CYPRESS P.O.V
(Continuation of part 1)
"AHHHHH!!!!!!" Pinaghahahampas ko ang upuan ng kotse ko dahil sa hiya. Kanina pa ako dito sa loob matapos ko kasing masabi kay Mhadie na 'Bagay kayo' bigla kong na-realize na bakit ko nga ba iyon nasabi? "Putanginaaaaaa!!!!!" Nagme-make face na nga ako sa Rear-view mirror ng kotse ko. Nakabukas naman ang aircon pero pinagpapawisan parin ako.
"Okay... Nagpunta ka rito para manood at mag enjoy," Paki usap ko sa sarili ko. "Ikaw ay mag eenjoy at kakalimutan muna ang problema. PERO!" Tinaas ko ang hintuturo ko at tinapat sa Rear-view mirror kung saan nakikita ko ang mukha ko. "Habang nagsasaya ka ay dapat inaalam mo rin kung ano na ang nararamdaman mo, nakuha mo?" Para akong baliw dito dahil tumatango rin ako sa mga bilin para sa sarili.
Napagdesisyunan kong lumabas na ng kotse. Habang naglalakad ako may mga nakakasalubong akong ibang estudyante, nginingitian ko sila kahit na 'di ko sila kilala. Kasi nga diba ang sabi ko kanina 'nagpunta ka rito para mag-enjoy at mag saya' oh edi ayan! Ang saya!
Wala akong pake kung nagmumukha akong tanga o baliw sa paningin nila. Pag dating ko sa pwesto namin nadatnan kong nag aayos na sila ng kakainin nila.
"Pres, Kain na tayo!" Aya sa'kin ng isa kong ka-klase. Binilang ko muna sila ulit baka kasi may mga tumakas at umuwi, bago ako kumain. Kila Jean ako nakisalo—eh sila naman talaga ang lagi kong kasabay kumain. Si Jean ang nag prepare ng pagkain ko.
"Thank you, mama!" Pinaliit ko ang boses ko na parang boses ng bata. Hinampas ako ni Jean ng sandok ng kanin. Oh... andito rin pala si Mhadie, akala ko kasabay niyang kumain si Anthony. Minsan nahuhuli ko itong tumitingin sa'kin pero isinasa-walang bahala ko nalang dahil ayoko munang isipin ang dapat hindi iniisip. Let me enjoy this day!
Ang ulam pala namin today guys is affordable SIOMAI, CORN BEEF na 'di gawa sa mais, kung ayaw mo ng gulay edi mag ITLOG ka!, ilang araw niyong magiging ulam kundi ADOBO, kahit hindi pasko pero kinakain mo HAM, at ang mainit na aso HOTDOG! So, ayan lang naman ang mga ulam namin guys.
Tahimik at magana kaming kumain kahit na may mga putanginang buraot na nanghihingi. Ayoko mang bigyan pero, sige na nga! Nakakabwiset! Ggrrr!
Nang matapos kaming kumain nag hanap ang lahat ng pang himagas pero ni isa ay walang dala. Pero mukhang may nakarinig dahil may nag abot ng isang garapon na Stick-O.
"Gago, Seryoso?!" Tanong ko ulit. Baka kasi hindi lang siya maka-hindi o nahihiya lang magsabi na kumuha lang ng ilang piraso, kaya tinanong ko ulit. "Are you sure?" Tumango ito nang nakangiti. "Sobrang maraming salamat!" Pagpapasalamat ko. Nilapag ko sa gitna namin yung garapon at isa-isa na silang kumuha.
"Sarap!" Komento ni Mhadie na dalawa-dalawa ang hawak sa magkabilang kamay. Natatawa nalang sakaniya sila Jean dahil panay ang komento nito ng masarap kada kagat ng Stick-O. Napangiti ako nang makita siyang masaya ngayon... 'di tulad nung mga nakalipas na araw na hindi siya umiimik at 'di rin ngumingiti.
NAG SIMULA NA ANG second game na Badminton. Ang unang maglalaro ay GAS and TVL. Ngayon ko lang rin napansin na ngayon lang sumali sa laro ang TVL sa basketball ng men and women ay walang sumali sakanila NI ISA WALA! Hindi lang naman ako nagulat at nag taka pati narin ang ibang tao rito.
This game is a duo kaya kada side is dalawa. Duo nga diba? May duo bang isa lang ang naglalaro?
Tutok na tutok ako sa laro dahil hinuhusgahan ko kung paano maglaro ang players ng TVL, but all I can say is ang galing at ang liksi ng katawan nila atsaka attentive rin kaya nagawa nilang tambakan ang GAS. The score board is 6 for GAS and 18 for TVL. Impressive! Ilang points nalang at pasok na sila sa final round.
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling in Love (ONGOING)
RomanceWhen a transfer student falls in love with a straight student. She knew from the start that the girl she liked would not be hers. Will the straight girl fall in love with her? or mag papapansin siya para makuha ang atensyon nito? or do they stick t...