Chapter 20

16 1 0
                                    

CHAPTER 20

Favorite

ELOSIE POV

Si Bella ang kasalukuyang nauuna maglakad ngayon. Nang madaan siya sa faculty room ay biglang sumulpot si Sir Carlo bitbit ang kanyang pinagkainang pinggan.

"Nak pahatid nga nito sa---" utos sana ni Sir kay Bella ngunit agad siyang napahinto ng makita ako.

"Ay si Eloise nalang pala, favorite ko ito eh." nakangiting sabi ni Sir habang iniaabot sakin yung pinggan at take note, anlapit lapit pa namin sa isa't-isa!

Gooosshhh!!!

Itong asawa ko na 'to,ang tamad tamad!

"Yieee ikaw ah.."

"Yieee peyborit ka pala ni Sir ah."

"Sana oil peyborit."

Nagside-comments pa ang mga gaga.
Pagkaabot ni Sir ng pinggan sakin ay nauna na siyang maglakad.

"Kita mo na,doon din pala siya pupunta di niya pa hinatid 'to." pabulong na sabi ko kay Patricia.

"Sir si Eloise may sinasabi po oh!" biglang sigaw ni Patricia na nagpahinto kay Sir sa paglalakad.
"Ano yon Eloise?" niyang tanong habang nakatitig sakin.

Hindi ko na nagawa pang sumagot dahil kinikilig na ako ditooo!
Bat ba ganon? Inutusan lang naman ako ni Sir pero ako naman kilig na kilig. Hays nag-o-automatic smile talaga 'tong labi ko pag nakikita ko si Sir! Hihi ikaw kase Sir ihh, masyado mo kong pinapakilig.

Pagkahatid ko ng pinggan ni Sir sa Canteen ay dumiretso na ako sa room ko. Hindi pa tumutunog yung bell kaya naman nagkalat pa ang mga estudyante dito.

Habang naglalakad ako ay biglang...

"Aray pot---" galit na sigaw ko ng bigla akong talisudin ni Vincent, remember my ex mu? That's him.

"Ay sorry!" sabi niya ng saktong masalo ako dahil kung di niya ko nasalo ay baka plakda na ko sa sahig ngayon. Epal kase masyado nitong Vincent na malandi na 'to eh!

Buti sinalo mo ko! Dahil kong hindi, baka tinapyas ko na yang balls mo!
Hindi ko na siya pinansin pa at tuluyan na akong dumiretso sa room. Nagreview lang ako dahil may quiz pa kami. Maya maya ay dumating na ang teacher namin at sinimulan na ang quiz at pagkatapos ay nagkaroon lang ng discussion.

Boring...

Maya maya ay may dumating ulit na teacher.

"Patricia, pakuha nga sa faculty ng pen***" utos ng teacher namin kay Patricia.

Pero dahil sa faculty siya pupunta ay sumama na ako. Hihi baka nandon si Sir ngayon eh.

"Uy ano daw kukunin natin? Pancit?" pagtatanong ko kay Patricia habang tinutungo ang faculty room.

"HAHAHAHAHAHA! Anong pancit?" HAHAHAHA! malakas na tawa niya na siya namang kinainis ko.

"Di mo alam yung pancit sis?" inis na tanong ko sa kanya. Susmaryosep!

"Luka luka kaba? Pencil kukunin natin hindi pancit!! HAHAHAHA!!" natatawa paring sabi niya.

Ah pencil ba? Kala ko pancit eh. Tsaka magkatunog kaya. Pencil tas Pencit. Hay nakoo!

Dumiretso na kami sa table ni ma'am at nagsimulang hanapin yung pencil. Si Patricia naman ay di parin makaget-over at panay parin ang tawa dito. Di ko talaga alam kung bat naging kaibigan ko ito eh!!Hay nako talaga Patriciaaaaaaaaaa.

Nang mapatingin ako sa aking likuran ay bumungad sakin ang likod ni Sir. Hihi likod mo palang kilala ko na. Maya maya ay nakita na ni Patricia yung lapis kaya naman inaaya niya na kong lumabas. At dahil nga nasilayan ko ang aking irog ay nakangiti akong lumabas ng faculty room.

Pagbalik namin sa room ay nagpapalecture na si Ma'am. Pinikshuran ko nalang yung nasa board para sa bahay nalang ako magsusulat.

Mabilis na lumipas ang oras at maya maya lang uwian na. Pagkadating ko sa antayan namin ni Sir ay wala siya. Di pa ba siya uuwi? Mahal wer na u, dito na me!

May dumating ng jeep kaya naman sumakay na ko. Hay nako Sir, nakakalungkot na di tayo sabay ngayon.

"Bayad po Partida lang." matamlay na sabi ko habang inaabot ang bayad ko.

"Malapit lang ang partida ah, pwede ngang lakarin yan eh." kumento ng driver.

Oh talaga ba? Edi lakarin mo mag-isa.
Baka kase sabihin ng driver na suplada ako kaya ngumiti nalang ako ng pilit kahit deep inside ay gusto ko na siyang batuhin. Wala ako sa mood manong at ayokong kinakausap ako pag ganon.

Ayoko sa lahat ay yung kinakausap ako ng mga driver. Tricycle driver, jeepney driver, o bus driver. Kahit ano basta driver! Ayokong kinakausap ako! Pwera nalang syempre pag nagtanong sila ng "Saan ka" kasi yun naman talaga ang usually na pinag-uusapan ng pasahero at driver. Pero yung magtatanong pa ng iba at magsiside-comments? Ayoko non!Nababadtrip ako! Ewan ko kung bakit basta nababadtrip ako!

Natuwa naman ako ng malapit na kong bumaba dahil titigil narin si manong kakadada dito.

Pagkarating ko sa bahay ay nagbihis ako ng maayos na damit. Hindi panlakad na damit ah! Ang ibig sabihin ko doon sa maayos, ay yung damit na hindi marumi, walang butas at yung sakto lang sakin. Balak ko kasing mag-ML ngayon at dahil walang signal dito sa loob ng bahay ay kailangan ko pang lumabas.

Pag kase nandito lang ako sa loob ng bahay ay mukha akong dugyutin. Magulo ang buhok, malaki ang damit na may butas, nakapanjama kahit tanghali. Pag weekends ay madalang din akong maligo. Wala, ayoko lang maligo.

Nang makuntento na ako sa paglalaro ko ay pumasok na ako ng bahay at nagpasya ng matulog. It's already 9:50 at paniguradong tulog na sila mama, kaya naman dahan dahan lang akong pumasok sa pinto para di sila magising dahil for sure magsesermon na naman yun na kesyo puyat ako ng puyat kakalaro di naman daw ako nagkakapera. Halos kabisado ko na mga sermon niya kaya minsan sinasabayan ko siyang magsermon eh HAHAHAHA!

To be continued....


Sir, Mali ba Magmahal? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon