CYPRESS'S P.O.V
HINDI AKO na-inform na ganito pala ka-sakit ang pag-ibig. Nakakawalang lakas pala 'no? Tapos nakakawalang gana rin magkiki-kilos... Yung gusto mo nalang umiyak ng umiyak.
Kapag naaalala mo naman yung nangyari, parang gusto mo rin mag wala. Yung gusto mo mag basag ng gamit to lessen the pain... kaso wala rin eh.
"Your eyes look like they were stung by a bee. Very swollen." Kyielle said. Oo nga pala, nandito kami sa condo niya and we're staying here muna. Wala pa kasi akong bahay at permanenteng lugar, nag iipon pa ako eh.
Inabutan ako nito ng salamin. Hindi na ako nagulat sa mukha 'kong mukhang pinag-fiestahan ng bubuyog.
"Busy ka ba?" Tanong ko. Umiling siya. "Puwedeng ikaw muna ang mag bantay sakanila? Hindi kasi ako puwedeng umabsent kasi ako na ang bubuhay sakanila."
"Sige lang. Ano nga pala nangyari sakanila?" Tanong nito.
"Long story short, inabandona sila ng nanay nila sa kadahilanang 'di sila kayang buhayin dahil sa sobrang hirap ng buhay. Kaya ayon... napilitan silang iwan sa kalye." Nagulat ito nang e-kwento ko sakanya. "Kaya ayon, kunupkop ko sila."
"Hindi kaba mahihirapan sa pagpapalaki sakanila? You're still a teenager, also a working-student. Insan, paalala lang na apat na bata ang aalagaan at papalakihin mo." There's a warning tone in her voice.
Tinignan ko siya. "Alangan namang pabayaan ko sila sa kalye? Paano kung may mangyaring masama sakanila? Paano kung pag trip-an sila ng mga tarantadong tao habang sila ay natutulog?" Umiwas ito ng tingin sa'kin at mukhang na-guilty ito. Hindi na ito nakipag argumento pa sa halip ay nag prisinta pa na siya na ang bibili ng crib ni Xyn at ipa pang gamit na pang bata.
Kahit wala akong lakas ngayon, pinilit ko parin ang sarili ko na maligo. Nakatingin lang ako sa kawalan habang nagtatanggal ng damit. Pumasok na ako bathroom at puma-ilalim sa shower.
Kasabay ng pag agos ng tubig sa ulo pababa sa mukha ko, kasabay rin no'n ay ang pag bagsak ng mga luha ko. Iniisip parin ang nangyari kahapon.
Hindi ko lubos maisip na magagawa 'yon ni Mhadie sa'kin... Hindi naman ako nag kulang ah? Nasobrahan ba ako? Nasakal ba siya sa'kin? Saan ako banda nagkamali? kasi tangina itatama ko! Itatama ko...
Napaluhod ako sa sahig, umiiyak, habang ang puso ko ay nadudurog. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na 'di mapahagulgol.
Bakit gano'n? Hindi ko parin gets kung bakit nangyari saamin 'to, bakit yung relasyon pa namin ang kailangan masira?
"Insan," Tawag ko kay Kyielle. Lumingon naman ito agad.
"Oh, bakit?" Inabot ito sa'kin ang hiniram kong t-shirt niya.
"Puwede mo ba akong tulungan na hanapin yung gagong 'yon?"
"Sino?" Agad na tanong nito.
"Anthony," I clenched my fist nang maalala ko na naman ang pagmu-mukha niya. "Gusto ko lang gumanti. Gusto ko lang basagin ang pagmu-mukha niya hanggang sa 'di na siya makilala."
Ngusimis ito. "Sure. I'll talk to Chichi later then balitaan nalang kita." (Dad, Father) "Mag training na ba ulit ako?" Tanong nito na may sumusupil na ngiti sa labi.
Napangisi ako nang may maalala ako. "Go. Para solid ang magiging galaw mo." Nagpaalam na ako sakanya na aalis na ako. Chineck ko muna ang mga bata na mahimbing na natutulog at balot na balot ng kumot. Nilalamig sila. Bago palang sa kanila ang Aircon kaya nagkakanda baluktot ang kanilang katawan.
BINABASA MO ANG
Can't Help Falling in Love (ONGOING)
RomanceWhen a transfer student falls in love with a straight student. She knew from the start that the girl she liked would not be hers. Will the straight girl fall in love with her? or mag papapansin siya para makuha ang atensyon nito? or do they stick t...