Chapter 4

36 2 0
                                    

CHAPTER 4

Radio Broadcasting

ELOSIE POV

Lumipas ang dalawang linggo at tuluyan na ngang naging mental hospital itong room namin. Paano ba naman kase,may teacher o wala ay nag-iingay sila.

May teacher kami ngayon si Ma'am Rose at syempre dahil mabait ako at nag-aaral ng mabuti ay tahimik lang akong nakikinig sa kwento ng katabi ko.

HAHAHAH kala niyo kay ma'am nakikinig ako!

"Tingnan mo to, 3 months na pala siyang buntis kaya pala parang tumaba siya..."

"Oo nga buti pumapasok pa siya"

"Dapat kase sa labas ipuputok HAHAHA!"

"Tsaka dapat gumamit nalang sila ng condom HAHHAHA!"

Pasimple kong sinilip yung picture na pinaguusapan nila.

Ah siya pala yun! Nahalata ko din ang pagtaba niya pero ngayon ko lang nalaman na buntis pala siya.
Hay nako kabataan nga naman.

"Ma'am excuse lang." maya maya pagpasok ni Sir Carlo sa room namin.

"Itatanong ko lang kung sino gustong sumali sa Radio Broadcasting" patuloy na pagsasalita ni sir Carlo.

"Sige lang Sir." sagot naman ni Ma'am Rose.

"Mga anak sino gustong sumali sa inyo sa Radio Broadcasting?" pagtatanong ni Sir Carlo habang nakatayo sa bandang likod ko ngayon.
At syempre pag may mga ganyang contest na sasalihan, nagtuturuan ang mga kaklase ko.

"Sir si May daw po."

"Sir si Patricia daw po."

Napalingon ako kay Patricia ng marinig kong sasali siya. Bestfriend ko din si Patricia kaya nagulat ako dahil di naman siya palasali sa mga contest.
Lumapit siya sakin at inaaya akong sumali din.

"Be tara sali tayo!" pangungulit niya.

"Ayoko" tipid namang sagot ko dahil ayoko naman talaga at hindi ako mahilig sumali sa mga ganyan. Kung sakali mang sasali ako ngayon ay eto palang ang unang sasalihan kong contest.

"Sige na minsan lang naman to eh, tsaka experience na din. Sige na.." patuloy paring pangungulit ni Patricia. Saan ba pinaglihi itong babae na to at ganto siya kakakulit....

"Ayan Sir si Eloise isali mo, magaling yan sir magsalita." biglang sabi ni ma'am Rose dahilan para lingunin ko siya.

Paniguradong pinagbasehan ni Ma'am Rose yung public speech ko dahil mataas ang score na binigay niya sakin noon.

Napalingon naman si Sir Carlo sakin.
"Eloise sali ka?" pagtatanong ni Sir kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Sige na be sumali kana, samahan mo lang ako ganon. Sige na pleaseeeeeee!" singit naman ni Patricia dahilan para sa kanya naman mapunta ang paningin ko.

Ayoko talagang sumali dahil paniguradong makukuha ako.

HAHAHAHAHAHA taas ng self confidence eh HAHAHAHHA!

But at the end, sumali na ko dahil mapilit talaga si Patricia at inaantay talaga niya ang pagsali ko kaya sumali na ako. Ayoko mang magmukhang napipilitin ay parang ganon na nga ang nangyari.

Hays sana lang wag ako matanggap.
"Okay so ang mga kasali ay si Mae, Patricia at Eloise lang. Wala nabang dadagdag?"

Biglang pumasok si Ma'am Catherine, ang adviser namin.

"Sir isali mo si Noel." biglang sabi ni Ma'am Catherine dahilan para matingin si Noel sa direksyon ni Ma'am.

"Ma'am..." pagrereklamong sabi ni Nico

"Anong yun? mamayang gabi pa yon. Sumali ka. Isali mo 'to Sir."

In the end ay wala ding nagawa si Noel. Hays I feel you bro.
Hapon ng sabihan kami ni Sir Carlo na umakyat sa third floor mamayang 2:00pm para sa audition.

Nang umakyat na kami sa second floor ay nakita naming madami din palang sumali sa StationTen at more on grade 9 and STEM students.

By section ang ginawang pagkakasunod-sunod namin na mag-o-audition, kaya naman pang apat pa kami.

Habang naghihintay sa labas ay excited na excited na si Patricia. Pero ako? Hays pinagdadasal ko na sana wag ako makuha...

"So Eloise for sure makukuha 'to...tsaka si Noel din... dinig kong sabi ng kasamahan namin dito."

"Jusmiyo naman..."

Huhuhuhu bat ba kasi ako pumayag eh.

Nang section na namin ang mag-o-auditon ay nagpahuli na kami ni Patricia.

Lord please wag sana ako matanggap...

"Eloise ikaw ang News Presentor 1 at ikaw naman Patricia ang News Presentor 2."

Nang magsimula na kaming magbasa ni Patricia ay biglang nagsalita si Sir.
"Eloise lagyan natin ng konting slang sa pagdedeliever ng words ha?" biglang sabi ni Sir ng mapansin niyang tila nilalaro ko lang ang pagbabasa ng news dito.

Sinasadya ko talagang hindi ayusin noh!

Pero nang sabihin ni Sir yun ay bigla namang natuwa ang puso ko. Hehe for sure di na ko matatanggap neto HAHAHAHA!! Mission accomplished char!

Maya maya ay sinabi ni Sir na bukas daw namin malalaman kung sino ang mga matatanggap kaya naman bumalik na kami sa room.
Hays sana lang talaga di ako matanggap. Pero mukang hindi na talaga dahil nagreklamo na si Sir kanina kaya for sure tanggal na ko sa list ng mga tanggap tsaka dagdag gawain lang yon eh, malelate lang ako sa mga lessons namin.

To be continued....

Sir, Mali ba Magmahal? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon