil sa pag mamadali ko magsuot ng sweat pants.
"Teka lang! 'Di pa nga ako nakakapag bra! Mauna na kayo, jusko!" Nagkakanda buhol-buhol na yung strap ng bra ko dahil sa pang wa-war shock sa'kin ni Mhadie!
Makapag ipon nga ng bonggang-bongga nang makabili ako ng sarili naming kotse at para 'di kami inaantay ng ibang tao! New goal, magka-kotse.
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling in Love (ONGOING)
RomansaWhen a transfer student falls in love with a straight student. She knew from the start that the girl she liked would not be hers. Will the straight girl fall in love with her? or mag papapansin siya para makuha ang atensyon nito? or do they stick t...